Kathlyn's pov
Nitong mga nakaraang araw lagi na namin nasasalubong sila Clarence at nitong mga nakaraang araw ay nakikita ko si Dave na sumusunod sa akin di ko alam kung bat sila sumusulpot katulad ngayon nandito silang lima
"Teka nga, pansin ko na ito ah. Bakit napapadalas na ang pag kikita nating lahat?" tanong ni Carla
Nag katinginan sila Clarence, Kevin, Jacob at Dave na animo'y ngungusap sa mga titig
"Napag utusan kasi ako ni Ezekiel na bantayan ka" sagot ni Dave gamit ang seryosong muhka
"Wala lang, gusto lang namin na kasama kayo" sagot ni Kevin
Tumango nalang kami pero napapansin ko na parang may tumitingin na naman sa akin
"Kathlyn hali na kayo" aya ni Dave napakunot naman ang noo ko
"Bakit?" tanong ko sa kanya
"Sa mansion nalang tayo mag usap, sa ngayon umalis na tayo dito. Pati kayo Luisa sumama na kayo sa mansion" aya nya sa apat
Sumunod nalang kami kay Dave at sumakay sa kotse nya
Ang iba naman ay sa kotse ni Hazel at Clarence dahil nga sa puno na kami dito
Nag taka naman ako dahil di ito ang mansion na tinutuluyan namin ni Axl. Kaninong mansion ito? Parang palasyo na dahil sa sobrang laki at kanina habang papasok kami sa gate napakalayo pala ng mansion sa gate di katulad sa isang mansion ni Axl
"Teka kaninong mansion ito?" tanong ni Queenie
"Kay Ezekiel itong mansion" sagot ni Dave at nauna nang mag lakad. Napanganga ako sa sinabi nya at tulala rin
Pero nabalik lang ako sa ulirat ng may nag salita sa harapan namin
"Welcome home Lady Lovely" sabay na bati nila sa akin at nag bow
Ako naman parang natataranta na ewan dito dahil sa gulat at pag kabigla
"Kathlyn pasok na kanina ka pa nya hinihintay" sigaw ni Dave sa di kalayuan
Sumunod nalang ako sa kanya at ganon din ang mga kaibigan ko. Pag pasok ko ay nakita ko si Kuya Vincent, Axl at si Patrick yata na nakaupo sa may sofa
"Hey lil sis" salubong nya sa akin
"Kuya, i miss you so much" salubong ko ng yakap sa kanya at ganon din sya sa akin
"I miss you too" tugon nya
Humiwalay rin kami agad sa yakap at umupo sa may mahabang sofa habang si Axl ay nasa single sofa
Muhkang nasa Sala kami ngayon masyado kasing malaki ang mansion na ito
"Mabuti at kompleto na kayong lahat" paniwala ni Axl
"Huh? Kompleto? You mean sir kasama rin sila Jacob?" tanong ni Ashly tumango naman si Axl kaya nag taka naman ako
"Dito na kayo titirang lahat, kaya kahit anong gawin nyo ay pwede nyong gawin. Dapat nga di kayo kasali at si Kathlyn lang sana ang papapunta ko rito kaso naisip ko na pwede rin kayo manganib kaya isinama ko na kayo" mahabang paliwanag nya
"Anong napansin nyo kanina Clarence?" tanong nya kila Clarence
"Ganon pa rin, sumusunod pa rin sila sa amin at minamanmanan" sagot nito sa kanya tumango lang si Axl
"Manang Leni" tawag ni Axl at may pumunta naman na isang matanda i think mga 50's na ito
"Ano po yon Master?" tanong ni manang sa kanya
"Papuntahin mo na sila sa kani-kanilang kwarto para makapag pahinga" sagot ni Axl sa kanya
"Sige po" sagot ng matanda
Tatayo sana ako ng bigla akong hawakan ni Axl sa pulsuhan kaya nag taka naman akong tumingin sa kanya
"Maliban sayo, mag uusap tayo" dugtong nya pa
Ng mawala na sa paningin ko sila Ashly ay tinanong ko ito kung bakit kami nandito
"Nasa panganib?" takang tanong ko sa kanya
"Oo Kath, kaya ka binabantayan ni Dave dahil nasa panganib ka" sagot ni Patrick
"Malayo itong mansion na toh sa dating tinitirahan natin kaya safe ka na nandito kasama ang mga kaibigan mo" sagot ni Axl
"Nasa isang subdivition tayo kanina pero malawak itong mansion at lupang pinag tayuan nito" sabat ni kuya Vincent
"Alam na ba ng mga kaibigan mo na asawa mo si Axl?" tanong ni Dave sa akin tumango naman ako
"Maliban kila--- Hwag mo nang sabihin pa Kathlyn dahil alam na namin" napatingin ako sa may hagdanan at nakita ko doon sila Jacob na papababa. Nang laki naman ang mata ko sa sinabi nya
"P-paano nyo nalaman?" tanong ko sa kanila
"Si Ezekiel mismo ang nag sabi sa amin" sagot ni Clarence at tumingin kay Axl na preteng nakaupo sa sofa
Tulala naman ako at di makapaniwala dahil sa sinabi at nangyayari ngayon
Continue
YOU ARE READING
Please Merry Me Professor *Complete*
RandomProloage Naandito kami ngayon sa Klase ni Prof Axl psst kaso wala pa sya kaya maingay dito sa room namin "Hey Kathyn may dare kami sayo" biglang kalabit ni Ashly sa akin "Ano naman yon?" tanong ko sa kanya "Mamaya papasok si sir diba?" tanong ni Que...