El Monstruo De La Fachada

115 90 6
                                    

|El Monstruo De La Fachada|

~*~

"Upang matalo ng isang pangkaraniwang tao ang isang diyablo, kailangan muna niyang maging isang halimaw upang higitan ito..."

~*~

Ang mundo ay tinina sa dugo, iyon ang paniniwala ni Briseo habang siya'y unti-unting namumulat sa kadiliman ng reyalidad. Buong kabataan niya ay nanatili lamang siya sa anino ng malaki at abandunadong mansyon kong saan siya'y tuluyan nang nilamon ng walang hanggang katahimikan at kadiliman na bumabalot sa buong kapaligiran.

Kasabay 'non ay tuluyan nang naglahu ang nuoy ka habag-habag na paslit na pilit isinisiksik ang sarili sa isang sulok ng gabinete makapagtago lamang, at mailigtas ang sarili sa mga nilalang na naglilipana sa buong abandunadong mansyon tuwing pagsapit nang tamang takna ng oras.

Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay tuluyan siyang nahuli ng demonyong pinaka makapangyarihan sa lahat ng diyablo. Pilit siya nitong kinukuhanan ng dugo, hanggang sa mawalan siya nang malay-tao. Nguni't sa kanyang muling pagmulat ng mata ay nagulantang siya sa kanyang nasaksihan.

Kitang kita niya kung paanong ang demonyong muntik ng kumitil sa kanyang buhay ay unti-unting nagiging usok, at naging abo. Nagmistula itong alikabok na nakalutang sa ere, hanggang sa tuluyan itong nilipad nang hangin palayo sa kanyang kinaruruonan.

Doon niya lamang natanto na hindi nito intensiyon na patayin siya. Sa halip ay ipinasa ng diyablo sa kanya ang titulo ng pagiging susunod na pinuno ng sandatahang kadiliman.

Maraming taon ang lumipas nang matanggap niyang isa na siya sa mga demonyong labis na kinatatakutan niya noon, nang maisipan niyang balikan ang abandonadong mansiyon na sinimulan nang lahat. Do'on ay hindi sinasadyang nakilala niya ang babaeng magiging dahilan ng kanyang pagbagsak.

_________________

This Story is a work of fiction. Names characters, people, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manners.

I am not a professional writer so expect typo graphical errors, grammatical errors, wrong spelling and whatsoever errors. If you felt like you don't like the story our something you are very free to remove this story on your library, Okay👌🏻 That's all thanksyou.

Warning: plagiarism is a crime publishable by law.

ENJOY READING, El Monstruo De La Fachada, Fictophiles.

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

El Monstruo De La FachadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon