Chapter 2

23 2 0
                                    

Avynna's POV

Lumabas na ako sa office ni Mr. Alfredo and naghihintay dito ang isang babae na nasa mid 20's pero hindi ko na binigyan pansin yun.

I followed her and she gave me my schedule. So far smooth naman ang paglalakad namin. Hindi katagalan ay narating na namin ang room ko.

Pumasok ako agad at sa pagpasok ko na yun natahimik ang lahat.

Mostly sakanila ay humahanga sakin and ang iba naman ay tila nababadtrip sakin.

I don't care sa mga comments nila about sakin as long as hindi nila ginugulo buhay ko ayos lang.

"Okay. Choose your seat Miss Ajax." Napili ko ang upuan sa may bandang dulo. May dalawang bakante roon. Yung isa ay sa tabi ng bintana. Hindi naman ako palaging tumitingin sa bintana kaya roon ako sa tabi nitong upuan.

Pumunta ako sa napili kong upuan nakita ko na may dalawa pala akong katabi. Isang babae at lalake. Nakangiti nila akong sinalubong kaya ngumiti rin ako pabalik.

"Hi! Ako nga pala si Mikaela Asuncion pero call me Mika. Scholar ako dito. Grabe ang ganda mo po Miss Ajax." Pagpuri sakin ni Mika. Maganda syang babae. Chinita na morena, based sa nakikita ko medyo maliit ito sakin ng konti. 5'2 or 5'1 ganon. May iilan na pimples ito pero hindi handlang para lumitaw ang ganda nya.

Napangiti ako dahil hinampas pa nito ang katabi nyang lalake. Napangiwi yung lalake dahil sa ginawa nya.

"Gosh Mikay maghunos dili ka nga! You're scaring our idol!" Medyo matining ang boses nito pero mahina lamang siguro para hindi makakuha ng pansin sa professor namin.

Nabigla man ay hindi ko ito pinakita. I didn't expect him na gay because he has this body that girls would die for. Matipuno ang katawan and even his facial appearance looks too masculine. Bilugin ang mata at may kaputian ito.

"Ay Miss Ajax sorry dito sa frenny ko ah? Rafaela Joson nga pala ang gorgeous name ko!" Maarte pa nitong inabot ang kamay nya. Natatawang nakipag kamay naman ako dito.

"OMG beshyyy! Nahawakan ko kamay ni idol! Hindi ko huhugasan ang kamay ko! Ihh!" Hinampas nya pa si Mika. Tinignan pa nito ang kamay nya na tila napaka importante nun sakanya.

"Bakla tumigil ka nga! Ikaw umaawat sakin tapos mas OA pa reactions mo! Ay Miss Ajax Rafael Joson po talaga name ng baklang to" Baling pa niya sakin. Sinamaan siya ng tingin ni Raf.

"Did you just call me Rafael?! Oh my you little beach! Take it back! Sinisira mo ang magandang pangalan ko!" Sinabunutan pa nito ng maharan si Mika. Tinawanan ko sila dahil super kulit nila. Ni hindi ako makasingit sakanila.

"Mr. Joson and Miss Asuncion! Nakakahiya sainyo baka gusto nyo sa labas kayo mag-usap?" Masungit na sabi ni Prof. Napayuko na lang ang dalawa.

"Gosh hindi ko makery ang pagtawag nya sakin ng Mr. nakakawala ng pagkababae." Maarteng bulong ni Raf. Pasimple siyang siniko ni Mika.

"Miss Ajax baka gusto mo lumipat ng pwesto?" Nakangiting tanong ni Prof sakin. Umiling na lang ako sa alok nya.

"No Miss. I'm perfectly fine here." Tumango na lang ito saka pinagpatuloy ang discussion nya.

Nang makita ko na hindi na nya kami pa pinapansin at tumutok na sa discussion nya ay lumingon ako kila Mika.

"Hi I'm Avyanna Hera Ajax. Call me Avy don't treat me like an important person or what. Same lang tayo na students dito. Nice to meet you. Pwede tayo maging friends?" Nakangiting sabi ko sakanila.

Parehas na natulala saglit ang dalawa sakin, pero agad sila tumango na bakas sa mukha nila ang saya.

Ilang minuto lang ay natapos ang second subject ko and sakto na vacant ko ngayon.

She's My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon