Page 4

15 1 0
                                    







**************★*************★****************★*************************★********







Maaga akong nagising kaya naman maaga na rin akong gumayak. Maaga rin naman kasi kaming pupunta ng site ng mas madaling matapos yung mga gagawin namin.

MAS MAAGANG MATAPOS MAS MAAGANG MAKAKABALIK SA MANILA.

Nag susuot pa lang ako ng sapatos ng marinig kong may nag doorbel. Lumabas ako at tiningnan kung sino yun. Pag bukas ko ng pinto nakita kong pabalik na ng kwarto nya si Hubert.

Nagulat ako pero parang mas nagulat sya.

"Ehem... akala ko kasi tulog kapa"" basag nya sa katahimikan namin.

"Ahh.. kanina pa ko gising" sagot ko. Ibinalik naman nya yung pinto sa pag kakasara.

"Tara na?" Tanong nya kaya tumango nalang ako.

"I'll just get my bag" paalam ko saka ako pumasok na ulit.

Dating gawi.. nauna kong pumasok sa elevator at sya na ang pumindot. Sa baba nag aantay na yung driver ng company car at umalis na kami.

Pag dating sa site agad kaming nag trabaho.

"Mr.Dee.. order ka ng kape para sa lahat" utos ko dahil hindi parin naman kami nag aalmusal.

After makapag kape at makakain ng tinapay ng konti ay nag paalam na agad si Hubert para pumasok ulit sa loob. Pinayagan ko na at naiwan nanaman kami ni Mr.Dee sa labas.

Tatlong oras na siya sa loob ng maisipan kong pumasok din sa loob.



"Lets go inside.. patingin din ako" aya ko kay Mr.Dee kaya naman pinag suot ako ng mga protective gear.



Nalibot nanamin ang first at second floor ng mag pasya na akong bumaba na ulit. Delikado na rin daw para sakin kung tutuloy pa ako sa itaas.



Pababa na kami ng may makita ako. Pinauna ko na si Mr. Dee at pinicturan ang nakita ko.



It's a rainbow.. umulan ba? Bakit may rainbow? Pababa na rin ako ng makita ko si Hubert with another girl. Tawa ng tawa si girl na akala mo kilig na kilig habang si Hubert eh nakangiti rin habang nakatingin parin sa pad nya.

Nakita naman ako ng babae at pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Uh ohh.. mali ang getup ko ngaun. Naka maong pants lang ako at white vneck shirt.

Pero bakit ba? Wala akong paki..

alangan naman mag gown ako dito sa construction site.

mas maganda ako sa kanya. Palapit na sila ng makita ako ni Hubert.

"Kamusta sa taas?" Tanong ko sa kanya.

"Worst... andaming kailangan palitan" sagot ni Hubert kaya naman tinaasan ako ng kilay nitong babaeng sugpo na to.



"Miss.. gf ka ba ni Keith.. wala sya ngaun mamaya pa sya dito" mataray na sabi nya saka mas lumapit pa kay Hubert.





"No I'm not" sagot ko saka ko itinago yung phone ko.



"Well kung hindi ka naman pala gf ni Keith what are you doing here? Busy kaming lahat dito, so ple-"



"No Maira" pigil sa kanya ni Hubert.

Pag-ibig ni MaamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon