CHAPTER 6

77 11 1
                                    

''Hindi po kami okay ni mama ,as always"

Bakas sa mukha nito ang pagkalungkot.

"Kagabi po , binabato ako ni mama ng masasakit na salita" hindi napigilan ni shann na umiyak , naawa naman si abby  sa kanyang pamangkin.

Nakita nya naman umiiyak ito kaya dali dali nya itong niyakap
" Tita , bakit ang laki ng galit ni mama sa akin? " Tanong nito habang umiiyak .
Hindi kayang sagutin ni abby ang tanong ng kanyang pamangkin, pinunasan ni abby ang mga luha ng dalaga

" Makinig ka sa akin , pag sinaktan ka ulit ng nanay mo ,
pumunta ka ka agad dito at di ako mag dadalawang isip na pagalitan ang kapatid ko dahil sa ginagawa nya sayo "

"Pero tita,mauwi lang to sa away .
Wag na lang po , baka mag away nanaman kayo ng dahil sa akin "

Napayuko na lang si shann , natahimik naman si abby sa sinabi ng dalaga.

"Ayaw lang kasi ng tita abby mo na sinasaktan ka ng nanay mo"

Tumingin naman ang dalawa sa babaeng kakapasok lang sa bahay .

"Tita sela?"

Lumapit si sela at tinabihan si shann

"Parang anak na kasi ang turing namin sayo , shann " sabi ni sela habang nakangiti kay shann.

"Love , inaway nanaman ni coleen ang anak nya " Sumbong ni abby sa asawa.

"Nanaman?? ,
Kailan kaya mag bago yang kapatid mo abby?
Kung may galit sya sa naging asawa nya ,
huwag nyang idamay ang anak nya , hindi naman tama yo-"

"Sela!"

Pinigilan ni abby si sela
Nabigla naman si shann sinabi ni sela

"Love , totoo naman ang sinasabi ko na-”

"Tama na sela!"

Hindi pinatapos ni abby si sela , bakas sa mukha nito ang inis.

"Shann , usap muna kami ni tita sela mo ah , dito ka lang saglit lang kami"
Pag paalam ni abby kay shann
At tumango lang ito.

______________________________________

Umuna ng pumasok si sela sa kwarto, sumunod naman si abby
Nilock nya ang pintuan at dumeretso sa bed para umupo .

Tinanggal ni sela ang kanyang coat na itim at inilagay ito sa upuan.
Nag hanap sya ng isusuot nya na pang bahay sa closet,
Tinitignan lang sya ni abby .

Katahimikan ang pumapalibot sa kwarto...

Hinubad na ni sela ang white t shirt , bra lang ang suot nito sa itaas.
Napalunok naman si abby at biglang uminit ang katawan nito habang tinitignan ang magandang katawan ng kanyang asawa.

Lumingon naman si sela kay abby at nag kagat labi ito habang tinitignan sya ni abby , umiwas agad ng tingin si abby.

Lumapit naman si sela at humarap ito kay abby
Hindi kumibo si abby at nakatutok lang ito sa phone para mapigilan ang sarili nya.

Hinawakan naman ni sela ang baba nito.
" Babe , anong pag uusapan natin? "
Napalunok ulit si abby habang tinititigan ang mga mata ni sela ,
Hindi napigilan ni abby na tignan ang hinaharap ng kanyang asawa .
Ngumisi lang si sela
" Uhaw kaba abelaine? Kanina kapa lunok ng lunok dyan eh"

Umalis agad si abby sa harap ni sela
" S-sela anong ginagawa mo? Diba May pag uusapan tayo? Pwedeng mamaya na? " Sabi ni abby kay sela na may halong inis

Itinaas ni sela ang kanyang mga kamay
" Chill, ang sungit sungit mo naman ,
Nireregla ka ba? Kanina kapa ah "

Sabi ni sela , inirapan lang  sya ni abby.

"Mag bihis kana nga dyan , nag hihintay na sa baba si shann , mag didinner na din tayo "
Utos ni abby sa kanyang asawa.

"Yes hubby ko , umuna kana , susunod ako... And...
Later, kakain ka ulit dito sa kwarto "

Nabigla si abby sa sinabi ni sela ,
"Whatever , bilisan mo na dyan"
Pag susungit ni abby kay sela .

Sinarado na ni abby ang kwarto at bumaba na, dumeretso sya sa sala  kung saan ang kanyang pamangkin.

"Ang tagal nyo naman mag usap ,may ginawa pa kayong kababalag- aray!”

Kinurot ni abby ang pisngi nito ,
"Saan mo yan natutunan ah? , Ikaw na bata ka napaka ano mo"
Nang gigigil si abby kay shann habang hinahawakan naman ni shann ang kanyang kaliwang pisngi.

"Tsk ang sakit tuloy" pag rereklamo nito , tumawa na lang si abby.
Mga ilang minuto ,
habang nag uusap ang dalawa , di nila na pansin na nasa likod na pala si sela at nakikinig sakanilang pinag uusapan.

"Anong pinag uusapan nyo ah?"

Nagulat  ang dalawa kay sela, natawa naman si sela dahil sa reaksyon ng dalawa.
Parang bang nakakita ng multo.


➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Hello guys , baka sa Saturday or monday pa ako mag publish ulit
Tatapusin ko muna ang reqs
Thank you.

TIME MACHINEWhere stories live. Discover now