Kathlyn's pov
Dalawang linggo simula nong nanirahan kami dito sa mala palasyong mansion ni Axl. Dalawang linggo na rin simula nong di kami o ako pumasok ng School dahil yon ang nais nila kuya at Axl
Sa nag daang mga araw mas lalong naging protective si Axl sa akin, minsan sweet, minsan naman masungit, minsan cold, minsan nag lalambing ewan ko ba don daig pa ang babae sa pag tatampo eh
Nasa iisang kwarto lang din naman kami natutulog kaya minsan naiilang ako pero kahit na medyo sanay-sanay na rin naiilang pa rin ako sa kanya
Sa ngayon nandito ako sa may sala kasama ang mga kaibigan ko at si Luisa nanonood kami ngayon ng movie. Love story sya na may action and comedy
Maya-maya ay bumukas ang pinto at iniluwa non sila Axl, muhkang may pinuntahan ah
"Girls kumain na kayo?" tanong ni Patrick
"Yup, kumain na kami" sagot ni Queenie
Nga pala sila Hazel at Kevin tahimik lang ang mga yan parang ayaw mag salita napipi na yata hahaha
"Hanggang kaylan ba kami dito sa mansion?" tanong ko sa kanila
"Hangga't di nag papakita ang taong sumusunod sayo" sagot ni Axl
"Sino ba sya? Kilala ko ba sya?" tanong ko sa kanya
"Kilala mo sya, sa ngayon di ka muna pwedeng makalabas ng mansion na ito baka sa susunod na buwan pa siguro pero kasama mo na sila Dave para nag bantay ka kung sakaling lumitaw sya" nalilito man pero tumango nalang ako at binalik ang tingin sa harap ng tv
Third person's pov
Malalim na ang gabi at lahat ay tulog na maliban sa mga babae na ngayon ay nag uusap tungkol sa taong sinasabi nila Vincent kanina
"Kilala ba talaga ni Kath yong taong sumusunod sa atin?" tanong ni Krisha
"Maybe, pero di pa naman natin sigurado eh" sagot ni Carla
"Ano bang kaylangan ng taong yon sa kanya?" tanong naman ni Queenie
"Yon ang kaylangan natin malaman" napatingin sila kay Hazel na ngayon ay nag titipa sa kanyang laptop
"Kapag talaga need ng info magaling don si Hazel eh" nakangising turan ni Rizza
"Oo parang si Dave lang" kinikilig na turan ni Carla kaya siniko sya ni Ashly ng mahina. Kaya sya naman ay napaayos naman ng upo
"Kaylangan natin malaman ang pangalan ng taong sumusunod sa atin para malaman ang data nya" saad naman ni Hazel
"May naging bf na ba si Kath?" tanong ni Krisha
"Ang alam ko hmmm, meron ata? Kasi na kwento na rin sa akin ng kuya nyang si Vincent eh" sagot ni Queenie
"Anong pangalan nya?" tanong ni Hazel
"Khian Dennis Villiamor" sagot ni Queenie
Sinimulan nang ireseach ni Hazel ang pangalan ng taong naging nobyo noon ni Kathlyn
"Sh*t may nakaharang sa information nya!!" inis na singhal ni Hazel kaya napatingin din sila sa laptop at tama nga dahil walang lumalabas na kahit isang information tungkol sa lalaking binanggit na si Khian
"Goshhh muhkang misteryosong tao itong si Khian ah" saad ni Carla
Tumayo si Hazel at nag taka naman sila ng lumabas ito kaya sinundan nila ito hanggang sa makarating sila sa sala
Nakita nila na may kausap ito na nakaupo sa may sofa at narinig nila ang pinag uusapan nila Hazel at Dexter
"Anong kaylangan mo? Gabi na ah" tanong ni Dexter
"May kilala ka bang Khian Dennis Villiamor?" tanong ni Hazel gamit ang seryosong boses
"Paano mo nalaman ang pangalan ng ex-boyfriend ng kapatid ko?" dimakapaniwalang tanong ni Dexter sa kanya
"Hwag mo nang alamin kung paano ko nalaman, subukan nyong i reseach ang pangalan nya at tignan nyo rin ang info nya dahil nong sinubukan kong buksan ang tungkol sa kanya kaso naka block lahat ng impormasyon tungkol sa buhay nya" mahabang salaysay ni Hazel
"I think, isang misteryosong tao ang lalaking yon. Kaya mag iingat nalang kayo kung makasalubong o lumitaw sya sa harap nyo" dagdag nito na may halong babala bago mag lakad paakyat sa taas
Habang si Dexter ay tulala at di makapaniwala dahil sa sinalaysay ni Hazel pero nangunot din ang noo nya dahil sa sinabi ni Hazel na isang misteryoso ang buhay ng dating nobyo ng kapatid nya
'Kaylangan na namin kumilos para malaman kumg sino ang taong nasa likod nito at kung sino ang taong nag mamasid sa kapatid ko'
Continue
YOU ARE READING
Please Merry Me Professor *Complete*
RandomProloage Naandito kami ngayon sa Klase ni Prof Axl psst kaso wala pa sya kaya maingay dito sa room namin "Hey Kathyn may dare kami sayo" biglang kalabit ni Ashly sa akin "Ano naman yon?" tanong ko sa kanya "Mamaya papasok si sir diba?" tanong ni Que...