Author's Note: Henloo! Ayan nag-update na ako ha. Wala muna tayong Joferlyn convo today. Real life interaction muna tayo. Pero nag-uusap sila, okay? Imaginin niyo na lang HAHAHAHA
Sana magustuhan niyo 'to. Kung hindi, salamat na lang sa lahat 🥲
(RPC means Robredo People's Council pala 😄)-
Y/N's POV
7:00 PM
Gabi na pero nagka-ayaan kami ni Yanah na mag-volunteer ngayon para tumulong sa preparation for the Pasig Grand Rally. Nakita namin sa Twitter na naghahanap pa ng maraming volunteers yung RPC Pasig dahil marami pang kailangang ma-accomplish at gahol na sa oras. Kaya ito ako ngayon, nag-aantay sa labas ng bahay ng best friend kong napakabagal kumilos. Bumusina ulit ako to let her know that I'm getting impatient. At ayan, kumakaripas na ng takbo ang gaga.
"Grabe naman 'to! Madaling-madali?" Bungad niya sa'kin pagpasok ng kotse.
"Ang tagal tagal mo, kanina pa 'ko nag-aantay!" Iritang sagot ko sa kanya.
"Chel ka lang, wala do'n si Doc Tricia."
"Pupunta daw si Frankie, so... Lord, kung 'di lang din si Doc Tricia, kahit si Frankie na lang. Hehe."
"Kapal mo, girl. Baka offeran ka lang ni Shawie ng ten million para lang layuan mo ang anak niya." Yanah said with a pang-asar look on her face. Bwisit 'to.
"Tsaka sino ka diyan, teh? May Frankie na, may Doc Tricia pa, tapos may Doc Joferlyn ka pa? Ay, speaking of, kumusta naman kayo ni Joferlyn?" Yanah added.
"We've been talking for over a month na, ayon okay naman. We've grown closer, we talk about things that happened in our day, our problems, random thoughts, rants sa buhay, especiallly about politics, or just anything under the sun. We send updates to each other din, ganon." I answered.
"Ay wow, parang mag-jowa?" She joked.
"Hindi naman, pero yesterday, she confessed na she's only been talking to me tapos 'di na daw siya nag-eentertain ng ibang tao. But she doesn't expect me naman daw to do the same because it's unfair to me."
"That's good. So, kailan siya mag-feface reveal? Hahahaha!" She chuckled.
"Hindi ko alam. To be honest, I never asked. I don't want to pressure her. Pero sabi niya naman, soon daw."
"Ikaw bahala. Basta if mag-memeet kayo isama mo 'ko para tatawag ako ng pulis if ever. Mahirap na, baka serial killer 'yan."
I smiled at her remark, "Kakanood mo 'yan ng crime docu. Doctor 'yon. Tigil mo 'yan." I then replied.
7:30 PM
Nakarating na kami sa Leni-Kiko Head Quarters dito sa Katipunan. Dito kasi inaayos and ginagather yung mga paraphernalias then trinatransport na sa venue once done. Pinark ko na yung kotse at bumaba na kami ni Yanah. Hindi pa kami nakakapasok sa loob, kinukurot na ako ni bakla.
"Ohmygahd, beh. Si Ate Aika." She said habang tumitili nang mahina at kinukurot ang braso ko. Napalingon tuloy ako kung saan nakatayo si Ate Aika. Shet. Nandito rin pala siya, akala ko si Frankie lang.
Bago pa kami makarating sa loob, sinalubong kami ng isa sa mga organizers.
"Hello, you guys must be Yanah and Y/n? Ako nga pala si Aica. Hindi si Aika na anak ni VP ah. Ate Aica with a 'C'. Hahaha!" She joked.
"Hello po, Ate Aica." We greeted her in unison.
"Tara na sa loob. Para ma-assist na kayo kung saan niyo bet tumulong." She smiled while guiding us papasok sa building. Yanah and I agreed na sa sorting of donations na lang muna kami tutulong.