Simula

78 74 1
                                    

|El Monstruo De La Fachada|
Alaala Ng Nakaraan

~*~

Habang tahimik na tinatanaw ang sulok ng kuwartong akin no'ong kinasasadlakan ay napangiti ako ng mapait. Saksi ang kuwartong ito kong paano ako naghirap at nagdusa. Kung paanong ang isang inosenting paslit ay bigla na lamang namuhay na parang isang halimaw mabuhay lamang.

Napalikit ako ng mariin, muling nagbalik sa akin ang mga pangyayari noon na akala ko'y tuluyan ko nang nabaon sa limot.

Datapwa't, kahit anong pilit kong waglit niyon sa aking naka'raan ay alam kong sarili ko lamang ang aking nililinlang, pinaniniwalang malinis ako, at walang bahid ng kahit anong mantsa ng kahapon.

Nguni't ngayon... habang nasa lugar ako kong saan nagsimula ang lahat. Muling nanu-numbalik sa aking isipan ang mga pangyayaring labis kong kinatatakutan, iniiwasang balikan sa nagdaang taon na lumipas. Kasabay 'non ay parang tubig ulan na rumagasa ang mga alaalang nangyari maraming taon nang nakakalipas...

***

Ang gabi ay malamig at madilim. Samutsaring kaba at takot ang aking nararamdaman sa bawat oras na lumilipas. Wala akong ibang naririnig maliban sa nakakakilabot na tunog ng mga paniking nagmistulang bahay tuluyan ang abandunadong mansyon na ito. Kong Saan ako narito ngayon. Tanging liwanag ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw ko sa gitna nang kadiliman.

Isang hanging na mapanglaw ang mabilisang dumaan. Dahilan upang nahihintakutan akong napaatras at nagsumiksik sa may kaliitang gabinete na aking ngayo'y pinagtataguan.

Nagsilipana na sila... Siguradong gutom na gutom na ang mga i'yan at hinahanap kong saan ang pinanggalingan ng halimuyak ng aking dugo na ngayon ay siguradong naamoy nila.

Natatakot ako, nguni't kasabay niyon ay ang diterninasyon na makatakas sa lugar na ito. Wala akong idea kong paanong ang isang paslit na tulad ko ay napunta sa lugar na'to at nakayanang mamuhay sa nagdaang oras, buwan, at maging sa taon na lumilipas. Ni wala akong maalala kong paano ako napunta rito at tila naging bilanggo.

Hindi ko lubos maisip kong paanong hindi pa ako patay ngayon, gayong tuwing pagsapit ng gabi ay may mga nilalang na kayang-kaya akong gawing hapunan.

Bilog na bilog ang buwan kaya kahit nahihirapan sa aking ayos ay malinaw ko paring nakikita ang mga nilalang na ngayon ay tila hindi mapakali at pagala-gala sa aking paligid.

Kita ko iyon dahil sa kabila ng malaking kurtina na tumatabing sa making bintana ay mayruon pa'ring nakakapasok na liwanag galing dito. Tila ba disidido talagang maka puslit upang magsilbing gabay ko lamang sa kadiliman.

Natataranta ako tuwing nagpapa-balik-balik ang mapanglaw na hangin, ibig sabihin lang noon... may hinala na ang halimaw na'to na andito ako nagtatago sa loob ng abandunadong kuwarto.

Mabuti na lamang at hindi ito nagtangkang pumasok, nguni't kahit ganon ay hindi dapat ako pakampante, alam kong may binabalak itong gawin na ikapapahamak ko. Iyong tipong ako mismo ang kusang lalabas sa aking lungga, at wala siyang ibang gagawin kundi ang maghintay lamang ng iksaktong oras.

Kaya naman na'natili ako sa aking posisyon, kahit panga'y ramdam ko na ang pangangalay ng aking paa, tuhod, kamay, maging ang aking buong katawan. Hanggang sa hindi ko nalamayang naka tulugan ko na pala ang ganong posisyon.

Muli, sa pagmulat ng aking mga mata, ay ang mapayapang liwanag mula sa araw ang unang sumalubong sa akin.

Na kayaga ng mga nagdaang buwan ay, Sa pagyao ng kadiliman muli, ay sisinag ang nakakasilaw na liwanag nang bahag-araw.
Ngayon ay kampante na akong makakalabas tulad ng nagdaang araw nang pamamalagi ko rito.

Kaya naman dala-dala ang isiping ligtas na ako, dahil umaga na ay, kampante akong lumabas sa gabineting pinagtataguan. Saka ako kumapit sa pinto at pipihitin na sana ang siradura 'non nang bigla na lamang may hangin na dumaan mula sa aking likod.

Kagaya i'yon ng mapanglaw na hanging aking naramdaman kagabi. Magilim at masalimuot, nakakakilabot.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan, at nang makabawi ay dali-dali kong pinihit ang siradura ng pinto, nguni't ano pa nga ba ang inaasahan ko? Makapangyarihan ang nilalang na ito na'nasa aking likuran.

Hindi ko paman nabubuksan ang pinto ay agad na i'yong kumandado muli. Kasabay noon ay ang malakas na pwersang humawak sa aking leeg at sinakal ako na para bang isa lamang sero. Alam ko i'yon dahil halos isang buwan na rin akong walang maayos na kain kaya magaan lamang ako.

At kong hihigpitan pa ng diyablong ito ang pagkakasakal niya ay tiyak na kaagad akong mawawalan ng buhay.

Nang pinaharap niya ako sa kanya ay, naramdaman ko muli ang samutsaring kaba at takot na naramdaman ko kagabi.

Ang kanyang mga mata ay pula na may halong itim, Ang kanyang dalawang sungay ay nagmistulang bukol dahil putol i'yon.

Nang binalik ko ang tingin sa kanyang mukha ay agad akong nasindak nang makitang nakalabas ang matataas niyang pangil, may dugo pa i'yon na halatang kagagaling lamang sa pag-sipsip.

"Akala mo ba makakatakas ka sa iyong responsibilidad?"

Nginisihan niya ako. Ngising nakakakilabot.

"Hindi, hinding-hindi mo matatakasan ang itinakda. Katulad mo, binalak ko 'ring takasan ang lahat. Nguni't anong nangyari? Bumalik lamang ako at naparusahan," ani nito sabay turo sa dalawang sungay na putol.

"Pinutol nila ang aking sungay, maging ang aking pak-pak, na nagsilbing kapayapaan ko sa nagdaang dekada. Ako ang pinuno nguni't mas nirerespero at sinusunod nang aking nasasakupan ang konseho dahil sa kawalan ko nang sungay at pak-pak."

Muli ay tinitigan niya ako.

"Wag mong gayahin ang ginawa ko, panindigan mo ang iyong responsibilidad bilang susunod na pinuno nang sandatahang kadiliman. Huwag mong hahayaang kontrolin ka nang konseho, O nino man. Maging tuso ka at mapagmatyag. Huwag kang maniniwala at magtiwala, dahil sa mundong i'yong tatahakin lahat nang aalis maging ang darating ay kalaban..."

I'yon ang huling sinabi nito bago ko naramdaman ang kanyang matutulos at mahahabang pangin na ngayon ay tuluyan nang bumaon sa aking leeg.

Kasabay noon ay ang kakaibang pwersa na unti-unting bumabalot sa aking buong katawan maging sa aking pagkatao.

Nang matapos ito ay kusa siyang lumayo sa aking at nagulat ako nang nginitian niya ako, ngiting malaya. Saka ko lamang napansin na unti-unting nagiging usok ang kayang bulto. Hanggang sa tuluyan na nga i'yong naging abo at nilipad nang hangin sa kong saan mang dimensyon.

Muli ay pinakiramdaman ko ang aking sarili, dahil tila ba may nagbago sa akin matapos nang lahat.

Tila ba, hindi ko na pagmamayari ang aking katawan.

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

El Monstruo De La FachadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon