page 5

21 3 2
                                    

Sa inis ko. Pag hintong pag hinto pa lang ng sasakyan agad na kong lumabas. Hindi ko na hinintay pa na pag buksan nya ko o kahit ni manong. Agad akong bumaba. Mabilis na mabilis akong nag lakad papuntang elevator to the point na akala mo ko hinahabol.



Pag pasok ko ng elevator. Nagulat ako ng kasunod ko na syang pumasok.



Ang bilis naman nya?




"Napagod po kayo maam?" Tanong nya sakin habang pasara ang pinto.




"Hindi" pagod nga ba ko o nag iinarte lang.




Bat ba ang bagal ng elevator? Saka ako tumingin sa mga floor na dadaanan namin. Di ko sya kinausap pa kahit na may sinasabi sya.



Inis ako...



At naiinis ako!



Ting




Pag bukas na pag bukas sibat nanaman ako. Di ko na sya inantay pa ulit. Pag tapat sa pinto ko. Saka ko lang naalala na... NAIWAN KO BAG KO SA KOTSE!



"Susi nyo po maam" dinig kong sabi nya sa likod ko.




Susi ko..


Lumingon ako at tama ang hinala ko. Dala nga nya ang bag ko at hawak na ang susi ko.


Kinuha ko un parehas sa kanya.


"Salamat" sabi ko nalang saka na binuksan yung pinto ko grabeng kahihiyan to ah.

yung tipong nag iinarte ka pero SABLAY!


Pag pasok ko agad akong pumunta ng banyo at naligo.

Baka sakaling mawala yung kaalatan ko pag naligo ako.


"Anu bang nang yayari sayo?.... di ka ganyan Janine..... umayos ka!" Kausap ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.

"Nakakainis ka. Epic fail! Lahat ng ginagawa mo nakakahiya!" Dagdag ko. Umayos ka... your here to work... hindi sa kung anu pa man"



Lumabas na ako at nag bihis. Kung kanina gustong gusto kong humiga at matulog. Ngayon mas gusto kong lumabas at mag isip-isip.

Pag-ibig ni MaamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon