Chapter 9

22K 838 455
                                        

Trigger warning:
This chapter may contains graphics depictions of sexuality and nudity.

================

Lincoln Eunice

"Baka naman mabasag 'yang mga pinggan sa ginagawa mo, Lincoln Eunice."

Napatigil ako sa marahas na pagpupunas ng platong hawak ko. Walang gana akong napalingon kay Lola na ngayon ay nasa gilid ko na pala, hindi ko man lang namalayan sa sobrang pagkalutang ko. Nakataas ang kaniyang kilay habang seryosong pinapanood ang bawat kumpas ng kamay ko sa paghuhugas. Kung titignan, para akong nakikipagbuno sa mga kagamitan sa kusina kaysa naglilinis lang.

"Kung may problema ka, 'wag mong idamay 'yung walang kamalay-malay na mga plato, ah? Hindi sila ang kaaway mo," naiiling na dagdag pa niya, bago bumaling sa pagkuha ng baso.

Mahina akong napasinghal. Gusto kong sumagot, gusto kong sabihing hindi ko rin alam kung bakit pati ang mga gamit ay pinagdidiskitahan ko, pero nanatili na lang akong tahimik. Ipinagpatuloy ko ang pagsasabon, pero sa pagkakataong ito, sinubukan kong maging mas dahan-dahan, kahit pa ang totoo ay kumukulo ang loob ko sa hindi malamang dahilan.

Simula nang makauwi ako galing sa labas, mula noong tagpong iyon sa parking lot, parang nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Ang bawat hakbang ko ay mabigat, ang bawat salita ay parang kailangang dumaan muna sa isang makitid na butas bago lumabas. I feel so drained. Parang namatayan ang itsura ko ngayon, at hindi ko iyon maikakaila sa harap ni Lola.

"Ano bang problema mo, apo?" tanong muli ni Tanda habang abala sa pagtitimpla ng gatas. Narinig ko ang kalansing ng kutsara sa baso, isang tunog na dati-rati ay nakaka-relax, pero ngayon ay tila nakakarindi sa pandinig ko. "Para kang pinagsakluban ng langit at lupa simula nang pumasok ka sa pinto."

"Wala naman po, La. Napagod lang siguro sa school," walang gana kong sagot. I forced a small, tired smile, but I knew it didn't reach my eyes. Lola knows me too well para madala sa ganoong klaseng acting.

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya. Alam kong hindi siya naniniwala, pero nagpapasalamat ako na hindi na siya nag-usisa pa nang husto sa sandaling iyon.

"Sige na, ako na riyan sa paghuhugas at baka tuluyan ka nang makabasag. Ihatid mo na lang itong gatas sa kwarto nina Vanessa," utos niya sabay abot sa akin ng tray na may baso ng mainit na gatas.

Wala akong nagawa kundi tumango. Kahit labag sa loob ko ang lumapit sa bahaging iyon ng bahay, kinuha ko ang tray. Bawat hakbang ko sa hallway ay tila paglapit sa isang lugar na ayaw ko nang balikan. Huminto ako sa harap ng pinto ng kwarto nila, huminga nang malalim ng ilang beses para ayusin ang expression ng mukha ko. I need to look okay. I have to look okay.

Dahan-dahan akong kumatok. Nang marinig ko ang pag-ikot ng lock, agad kong idinikit ang isang pilit na ngiti sa aking mga labi. Pero ang ngiting iyon ay agad ding naglaho, na parang bula na tinusok ng karayom, nang masilayan ko ang mukha ni Sir Chris.

"Yes, Lincoln?" bungad niya. Malawak ang kaniyang ngiti, 'yung tipong akala mo ay wala kaming pinagsamahang awkwardness.

Tinitigan ko siya. There was something in his eyes that felt off. Hindi ko alam kung totoo ba ang saya sa mukha niya o katulad ko rin siyang magaling magtago ng tunay na nararamdaman. It felt like he wasn't happy to see me either, behind that perfect facade.

Lihim akong napakuyom ng kamao sa ilalim ng tray. Bakit kailangan mong maging ganito kaplastik? sa loob-loob ko. Pero sa labas, nanatili akong civil.

"Pinapadala po ni Lola. Gatas daw po ni Vanessa," maikli kong sagot, iniiwasan ang kaniyang tingin.

Can't Help Falling Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon