CHAPTER 10

7 3 0
                                    

"bitawan 'nyo s'ya kung ayaw n'yong maging abo." Nanlilisik ang mga mata ni Augustus habang nakatingin sa mga bampirang nakapalibot sa akin.

"Hindi ka namin hari para utusan mo kami. Tandaan mong matagal ka ng walang posisyon sa lahi natin."
Saad ng bampirang may itim na itim na mata.

Tila isa akong bihag na hayop ngayon dahil sa mga nakapalibot sa'king mga bampira na may matutulis at mahahabang kuko at pangil.

Sa sobrang takot ko, napaupo na lamang ako habang pigil ang hininga.

Akala ko 'eto na ang pinaka nakakatakot na makikita ko pero hindi pala.

Nagulat na lamang ako ng makitang papalapit na sakin ang isang halimaw. Napapikit na lamang ako habang hinihintay ang kamatayan ko ng biglang may sumirit na dugo sa'kin.

Paglingon ko, nagulat ako ng makitang kawangis na ng mga bampira si Augustus. Nakatusok ang kamay ni Augustus sa dibdib ng bampira habang namumula ang kanyang mga mata.
Naglabasan 'rin ang ugat sa kanyang katawan at nagiba 'rin ang kulay ng Mata n'ya.

"A-Au-ugustus."

Pakiramdam ko sinasakal ako. Hindi ako makahinga hanggang sa bumagsak na 'nga ako at ang huli ko nalang natatandaan, may bisig na sumalo sa akin.

"Kailan ba s'ya magigising?" Tanong ng isang tinig.

"Maya maya lang ay pwede na syang gumising. Kapag gumising na s'ya, painumin mo agad s'ya ng tubig ng sa ganon ay kumalma s'ya."

"Sige gagawin ko manang."

Kahit na gising na ang diwa ko, hindi pa'rin ako dumilat dahil sa kadahilanang gusto kong makita kung anong gagawin ni Augustus.

Takot 'man ako na baka kainin n'ya ako ng buhay, pinilit ko pa'ring magtulog tulogan. Gusto kong malaman kung ano ba talaga s'ya. Gusto kong sabihin n'ya sakin lahat habang iniisip n'yang tulog ako at walang malay.

"Heliana, Mahal ko."
Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinalikan.

"Patawarin mo ako. Hindi na naman kita naprotektahan. Muntik ka na naman nilang kunin sa'kin. A-Ayaw ko ng mawala ka pa kaya sana maintindihan mo kung bakit kailangan kong ipakita sayo ang totoong ako."

Kahit na naguhuluhan, nagtulog tulogan pa'rin ako. Hindi pa sapat lahat ng sinasabi n'ya. Kailangan kong malaman lahat.

"Sana maintindihan mo ako Mahal ko. Eto na ang huling beses na masasaktan ka nila. Hindi ko na hahayaang makuha ka nila muli sakin. Mahal kita Heliana. Isang libong taon ako naghintay sa muli mong pagbabalik kaya ngayong andito ka na, ipaparamdam ko muli sayo kung gano kita kamahal."
Hinaplos n'ya ang pisngi ko habang hawak ang isa kong kamay sabay halik sa noo ko.

Kinabukasan, nagising nalang akong may parang nakahawak sa kamay ko.

Hanggang ngayon pala andito pa'rin sya. Kahit na medyo may takot parin akong nararamdaman, naibsan naman ito ng makita kong inaalagaan ako ni Augustus.

Halatang ayaw n'ya akong masaktan muli na labis kong ikinatutuwa.

"Gising ka na pala."

Hindi ko namalayang nagising na pala si Augustus dahil sa lalim ng pagtitig ko sa kanya.

"A-Ahh oo."

"Ohh i forgot, may masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin? Kahit ano sabihin mo lang." Ininspeksyon n'ya ang kabuuan ko kung may sugat ba ako o kung may pasa 'man.

"Okay lang talaga ako. Medyo nanghihina pa'rin dahil sa nangyari kagabi pero okay lang talaga ako wag ka na mag alala."
Hinawakan ko ang kamay n'ya para ipakitang ayos lang talaga ako.

Under The Fangs Of TimeWhere stories live. Discover now