CHAPTER 4

73 10 0
                                    

Tinignan ni josh ang dalaga , bakas sa pag mumukha ng dalaga ang
Pagkalungkot nito.

"Kahit hindi mo na sabihin, okay lang "
Sabi ni josh

Sapilitan namang ngumiti ang dalaga sa lalaki

"Pasensya na po talaga , Ayoko po talagang sabihin eh"
Sabay kamot ni shann sa batok nya.

Biglang tumayo ang lalaki at lumapit ito sa isang malaking machine
(Hugis kinderjoy ang machine 😐)

" Halika , may ipapakita ako sayo"
Pag aya ni josh.
Lumapit naman si shann at tinignan kung ano ito.

"Isa tong time machine , 13 years bago ko to natapos"
Napahanga naman si shann

"Gagana po ba yan? Ginamit nyo na po yan?, Paano po yan gamitin? Bakit kayo gumawa ng time machine?"
Sunod sunod na tanong ni shann sa lalaki , hindi napigilang tumawa ang lalaki dahil sa sunod sunod na tanong ng dalaga .

"Hinay hinay lang sa pag tatanong , sasagutin ko din yan lahat HAHAHA"

"Ginawa ko ito kasi ....."
Tinitignan ni josh ang time machine habang nag eexplain kay shann.

"Kasi?" Hinihintay ni shann ang sagot ni josh .

"Kasi trip ko lang" malakas na tawa ang pumapalibot sa opisina , hindi naman natuwa si shann dahil sa sagot ng lalaki.

"Joke lang

ginawa koto para itama  ang pag kakamaling nagawa ko.
Gusto kong baguhin ang past ko.
Ng dahil sa maling ginawa ko ,
Nag ka letche letche ang buhay ko,
Nawalan ako ng trabaho ,
Namatay ang asawa at anak ko"

Hindi napigilan ni josh na maiyak
" Nag sisi talaga ako sa ginawa ko ,kaya aayusin koto "

Hinagod naman ni shann ang likod nito, sobra syang naawa sa lalaki.

"Kailan nyo pong balak ayusin?"

Hindi napigilan na itanong ni shann kay josh
"Kailan nyo po gamitin ito?
Sabay tingin sa time machine

"Kung pwede nga lang ngayon na agad , why not?" Sagot ng lalaki
"Ang dami ko pa kasing tatapusin na importanteng bagay eh "

Tumatango na lang si shann sa sinabi ng lalaki,

"Eh paano po gamitin ang time machine?”
Shann asked,
tumingin naman ang lalaki sa time machine at tila may hinahanap .

"Ganito lang yan, nakikita mo ang red botton na to?"
Sabay turo nito sa red botton .

"Pipindutin mo lang ito at may lalabas sa screen na time and date at ilalagay mo sa screen ang time and date na gusto mong balikan"

Napahanga naman si shann
"Pero, ika tatlong beses mo lang sya pwedeng gamitin , ika apat na beses dapat ito pero ginamit ko to ng isang beses"

"Gusto kong balikan ang past ni mama"
Nag taka naman si josh sa sinabi ng dalaga ,
"Sigurado kaba sa sinasabi mo na gusto mong balikan ang past ng mama mo?" Tanong nito.

"Pwede po bang sumama sayo?
Pakiusap ni shann kay josh

"Gustong gusto ko pong alamin ang lahat lahat tungkol kay mama, gusto kopong alamin kung ano ang punot dulo ng poot at galit ni mama
Sakin "

Nagulat naman si josh sa sinabi ng dalaga , bakas naman sa pag mumukha ni shann na sigurado sya sa naging desisyon nya.

"Yun lang ba ang gagawin mo? Gusto mo lang alamin ang past ni coleen?
Kung ako sayo , tulungan mong baguhin ang Landas nya  ,
Para mag bago ang path na magiging future nya at sa magiging future mo
Tutulungan kita "

Sabi ni josh sa dalaga , lumapit naman si shann sa lalaki at niyakap ito
"Salamat po "
Hindi napigilang maiyak ang dalaga
Ngumiti si josh sa dalaga at niyakap din ito pabalik.








TIME MACHINEWhere stories live. Discover now