Jacqui's POV
Sobrang excited na akong sabihin kay Hanzo yung gusto kong sabihin sakanya.
Di ko alam, pero I'm looking forward to see his reaction. Since limang taon na kami ni Hanzo bilang magjowa, kaya ayan.
Dumating na ako sa condo unit ni Hanzo at agad agad akong pumasok para hanapin siya.
"Hanzo!!" Pagtawag ko sakanya na may halong excitement.
"Jacqui? Bakit?" Tanong niya na nagtataka.
"Hanzo! You wouldn't believe what happened kanina. Ang saya saya ko talaga." Sambit ko sakanya.
"Ano yun?"
"Kanina kasi, nagpa check up ako sa ospital. Since tatlong linggo na akong di nagkaroon. Pero eto yung good news." Pagkwento ko sakanya.
"Buntis ako Hanzo! Magiging Mommy at Daddy na tayo!"
"Huh? Seryoso?" Tanong niya saakin.
"Oo!! Kaya excited akong sabihin ito sayo eh!!" Sagot ko.
Pero naiibahan ako sa aura niya. Sobrang naninibago ako sakanya dahil hindi yan yung reaksyon na inaasahan ko eh.
Baka pino-process niya yung sinabi ko.
Sana mali yung iniisip ko.
"Hanzo?"
"Jacqui, kailangan mong ipalaglag yung bata." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.
"Ha?!"
"Seryoso ako Jacqui. Ipalaglag mo yung bata, at ipapaliwanag ko sayo kung bakit." Sambit niya kaya lalo akong nainis sakanya.
"G**o ka ba Hanzo?! Anong nangyayari sayo?! Sa tingin mo bang ganyan kadali magpalaglag ng bata?! Bakit?! Hindi ka ba masaya na magkakaroon tayo ng anak?!" Tanong ko sakanya.
"Hindi sa ganun Jacqui! Hindi mo lang naiintindihan yung pinagdadaanan ko!" Pagpaliwanag niya.
"Ano?! Sabihin mo saakin kung ano yung pinagdadaanan mo?! Sige! Sabihin mo!" Sigaw ko tas bigla na lang tumulo yung mga luha sa mata ko.
"STOP FIGHTING AND LISTEN TO ME!!" Sigaw ni Hanzo na ikinalaki ng mata ko.
"Jacqui, hindi ko basta basta kailangan sabihin sa mga magulang ko na may relasyon tayo ng limang taon. Kasi kung sasabihin ko yan sakanila, anong mangyayari saatin?! Baka lalo lang ako palayuin sayo!" Pagpaliwanag niya while I chuckled in disbelief.
"Edi papatunayan ko sakanila na karapat dapat ako para sayo! Ano bang nangyayari sayo Hanzo?! Bakit ka nagkaganyan nung nabuntis ako?!" Tanong ko habang patuloy tuloy yung pag tulo ng mga luha ko.
"You don't understand Jacqui!"
"Ikaw yung hindi nakakaintindi Hanzo! Sa tingin mo ba yung nangyari saatin nung mga nakaraang linggo, hindi ko yan ginusto?! Sa tingin mo ba bibigay ako kung di kita mahal?!" Tanong ko ulit sakanya.
"T**g ina Hanzo! Kung ganyan na lang ang gagawin mo saamin, di sana ako bumigay! Di sana ito nangyayari ngayon!"
"Gusto mo alagaan yang anak mo?! Sige! Pagbibigyan kita! Pero wag na wag mo siyang ipapaharap saakin!" Inis na sambit niya bago nawarak yung puso ko sa sinabi niya.
Lalo lang akong naiiyak, doon ko nalaman na di niya kayang hawakan yung mga responsibilidad niya sa buhay.
"Kung ganun na lang sasabihin mo saakin, tapusin na lang natin itong relasyon na to." Sambit ko bago pumasok sa kwarto ko at linigpit ko yung mga gamit ko para maglayas.
Pagkatapos kong ligpitin yung mga gamit ko, tinignan ko ulit si Hanzo ng huling beses bago ako lumayas sa condo unit niya.
Iniyak ko muna lahat ng nararamdaman ko ngayon dahil sa sakit na binigay ni Hanzo saakin.
Ang t***a ko! Bakit siya pa yung naging tatay ng anak ko?!
Anong klaseng magulang siya?! And the fact that he wanted to abort my only child?! Ang kapal ng mukha niya!
Hinawakan ko muna yung tiyan ko kung saan dinadala ko yung anak ko at ngumiti ng pilit.
"Anak... lalaban si Mommy ha? Lalaban si Mommy para sayo." Sambit ko na naiiyak.
Agad agad ko munang pinunasan yung mga luha ko at agad agad akong naglakad palayo sa condo ni Hanzo.

YOU ARE READING
Sugal
FanfictionIsusugal mo ba yung taong mahal mo kahit may anak siya galing sa iba?