Chapter 11

198 19 0
                                    

Tanghali na kaming nagising dahil madaling araw na kami nakatulog kakamovie marathon. nagpa deliver nalang kami ng breakfast namin ni Kurt. pagdating ng order namin inayos ko na ang mga pagkain para makakain na kami nang late breakfast namin

"love lets eat. i already prepare our breakfast" sigaw ko para marinig niya nagbanyo pa kasi siya. hindi naman nagtagal dumating na din si Kurt kaya nag umpisa na kaming kamain

"How was your sleep?" tanong niya habang ngumunguya pa

"Inaantok pa ako" malumanay na sagot ko sakanya

"Matulog kana muna pagkatapos nito, mamayang hapon nalang ulit tayo mamasyal" sabi niya tumango nalang ako

Nang matapos na kaming kumain nagpresinta siyang maghugas nang pinagkainan namin hindi na ako tumutol at bumalik nalang sa kwarto para matulog dahil antok na antok na ako.. nagising akong sobrang bigat ng ulo ko at parang ayaw pa magmulat ng mga mata ko, nang tuluyan ko nang maimulat ang mga mata ko nag aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan. ang tagal ko palang nakatulog bakit hindi ako ginising ni Kurt

Hindi tuloy kami nakapamasyal, naghilamus muna ako bago bumaba nang makababa na ako nadatnan ko si Kurt sa kusina na nagluluto ng dinner namin umupo nalang muna ako sa high stool chair habang pinapanood siyang magluto, hindi nagtagal natapos na din siyang magluto "

"Oh kanina kapa jan?'" gulat siya nang makitang nakaupo ako sa upuan tumango nalang ako at ngumiti, inanda na niya ang pagkain

"Kumain ka ng marami at pagkatapos uminom ka nang gamot alam kong masakit ang ulo mo dahil kulang ka sa tulog at sinisipon ka pa" parang tatay na sabi niya, pinipigil ko ang tawa ko dahil sa reaction niya para talaga siyang tatay na pinapangaralan ang anak na wag nang sususway

"Opo tatay"pagbibiro ko sakanya pero mali yata ang sinabi ko dahil nakakunot na ang noo niya at seryoso na siyang nakatingin sakin

"Anong sabi mo?" seryosong saad niya, narinig naman niya ang sinabi ko papaulit niya pa ano to ulit ulit lang, napairap nalang ako

"ang sabi ko po, opo iinom ako nang gamo tpagkatapos kong kumain" ani ko

"Good now finish your food" nakangiti na siya ngayon, bipolar talaga. tinapos ko na ang pagkain ko. Nang matapos na ako sa pagkain binigyan niya ako ng gamot at ininomm ko na ito

"Ako nang aghuhugas" sabi ko sabay tayo at niligpit ang pinag kainan nain

"Ako na, magpahinga ka nalang para gumaling kana" at inagaw sakin ang pinggan na hawak ko

"Hindi, ako na. kaya ko naman eh atsaka ikaw ang nagluto kaya ako na ang maghuhugas, lagnat at sipon lang naman ito hindi ako pilay" napabuntong hininga nalang siya kaya napangiti ako dahil ibig sabihin non ako ang nanalo

Nag umpisa na akong maghugas nanood nalang si Kurt nang palabas. hindi nagtagal natapos na ako sa paghuhugas hindi naman kasi marami ang hugasin dahil kami lang namang dalawa ni Kurt. nagpunas muna ako ng mga kamay ko bago tumabi kay Kurt, niyakap ko siya patakilid

"Tapos kana?" tumango lang ako bilang sagot. pinatay na niya ang tv at umakyat na kami sa kwarto inunan niya ako braso niya at ang isang kamay niya ay nasa bewang ko, niyakap ko rin siya at siniksik ang mukha sa dibdib niya hanggang sa makatulog ako

Nagising akong hindi na masakit ang ulo ko. pagmulat ko ng mata bumungad sakin ang pinaka gwapong mukha ni Kurt mahimbing parin ito natutulog habang yakap parin ako, tinitignan ko lang ang mukha niya, sana ganito nalang lagi nakikita ko pagmulat ng aking mga mata

"Gwapong gwapo kana naman sakin Love" sabi niya sabay mulat ng mata 

"Kapal" natatawang ani ko kasi totoo naman ang sinabi niya

"Good morning" nakangiting bati niya sabay halik sa noo ko

"morning din" bati ko pabalik at tumayo na papuntang banyo para maghilamos na at maka prepare na ng breakfast namin

"Come on punta na tayo sa baba para makapag breakfast na" aya ko sakanya 

Hindi naman ako nabigo dahil tumayo na siya sa higaan at sabay na kaming bumaba pinaupo ko lang siya dahil ako ang magluluto ng breakfast namin ngayon. bacon, egg, at fried rice lang ang breakfast namin. gumawa din ako ng egg sandwiches at nagtimpla ng kape para sakanya at gatas naman sakin. hinanda ko na ang pagkain namin para makakakain na kami

"Kain na tayo love" umupo na siya sa harap ko at nagsimula nang kumain ng pagkain kumuha narin ako nang akin

"Ang sarap mo talagang magluto love" puri niya at may kasamang thump ups pa, inirapan ko lang siya

"Parang bacon lang eh" natawa siya sa sinabi ko

"Anong bacon lang pang asawang luto na kaya to" banat pa niya

"Nambola kapa" naiiling na sabi ko. natapos na kaming kumain na panay banat parin si kurt. epekto ba to nang kinain niyang bacon

"Love gusto mo bang pumuntang Disney Land" nag ningning naman ang mga mata ko sa narinig. talaga ba pupunta kaming Disney Land

"Talaga pupunta talaga tayong Disney Land"

"kung gusto mo, why not"

"Gusto ko" parang bbatang sagot ko sabay talon talon pa. talaga ngang pupunta kaing Disney Land, makikita ko na sa personal ang itsura nito sa mga pictures ko lang kasi ito nakikita

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dont forget to vote and follow me for more stories to come

LadyUndeniable

Five DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon