Pilit itinatago ang nararamdaman
hindi magawang umamin dahil
baka hindi mo magawang suklian
natatakot ako na masaktanAko ay nakatingin sayo, ikaw ay nakatingin sa kanya paano ako aamin
kung nakatingin ka sa iba.hindi naman na ako nagtaka kung bat sya ang gusto mo bukod sa mabait na maganda halos wala naman kapintas pintas sa kanya.
Minsan ako ay napapaisip may pagtingin ka din kaya sakin baka natatakot ka lang din umamin
Magkaibigan kasi tayo, halos magkapatid na ang turingan nakakatakot lumagpas sa hangganan dahil hindi sigurado sa kahahantungan
Maniwala ka pinilit kong nilabanan
Ilang ulit ko din sinabi sa sarili ko na
'itigil mo na ang kahibangan mo'
Pero ang lakas talaga ng tama ko sayoNakakainis ka! ang manhid mo
andali mong mahalin pero ang hirap sayo umaminKung may tapang lang ako naka amin na sana ako sayo at di na nahihirapan ng ganito
Hanggang sulyap na nga lang ba ako sayo?wala ba talagang paraan para maging tayo?