Y/N's POVNagising ako sa sunod-sunod na tunog ng phone ko. Sino ba 'to? Ang aga-aga eh.
12 Messages from Yanah
Bwisit talaga 'to, napaka-aga nambubulabog. Yanah's been my best friend since elementary kaya comfortable siya magsend ng sunod-sunod na messages or chats kahit anong oras pa 'yan. I'm still half-asleep but I unlocked my phone to check her messages.
Papikit-pikit pa 'ko pero nung nabasa ko yung word na "Doc" napadilat ako. Ohmygod, anong meron? At sinong doc? I replied immediately.
Naubos ko na ata lahat ng mura sa mundo dahil sa sobrang tuwa. Normal bang ngumiti habang umiiyak at tumitili din at the same time? Nagtatatalon ako sa kwarto habang tinitignan yung ig story ni Doc Tricia. OMG, 'di ako makapaniwala. Grabe na 'to, Lord, sobrang bait mo sa'kin these past few days. Kukunin mo na ba ako?
I ran downstairs papunta kay Mama at Papa para ipakita yung story ni Doc Tricia.
"Sino 'yan?" Tanong ni Mama.
"Ma naman. Si Doc Tricia 'yan! Pinost niya yung mga bread na pinamigay natin kahapon sa rally!" I answered excitedly. Biglang nanlaki yung mata ni Mama at Papa at sabay-sabay na kaming sumasayaw sa tuwa.
"Wow! Grabe nakakatuwa naman. Kinain talaga nila yung bigay natin." She said.
"Oo nga. Isip ko nga baka ibigay lang din nila yun sa staff or volunteer kasi baka marami na silang pagkain." Papa added.
"Very appreciative talaga silang family 'no? Nakakatuwa. E di kilig na kilig ka niyan?" Mama smiled at me.
"Aba siyempre. Kahapon nga lang halos magwala na sa sasakyan nung nakita si Tricia eh." Papa answered.
"Buti pala binaba ni Papa mo yung bintana 'no? Kung hindi, 'di mo nakita 'yon." Mama chuckled.
"Mag-thank you ka sa'kin." Papa joked.
I was left speechless so I just hugged both of them tightly. I was so lucky to be born with supportive parents and in a family of strong moral values. I don't know what would've happened if it was the other way around. I am very grateful to have them.