"TINATAGONG AKO"

6 2 0
                                    

Nais Kong imulat ang aking mata,
upang makita ang tama sa mali
Ngunit ako'y binulag ng sarili Kong bayan
Upang di makita ang katotohanan

Mga titig na nakakatunaw
Na hinuhusgahan Akin bawat galaw
Ito ba ang mundo na dapat sanayin?
Ngunit bakit parang pinili na lang na di buhayin

Pilit ko man itago ang toto-ong ako
Meron talaga paraan upang maibunyag ito
Tinago hindi dahil sa takot, tinago dahil sa pandidiri ng tao
Ano ba naging kasalanan upang husgahan ito?

Kung ang mag mahal ng sariling kasarian ay kasalanan hindi bat kasalanan din ang mang dikta ng di alam ang katotohanan?
Aanhin ang opinion mo, kung di alam ang salitang respeto?

Ngayo'y mga kulay tumatagaktak, binabaha ang sanlibutan
Bahagharing lumiliwanag sa isipan ng mamamayan
Mithing kalayaan, katarungan at pagkakakilanlan.

Moon PhaseWhere stories live. Discover now