SIGE #1: That Thing Called "L.O.V.E."
Stephen James' POV
"Sure ka na ba talaga sa gagawin mong yan?" Ang kulit naman nitong si seatmate. Kanina pa siya tanong nang tanong. Medyo nakakairita na.
"Oo nga! Sure na talaga akong magpakilala sa kaniya." Medyo nasigawan ko na siya. Ang kulit kasi masyado.
"Irereveal mo na talaga yung identity ni Mr. Black? Paano ka kaya aamin?" Tanong pa rin siya nang tanong. Tsk.
Huwag ko na ngang pansinin.
"At paano mo rin kaya sasabihin na ikaw ang nagpapadala ng sulat? 'Hi ako pala si Stephen James Lopez. Ako yung secret admirer mo, si Mr. Black.' Ang baduy naman pag ganun ka aami---"
Tinakpan ko na yung bibig niya. Ang ingay na masyado. Tsaka daig niya pa ang nanay ko sa sobrang daldal. Para siyang armalite. -_-
"Tumahimik ka na Blossom May Olifernes!"
Tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig niya. Hindi na rin siya nagsalita. Buti na lang tumigil na siya. Siguro natakot. Alam niya kasi na kapag sinabi ko ang buong pangalan ng isang tao ibig sabihin gusto ko nang sapakin yung taong yun o kaya seryoso na ako.
Yung pinag-uusapan pala namin ni BM kanina ay yung tungkol kay Trisha Bettina Lagdameo. Maganda siya, cute at sa tingin ko mabait. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Actually crush ko siya at ngayon gusto ko na siyang ligawan este kaibiganin.
3 years ko na siguro siyang crush at 3 years nang umaasang makilala niya ako.
Ang hirap talaga kapag one-sided love. Ang hirap magtago ng nadarama. Bakit ba kasi ang torpe ko!?
2nd Year College na siya ngayon at Grade 12 naman ako. Isang university lang naman yung pinapasukan namin. Magkasama na ang High School at College.
Yung sinasabi pala ni BM kanina about kay Mr. Black. Codename ko pala yun. Nakakahiya mang aminin, nagpapadala ako ng sulat kay Trisha. Secret admirer niya kaya ako! Siguro may isang taon na rin akong sinusulatan siya.
Ang tiyaga ko noh? Ganon naman sa love diba? Kailangan magtiyaga. Kailangan talaga sa love ang salitang "pagtitiis."
"Lalim nang iniisip natin ah!" Panira naman ng momentum. Alam na nagkukwento yung tao. Pasingit-singit.
"Wag mo na lang akong pansinin BM." Iritado kong sabi sa kanya.
"Ang sungit mo naman SJ."
Yang babaeng yan ay si Blossom May Olifernes. Ako lang ang nagtatawag sa kaniyang BM (Blossom May) tapos tawag naman niya sa akin ay SJ (Stephen James). Siya lang rin ang nagtatawag sa akin ng pangalang yan.
Kaklase ko na si BM since elementary. Tagal na noh? Sinasabi niyang "best friend" kami, pero para sa akin hindi. Kaibigan ko lang siya. Ayoko kasi ng may best friend. Okay na ako sa friend. Bukod sa kaibigan, seatmate ko rin siya. Tabi siya ng tabi sa akin, ewan ko ba kung bakit.
Ang weird din ng babaeng yan, minsan sobrang daldal kagaya kanina, minsan naman ang tahimik. Nahihiwahagahan nga ako sa kaniya eh. Para rin siyang abno minsan.
"Hindi na yata dadating si Ma'am Jasmin. Uwi na lang tayo tutal 11:30 AM na!" Pag-aaya niya sa akin.
Nasabi ko na bang kapitbahay ko siya?
Kapitbahay ko rin pala siya. Kaya ayun sabay kaming pumapasok, sabay ring umuuwi.
"Ah, sige. Uwi na tayo." Ika ko.
Inayos muna namin ang aming mga gamit bago umuwi.
"Tapos na ako mag-ayos. Dalian mo." Sabi ko sa kaniya.
"Wait lang. Magpopolbo pa ako!" Sagot niya. Bat ba kasi kailangan niya pang magpaganda. Alam niya na ngang uuwi. At saka ang bagal niya pa kumilos.
"Leggo na!" Buti naman at natapos rin. -_-
Naglalakad kami ngayon patungo sa labas ng school para sumakay ng trike. Medyo mahabang lakaran 'to kasi maluwang itong university namin.
"Paano ka pala magpapakilala mamaya kay Trisha?" Tanong niya sa akin.
"Ewan ko nga. Pinag-iisipan ko pa. May maitutulong ka ba?" Sagot ko sa kaniya.
"Ewan ko rin. Isip muna tayo."
Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Paano kaya? Kailangan ko rin itong paghandaan itong gagawin kong pag-amin sa kaniya.
"SJ nakikita mo ba ang nakikita ko?"
Ano kaya yung tinutukoy ni BM na nakikita niya?
"Asan? Nakapilang mga tricycle lang naman ang nakikita ko ah."
Hindi siya nagsalita. Mukhang hindi yata yung mga tricycle ang tinutukoy ni BM. Kaya lumingon-lingon pa ako sa paligid ko.
Tiningnan kong mabuti ang bawat bagay at taong nandito hanggang sa-
"Mukhang nakita mo na SJ." Sabi niya.
"Tara BM! Sakay na tayo ng trike." Ika ko na parang walang nangyari at parang normal lang sa akin ang lahat.
Nagtawag na kaming trike na sasakyan namin at sumakay na kami.
Kung tatanungin niyo ako kung ano ang nakita namin, hindi ko na lang sasabihin dahil masasaktan lang ako.
"Okay ka lang ba SJ?" Eto na naman si BM. Kilalang-kilala niya talaga ako. Alam niya kasi kapag okay ako o hindi.
"Oo. Okay lang ako." Pagpapalusot ko.
"Wag ka nang magsinungaling. Alam ko na ang ganyang ugali mo."
Di ko na lang siya pinansin. Alam niya na nga na hindi ako okay tatanungin niya pa. Parang tanga lang. -_-
Wala nang nagsasalita sa amin tanging mga sasakyan lang na nasasalubong ng tricycle ang aming naririnig.
Kaya natahimik si BM kasi siguro naaawa siya sa akin. Ganiyan siya kapag nakikita niya na hindi ako okay.
Yung nangyari kasi kanina ay parang karaniwan na lang yun sa ibang mga tao pero para sa akin hindi.
Ganito kasi ang nakita namin kanina. Kanina kasi nakita ko si Trisha Bettina. Siya yung sinasabi kong gusto ko. Nasa isang shed siya, may kasama siyang isang lalaki. Kumakain sila ng street foods. I think yung lalaking kasama niya ay kaibigan niya lang. Pero nung nakita kong KINISS ng lalaki si Trisha, parang nagbago ang tingin ko, hindi niya yata yun kaibigan, BOYFRIEND niya yata. Nadurog ang puso ko nung natunghayan ko ang mga pangyayaring iyon. Kaya inaya ko na lang si BM na sumakay na lang ng trike.
Pinipilit kong maging okay ngayon pero hindi ko kaya. At sanay na rin akong nakikitang ganun si Trisha. Last week nga nakita kong may kayakap siyang isang lalaki. Tinanggap ko na lang yun at pilit na sinasabi sa aking sarili na "Kaibigan niya lang yun."
Kahit ganun siya, hindi pa rin magbabago ang feelings ko sa kaniya. Tinamaan yata ako ng salitang tinatawag na "L O V E ."
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Next: SIGE #2: The First Sige
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥Vote please.
Comment naman kayo diyan kung ano ang masasabi niyo. XD Ang sarap po sa pakiramdam na nakakabasa ng comment lalo na yung mga nagsasabi ng "UD please!" Tsaka sabihin niyo kung ano ang kinalabasan ng update kong ito. Pangit ba o maganda.
Sana nagustuhan niyo! THANK YOU!
#SigeZONED
BINABASA MO ANG
SigeZONED
Povídky#SigeZONED a short story Gaano nga ba kasarap o kasakit masabihan ng SIGE?