Special Chapter/Last Chapter

283 9 2
                                    

Ezekiel's POV

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa labas ng delivery room dahil dalawang oras na pero wala pa rin sya hanggang ngayon?

"Kanina ka pa palakad-lakad nahihilo na kami sayo" inis na sabi ni Vincent. Nandito na silang lahat kasama ang magulang nila ni Kathlyn.

"Kanina pa kasi sya wala, dapat diba nakalabas na sila?" Aniya ko sa kanila. "Kumalma ka hijo ganyan talaga kapag nanganganak, minsan naaabot na ng ilang oras yan pero hintayin nalang natin na makalabas sila Doc" pag papakalma sa akin ng mama ni Kathlyn.

"Sana naman pa last na yon" napatingin ako kay Alex na may subo-subong lollipop habang nakapamulsa sa jacket nya.

14 year old pero kung umasta akala mo naman nasa 18 year old na, hayy nako!!!

"Papa kasi anak-anak pa pwede naman na kaming tatlo nalang nila kuya Alex. Parang gusto ata ni papa na mag karoon ng basketball team sa pamilya natin" natawa sila sa sinabi ni Eric kasama si Jerick ang twins namin ni Kathlyn.

"Isa, dalawa, tapos magiging tatlo edi lima" natatawang sabi ni Jacob. Sinasabi ng lalaking to?

"Anong tatlo ka dyan? Okay na'ng apat ang anak namin kaisa naman maging anim" nakangiwing sagot ko dito pero nginisihan lang ako nila Dave.

Maya-maya ay biglang lumabas ang doctor kaya kaagad akong lumapit sa kanya.

"D-doc ang asawa ko? Kamusta na po?" Nag aalalang tanong ko sa doctor. "Kailangan ka ng misis mo sir sa loob, may dalawa pa kasi na di namin mailabas dahil medyo nanghihina na rin ang asawa mo dahil sa kasobrahan sa lakas ng iri sa unang baby" kumurap-kurap ang mata ko sa sinabi ng doctor. Dalawa pa? Ang di nailalabas?

Biglang lumabas si Hazel at si Rizza sa delivery room na nakataas ang kilay ni Hazel na nakatingin sa akin.

"Oh? Ano pang hinihintay mo Oxford? Gusto mo bang di maluwal ang dalawa pang baby? Hala sya gumayak ka na kung ayaw mong kaladkarin kita papasok dito!!!" Nataranta ako sa sigaw ni Hazel kaya kaagad akong gumayak. Tinulungan na rin ako ng nurse hanggang sa makapasok kami sa delivery room.

Nakita kong panlalata ni Kathlyn at habol-habol ang hininga nya na nakangiwi pa.

"Tabihan mo si Kathlyn" utos ni Hazel na ginawa ko naman. Pero pag tabi ko ay sya namang pag sa bunot sa akin ni Kathlyn na ikinadaing ko.

"Ahhh I hate you Axl!!! Di ka na talaga makakaulit hinayupak ka!!!" Sigaw nito sa tenga ko na ikinawitdag ko sa sakit.

Lakas ng boses nya masisira eardrums ko yan.

"Unting tiis pa Kathlyn mailalabas mo na ang second baby" pag aalo ni Rizza. Umiri na naman si Kathlyn hanggang sa narinig na namin ang iyak ni baby.

"It's a boy again, Kathlyn" nakangiting sabi ni Hazel. Nilinisan agad ng mga nurse ang bata hanggang sa umungot na naman si Kathlyn sa sakit.

"Ahhh ayaw ko na talaga!!! Last na to Axl p*ta mapapatay talaga kita!!!" Naiiyak na sigaw ni Kathlyn.

"Hushh wifey last na talaga ito, di na kita papahirapan pa" pag aalo ko sa kanya.

"Talagang last na last na to Mr. Oxford—AHHH!!!!" Huling sigaw nya hanggang sa marinig na namin ang iyak pa ng isang bata.

"Congrats nag karoon na rin kayo ng anak na babae" napangiti ako sa sinabi ni Hazel pero kaagad kumunot ang noo ko hanggang sa may narealize nalang ako na sinabi ni Jacob.

T-triplets Triplets ang anak namin?

"Kapag inulit mo pa puputulin ko na yan" bantay ni Kathlyn hanggang sa mawalan na sya ng malay.

Pinalabas na ako ni Hazel ng mawalan na ng malay si Kathlyn. Lutang akong lumabas ng salubungin ako nila Vincent na may pag tatanong sa muhka.

"T-triplets ang anak namin, d-dalawang lalaki at isang b-babae" sagot ko sa kanya at lumunok pa dahil sa kaba.

Natahimik naman silang lahat hanggang sa sumigaw a ang mga babae.

"Sabi sayo Ashly eh!!! Triplets sila!!! Wahhhh at may babae na rin sa wakas!!!" Tili ni Krisha. Nakangisi pa ang mga kaibigan ko habang masama ang tingin sa akin ni Vincent.

"Tama na yan ah, kapag inulit mo pa tatanggalan na kita ng lahi" banta nito sa akin na ikinangiwi ko.

"Kuya did you hear that? We have a baby sister now!!! And she's the only one our princess" tatalon-talon na sambit ni Jerick sa kuya Alex nya.

Eric at si Jerick ay 8 year old lang, 6 years din kasi ang gap nilang mag kakapatid. Nakita ko ang bahagyang pag ngisi nila Eric at Alex na ikinataka namin.

"Sa wakas may babae na rin sa pamilya natin. Dalawang babae na ang poprotektahan natin" sambit ni Alex.

"Kapag may manligaw sa baby sister natin babalian ko muna ng buto" sambit naman ni Eric.

"Paano kung gawin nating alila? Masaya yon diba?" Pumapalakpak na sabi ni Jerick. Napangiwi naman ako sa sinabi ng tatlo.

"Pano ba yan? Marami ka na'ng kawal na anak para sa nag iisang Prinsesa nyo" tapik sa akin ni Dave.

Tama, marami na akong kawal na anak para sa nag iisang Prinsesa namin ni Kathlyn. Kahit naman ako di ko hahayaan na may manligaw nalang sa anak kong babae. Dadaan muna sila sa amin bago sa anak kong babae.

Masaya na ako ngayon dahil sa wakas ay kompletong-kompleto na rin kaming lahat. Ang mga anak ko, ang asawa ko, ang tahanang mauuwian ko tuwing galing trabaho sapat na sila sa akin. Kung may hihilingin pa man ako sa diyos ay yon ang pangalagaan nya ang pamilya ko.

Ako si EZEKIEL AXL OXFORD at dito na mag tatapos ang kwarto namin ng dati kong studyante na asawa ko na ngayon si KATHLYN LOVELY WILLIAM-OXFORD

SIGNING OFF!!!

(MARAMING-MARAMING SALAMAT SA PAG BABASA GUYS!!! SA WAKAS AFTER 3 YEARS NATAPOS KO NA RIN ITO. ANG KWENTO NILA AXL AT KATHLYN AY NATAPOS NA RIN.)

 Please Merry Me Professor *Complete*Where stories live. Discover now