|El Monstruo De La Fachada|
Unang Tagpo~*~
SU PUNTO DE VISTA
Penah—
Sige lamang ako sa pagtakbo, hindi alintana ang mga makakati at naglalakihang talahib na sumasayad sa sariwa ko pang mga sugat.
Dire-diretso lamang ako, 'kahit hindi na alam ang daan na tinatahak.
Nang makakita ng tarangkahan ay agad na nag liwanag ang aking mukha.
Huminto ako sa iksaktong harapan nito saka ko nilingon ang kasama.
“Bilisan mo, Luwan!” hinihingal na sigaw ko nang makitang kasing bagal ng pagong kong maglakad ang kasama kung si Luwan.
Halos magkanda talisud na 'ko kanina sa pagtakbo habang siya'y hindi pa nangangalahati sa dina-anan 'ko kanina.
“S-sandali lang...”
Ani nito habang ibinabagsak ang sarili sa maputik na damuhan. Kagaya ko ay hinihingal din ito, nga lang ay mas kita ang matinding pagod na bumabalatay sa hitsura at mukha nito.
Pagud na 'rin naman ako pero hindi dapat kami mag-aksaya ng oras upang magpahinga. Kung hindi ay maabutan nila kami rito at baka tuluyan na nga kaming pag-papahingahin ng panghabang buhay.
Tinalikuran ko ito para suriin ang sugatan kong tuhod, malaki ang tabas ng sugat ko do'on at kita na ang laman.
Ininda ko na lamang i'yon. Nagpakawala ako ng malalim na hininga, at muli ay tinawag ko si Luwan. Ngunit wala akong tugon na narinig, sa halip ay isang mapanglaw na hangin ang aking naramdama, nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan ngunit isinawalang bahala ko na lamang i'yon sa halip ay muli kong tinawag ang kasama, ngunit muli ay wala akong tugon na narinig.
Kaya naman sa naiinis na ekspresyon ay naisipan kong harapin muli ito. Nakakinis! alam naman siguro niyang hindi dapat kami nag-sasayang ng oras.
Kong pu-pwede nga lang ay u-una na lamang ako at iwan siya ngunit hindi i'yon maaari, kailangan ay kaming dalawa ang humarap at magbigay ng mga nakupit namin ka'y Amo, kong hindi ay walang silbi ang paghihirap naming magnakaw kong wala rin namang ibibigay na primyo sa amin.
Iritang-irita na ako sa kasama ko dahil masyado siyang makupad, kani'na pa siya pa hinto-hinto. Halos minu-minutong humihingi ng pahinga.
Gutom na ako at labis na ang pag-iingay ng aking tiyan sa matinding gutom na nararamdaman. Tatlong araw din akong walang kain dahil sa tatlong araw na i'yon ay wala akong nakupit na kuwartang ipambibigay ka'y Amo. Tuloy ay panghihina at pag-aalburuto ng tiyan ang napala ko.
“Luwan, tara na!” inis ko itong hinarap. “Ipag-paliban mo muna i'yang ka'kuparan mo kong ayaw mong maabutan nila tayo. Ma'y dalang malalaking aso ang mga i'yon, kaya posibling madali lang nila tayong matunto—”
Natigilan ako nang tuluyan ko itong harapin.
Pugot na ulo at dilat na mga mata ang sumalubong saakin sa aking pagharap.
Nanlamig ako. Napasinghap at hindi makapaniwala, halos matumba ako saking pagkaka tayo ng tangkain kong umatras. Gulantang parin at hindi makagalaw.
A-Anong nang... yari? Baki—
“Kanina pa tuyot na tuyot ang aking lalamunan, mabuti na lamang at may kusang pumarito upang ibsan ang aking labis na pagka uhaw....”
Mas lalo akong pinanlamigan nang marinig ang mapusyaw ngunit nakakakilabot na boses. Bumubulong sa aking tainga.
♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜
![](https://img.wattpad.com/cover/311895819-288-k73510.jpg)
BINABASA MO ANG
El Monstruo De La Fachada
FantastiqueAng mundo ay tinina sa dugo, iyon ang paniniwala ni Briseo habang siya'y unti-unting namumulat sa kadiliman ng reyalidad. Buong kabataan niya ay nanatili lamang siya sa anino ng malaki at abandunadong mansyon kong saan siya'y tuluyan nang nilamon ng...