Hello!Ako nga pala Abygail hindi pa
ako ganoon kagaling sumulat ng tula
hanggang ngayon ang kakayahan
sa pagsulat ay akin paring hinahasa.Kung may pinagtagpo pero hindi tinadhana syempre meron din
Ginawan mo ng tula pero hindi pala
kayo ang tugma.Ako ay labing-limang taong gulang pa lamang.Handa akong matuto kaya malaki ang magiging pasalamat ko kung ako ay gagabayan nyo.
Mapaglaro talaga ang tadhana minsan hindi natin inaasahan may mga tao o bagay na dadating na lang sa ating buhay at mamahalin natin ng tunay.
Hindi bat nakakatawa na ang tao o bagay na yun ay tila aksidente pero dahil mahal mo sa paningin mo ay naging swerte.
Sabi nila ay masaya pumasok sa isang relasyon pero para sa isang dalagang tulad ko hindi pa ako handa sa ganoong obligasyon.
Marami pa akong gustong gawin sa aking buhay ang pakikipagrelasyon ay minsan sumagi sa isip ko pero laking pasalamat ko at hindi ako nalamon nito.
Nakakatakot din dahil nasasaksihan ko kung paano madurog ang puso ng mga kaibigan ko para syang isang laro delikado kapag ika'y nauto.
Tuloy ang mga tauhan na lang sa kwento ang inibig ko hindi man sila nabubuhay sa mundong ito buhay naman sila sa puso ko.