Chapter 14

235 13 0
                                    

Nang nasa HongKong na kami ginawa ko lahat maiparamdam lang sakanya na siya parin ang Mahal ko, pumunta kami sa Tai Po Lam Tsuen Wishing Tree gusto niya daw humiling

"Sana makahanap siya nang lalaking deserve niya, na kaya siyang ipaglaban at aalagaan at mamahalin siya higit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay" hiling ko sa wishing tree, sana matupad ito kahit yun lang okay na ako, nagpatuloy ang mga araw namin na masaya

"Para saan 'to, Ang ganda" tukoy ko sa bracelet na bigay niya, na may nakaukit pa na pangalan ko. Hindi ko talaga ito iwawala

"Remembrance, para kahit wala na ako maaalala mo parin ako dahil sa bracelet na yan" makahulugang sabi niya. nalungkot ako dahil sa sinabi niya para na siyang namamaalam at ito na rin pala ang huling araw namin sa HongKong na magkasama. bukas gigising ako na hindi na isya katabi, at sa pagmulat nang mata ko hindi na siya ang unang makikita ko, magbabago na ang lahat nang nakasanayan kong gawin kasama siya

Nang dumating ang oras na papasok na siya nang bahay nila akal ko iiwan na niya ako hindi ppala dahil bigla nalang niya akong niyakap. Habang umiiyak sinabi niya lahat nang saloobin niya, gusto kong umiyak sa mga sinasabi niya pero kailangan kong pigilan ang mga luha ko

Ayaw kong makita niyang nasasaktan ako dahil sakanya. Pagkatapos niyang sabihin lahat nang gusto niyang sabihin bigla nalang siyang umalis, Nang umalis siya doon na nagsimulang bumuhos ang mga luha ko, sa pagkakataong ito nakita ko siyang naglalakad palayo sakin ang sakit sakit makitang lumalayo sayo ang mahal mo, para kang dinudurog nang mga karayom

"Hey Kudi stand up, uuwi na tayo ihahatid na kita sa condo mo baka maaksidente kapa kapag nagmaneho ka" sabi ni Pat. nanlalambot ang mga tuhod ko, hindi ko kayang tumayo, inalalayan ako ni Patricia papunta sa kotse niya. 

para akong bakla dito iyak nang iyak, ganon talaga kapag mahal mo ang isang tao wala kang pake kahit nagmumukha kang bakla maparamdam mo lang sakanya kung gaano mo siya kamahal. bagsak ako pagdating sa condo tulala sa kisame ayaw kung isipin siya baka umiyak lang ako lalo, kailangan ko magpakatatag desisyon ko 'to kailangan ko tong panindigan

"Buti naman nakipag break kana sa babaeng yun wala kang mapapala dun. later we're going to have dinner date with Jessie and her parents, pag uusapan natin ang tungkol sa kasal ninyo" sabi ni Mommy, pero kahit isa walang pumapasok sa isipan ko tulala lang akong nakatingin sakanya

"Nakikinig kaba?" galit na usal niya, tumango lang ako sakanya. Pagkatapos akong kausapin ni Mommy pumasok muna ako sa kwarto ko dito sa mansion, pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa. natulog ako buong maghapon nagising lang ako nang merong kumatok

"Senyorito, maghanda na daw po kayo para sa dinner niya mamaya sabi po ni Madam" usal nang kumatok, hindi na ako sumagot. kahit ayaw ko tumayo parin ako, wala na akong magagawa kundi tanggapin na ito na ang kapalaran ko

"Balae, this is Kurt my son" pakilala sakin ni Mom sa mga magulang daw nang mapapangasawa ko. wala akong pakialam dahil hindi naman si Selene ang bride, sasaya pa sana ako pag siya ang pakakasalan ko 

"Ang gwapong bata naman nito balae bagay talaga sila nang anak ko si Jessie" masayang ani nang balae ni mom, wala akong pake sa mga pangalan nila dahil ayaw ko sila maging in laws. nag usap lang sila tungkol sa kasal, sila lang ang nag uusap dahil wala akong pake don kumakain lang ako at hindi sila tinitignan

"Next month nalang natin sila ikasal" ani ni mom. sobrang excited naman nila para next month na ganapin ang kasal.

"Anak kailan mo bababain si Jessie ilang weeks na siyang pabalik balik dito para ayain kang mamasyal pero hindi mo siya pinupuntahan" Mom was right, ilang weeks nang pumupunta dito si Jessie pero hindi ko siya pinapansin o kinakausap

"kung si Selene sana ang mag aaya sakin uoo na ako agad agad" walang ganang saad ko

"kalimutan mo na ang babaeng yun" galit na saad ni mom

"Paano ko siya kakalimutan kung sa bawat sulok nang bahay siya ang nakikita ko"

Lumipas pa ang ilang araw, isang buwan ko nang hindi nakikita si Selene, kamusta na kaya siya. ano kayang ginagawa niya ngayon. Nandito akko ngayon sa bar kasama mga tropa ko, naging hobby ko na ito simula noong araw na pinakilala sakinang mapapangasawa ko 

Hindi lang alak ang bisyo ko kasi naninigarilyo na rin ako ngayon na hindi ko dati ginagawa, Nagbago na ako simula nang mag break na talaga kami nang tuluyan ni Selene ang hindi lang nagbago sakin ay yung pagmamahal ko sakanya, habang tumatagal lalo ko lang siya minahal sa malayo

"Kurt uwi na tayo, lasing kana" Aya sakin ni Jessie. anong ginagawa nang babaeng yan dito, dahil sakanya lalong nawala sakin si Selene

"Anong pakialam mo, kaano ano ba kita?" sigaw ko sakanya

"Fiancee mo ako Kurt, Fiancee" sigaw niya pabalik sakin

"Kahit kailan hindi kita tinuring na fiancee si Selene lang ang fiancee ko" sabi ko sakanya. wala akong pakialam kahit masasakit na salita ang nasasabi ko 

"bakit palagi nalang si Selene ang bukambibig mo wala naman siya dito,  ako. ako ang nandito hindi siya" nagsimula na siyang umiyak pero kahit umiyak pa siya nang dugo wala akong pakialam

"Kahit wala man siya dito sa tabi ko palagi naman siyang nandito sa puso't isipan ko" buong pagmamahal na sabi ko

"And pakisabi sa mga magulang mo na hindi na matutuloy ang kasal" huling sabi ko sakanya bago umalis. Wala na akong pake kahit magalit pa sila mommy sakin. balak kong puntahan bukas si Selene sakanila ayaw konng makita niya akong ganito. sobrang excited na akong makita siyang muli

Five DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon