CHAPTER 6

17 5 0
                                    

Gabi na pero 'heto parin ako, paikot ikot at pilit inaalala ang mga nangyari kagabi.

Marami paring namumuong tanong sa'king utak na si Augustus lang ang makakasagot.

Tokkk! Tokkk!!!

"Pasok."

"Binibini, pinapasabi po no Señorito na aalis 'daw po s'ya at baka gabihin na s'ya dahil may aasikasuhin pa daw s'yang mahalaga. Pinapatanong n'ya 'rin po kung okay na kayo."

"Ahh, pakisabi okay na ako."

"Sige po binibini. Aalis na po ako."

Pagkababa ni Annie, nagsimula na agad akong magplano ng gagawin ko para makabalik sa kwarto sa baba.

Gusto kong masiguro kung totoo 'nga bang may tao 'ron sa ibabang kwarto.





Dali dali akong pununta sa opisina ni Augustus sa kabilang kwarto para kunin ang susi nang biglang...

Makita ko ang lumang litrato sa may lamesa n'ya na kamukhang kamukha ko talaga.

"Babalik ako para sayo mahal ko."
'yan ang nakasulat sa likod ng litrato na kung titingnan mong maigi, lumang luma na ang hand writing.

Lalo tuloy lumakas ang kalabog ng dibdib ko at parang lalong nangati ang katawan kong malaman ang katotohanan.

Pagkatapos kong kunin ang mga susi, Dahan dahan akong bumaba para dumiretso sa ibabang kwarto ngunit naudlot na naman dahil kay manang.

"Ohh ija 'san ang punta mo? Bakit parang namumutla ka ata? May sakit ka ba? Masakit pa ba pakiramdam mo?"

"Ayy h-hindi na po manang. A-Ano po kase hinahanap ko po kase si Augustus, nakita n'yo ba s'ya?"

"Huh? 'eh diba Sinabihan ka na ni Annie kani-kanina lang?"

"Ayy o-oo nga po pala HAHAHA Nakalimutan ko po pasensya na."

"Ohh s'ya, kung masama ang pakiramdam mo wag kang mag atubiling pumunta sa'kin, ha?"

"Sige po manang."

Pagkaaalis ni manang, para akong ninjang sumisiksik sa gilid para lang walang makapansin.

Puno ng guard ang bahay lalo na sa labas kaya e'to ako, todo tago para lang 'di mapansin.

Malapit ko na sanang marating ang ibabang kwarto ng...

"ANONG GINAGAWA MO!!!!"

Nagulat ako sa lakas ng boses ni Augustus na nag echo pa ata sa tenga ko.

"Ahh a-ano m-may hin-hinahanap kas-kase ako—"

"KAYA DITO KA DUMIRETSO GANON BA!!?"

sa boses at tingin ni Augustus ngayon, parang gusto ko nang umiyak.
Napakalamig at lakas ng boses n'ya na halos patayin ako sa kaba.

Dali dali akong kinaladkad ni Augustus  ng marahas paakyat sa  kwarto ko.

"Augustus n-nasasaktan akoooo!!"

Ngunit wala parang wala lang syang narinig at mas lalo pang humigpit ang hawak n'ya.

"Eto ang nangyayari sa mga taong nangingialam ng mga bagay."

Tinali nya ang paa ko sa paa ng kama na sa sobrang higpit, malapit na atang mabali lahat ng buto ko.

Pagkatapos akong itali, tiningnan n'ya ako ng malamig bago s'ya bumaba.







Ala una na ng hapon pero 'heto parin ako, tulog.
Gusto ko munang matulog dahil sa takot na kahit ngayon nararamdaman ko parin.

Natatakot ako sa bagong buhay na meron ako ngayon. Pakiramdam ko hindi ito isang biyaya kundi parusa.

Kung kailangan kong tumakas, gagawin ko wag lang ako mabuhay sa mundong alam kong ikapapahamak ko.







"Heraaa."boses ng babaeng kamukha ko.

"Hera halika."

Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari sa akin. Ang alam ko lang, hindi ko makontrol ang sarili ko at para lang akong asong sumusunod sa tinig kahit 'di ko alam kung saan ako dadalhin nito.

Dumire-diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa boses.

Habang papalapit ako ng papalapit sa basement, pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko.

Feeling ko 'rin pinagpapawisan na ako ng malala. Hindi ko na alam kung panaginip pa ba ito o hindi.

Nasa tapat ba ako ng pinto nang bigla itong magbukas kahit na 'di ko pa binubuksan.

Ngunit kahit nagulat ako, nananatili paring walang buhay ang ekspresyon ko.

Dahil sa kuryosidad, pumasok ako at nagimbal sa aking nakita...

"WHAAAAAAAAA!!!!!!!!"











"Ija!!"

"Wifeee!!!"

"Binibinii!!"

Kagaya ng nakaraan, bangungot na naman. Alam kong totoo 'yon dahil randam na ramdam ko ang sarili ko sa katawang nakahimlay sa kama doon sa may basement.

Ako sya, s'ya ay ako, pero bakit dalawa kami? Sino s'ya? Bakit sya nakatago 'ron at— buhay pa ba s'ya?

"Wifeee w-what happened? A-Anong nangyari sayo? Hindi ka naman gan'to 'nong unang araw mo 'di ba"

Imbis na sumagot, humagulgol lang ako ng humagulgol.

Natatakot na ako dito, ayoko na dito gusto ko nalang umuwi at mapag isa.

"Uwi na akooo!! Uwii na akooo!!"
Parang bata kong sigaw na may kasama pang pagwawala.

"No, please calm down wife. Huminahon ka munaaaa."

"Gusto ko na umuwi!! Ayoko na dito!!"
Sabi ko habang patuloy na pinaghahampas ang dibdib n'ya.

"Binibini sabihin n'yo samin kung ano ba talagang nangyari nang matulungan namin kayo."
Saad ni manang na may matang puno ng pag- aalala para sa akin.

"M-Manang uwi na ako hatid mo na ako samin, Manang!" Pangungumbinsi ko kay Manang.

"Hindi maaari binibini. Kasal na kayo ni Augustus at kailangang dito ka tumira."

Dahil sa sinabi ni manang, lalo tuloy akong umiyak at nagwala.

Natatakot ako sa kanila. Hindi ko sila kilala at kung ano 'mang nangyari sa babae dun sa baba, ayokong matulad sa kanya.

Habang patuloy na umiiyak, ' di ko na napansing may itinurok na pala sila sa'king pampakalma.

Dahan dahang tumiklop ang mata ko at ang huli ko na lamang narinig kay Augustus ay...

"Patawad mahal ko."

Hanggang sa magdilim na ang paningin ko.







Dahil sa sobrang pagod sa mga nangyari kaninang umaga, di ko namalayang masyado na palang napahaba ang pagtulog ko.

Alas kwatro na ako nagising at ramdam na ramdam ko na talaga ang sobrang gutom.

Habang inaalala ang tyan ko, biglang bumukas ang pinto.

"Binibini pinapamigay po ni boss." Saad ng tauhan ni Augustus na isa sa sumama sa'min maligo sa talon.

"Pakilagay nalang d'yan, pwede,"
Sabi ko sa kanya ng may maamong boses.

"Sige po. Tawagin n'yo nalang po ako kung may ipaguutos kayo. Nasa labas lang po ako."

"Sige, Salamat."

Dahil sa sobrang gutom, nilantakan ko lahat ng pagkaing nakahain dito sa tray na bigay sa'kin.

Pakiramdam ko 'nga kulang pa 'toh. Padagdagan ko pa kaya?
Pero syempre mamaya na pag sure na akong gutom pa ako.

Ang sasarap ng mga pagkain. Lahat halos paborito ko.
Ginataang hipon, crabs soup, may pa lobster 'rin pero syempre nakabalat na. Ayaw kase KUNO ng asawa ko na mahirapan ako kaya lahat ng bagay, pinapadali nalang n'ya sakin.

Meron 'ding cake at icecream na masarap panghimagas.

"Yummm yummmm!!!"

Kain lang ako ng kain hanggang sa malimutan ko na ang mga nangyari kanina.

Under The Fangs Of TimeWhere stories live. Discover now