CHAPTER 2

23 11 0
                                    

"you're hired."

WHAAA!!!

"Dont forget to comeback at 6:00 in the evening dahil 7 gaganapin ang event mamaya at kailangan mo 'ring maging presentable, understood?"

"Yes ma'am. Salamat po."
Masaya kong saad.

"Teh ano? Pasok ba?"
Tanong ni irene.

"Oo, WHAAA."

"AHHHH!!!!"
Sigaw namin with matching patalon-talon pa.

"Mamaya sabay na tayong pumunta, 'ha. Daanan kita 'dun sa may gotohan, 5:40 dapat andon ka na 'rin ha."

"Sige sige kita nalang tayo mamaya."

Hindi na ako nag-abala pang pumasok pa sa isa kong raket. Para saan pa 'eh mukhang malaki 'rin naman makukuha ko ngayon. Mas magkakaroon pa 'ko ng time sa sarili ko para makapag ayos mamaya.

Patawid na ako nang biglang...

"Baaaggggg kooooooo!!!!!"

Ninakaw ng mamà yung bag kooo!!!

Wala na ngang kalaman-laman nanakawin pa. Andon pa naman yung pitaka ko na may kakarampot na pera.

Akmang hahabulin ko na sana yung humablot ng bag ko ng...

BOOGGGSHHHHH!!!

Ale No.1
"Hala kawawa naman yung mamà."

Ale No.2
"Ayy nako maryosep anong nangyari."

Nagulat nalang ako nang biglang masagasaan yung tumatakbong lalaki.

Ale NO.3
"Tumawag kayo ng ambulansya, dalian nyooo!!"

Lahat ay nataranta matapos masaksihan ang trahedyang sinapit nung lalaki.

Maski ako 'di na 'rin makagalaw.

Grabe yung lakas ng impact. Halos mabali lahat ng buto n'ya. Bali na nga ata talaga lahat ng buto n'ya 'eh.

Madaling madali namang umalis yung nakasagasang kotse na parang wala lang nangyari.

Habang sinasakay sa stretcher yung lalaki, kinuha ko na 'rin yung bag ko.

"Ahh ma'am sayo po ba 'yan?"

Tanong sakin ng pulis.

"Sa kanya yan mamang pulis. Nakita kong hinablot nang lalaking 'yan yung bag n'ya bago s'ya masagasaan. Karma 'nga naman."

Paliwanag nung ale.

Mukhang naintindihan naman ng mamayang pulis 'tong paliwanag ng ale.

SOMEONE'S POV

"Ayos na boss. Nadispatcha na 'rin namin yung kotse."

"Good here's your reward. Did you make sure that no one saw you doing the accident?"

"Yes boss. Tinted ang sasakyan at tyaka nag facemask na'rin ako kaya sigurado akong malinis ang gawa ko."

"Good. You may go now."

"Sige boss."








5:00 palang, nagsimula na akong maligo at mag-ayos para sa mamayang event.

Mag seserve lang naman daw sa mga guest ang gagawin namin pero kailangang maging maingat dahil puro 'daw 'yun bigtime.

Ngayon palang hinahanda ko na ang sarili ko. Sisiguraduhin 'kong 'di ako magkakamali at magiging maayos ang trabaho ko.

"Kaya mo yan self. Payt payt lang."


"IRENEEE!!!"

"Oyy mars buti sumunod ka sa usapan. Oh ano? Lika na."

"Sige 'lika na."

Pagpasok palang namin sa hotel, iba na agad ang awra. Ang bilis naman magtrabaho ng mga tao dito parang kanina lang wala pang decor dito, ah ngayon meron na.

"Bongga naman dito. Abangan mo 'ko mamaya mars. Aakitin ko ang isa sa mga bigtime guest nila dito at sisiguraduhin 'kong mapapasa-akin s'ya."
Puno ng kumpyansang saad ni irene.

"Hay nako irene mas mabuti pang ayusin mo nalang mamaya trabaho mo at baka mapatalsik ka pa."
Natatawa ko namang sagot.

"Tsk, k fine."

Pag akyat namin sa second floor, nakita kong aligaga na ang lahat ng tao dito.


Pagkatapos maibigay ang uniform namin, dumiretso na agad kami sa tinatawag nilang Sir Alvin para idiscuss ang mga dapat naming gawin.

"Make sure na 'di kayo makakasira naiintindihan n'yo ba?"

"Yes sir."
Sagot naming lahat.

"Kung nakita 'nyong may kailangan ang guest natin, puntahan n'yo agad at pagsilbihan at nakikita n'yo ba yung lalaking naka blue suit?"
Turo n'ya sa matangkad na lalaking nakatalikod.

"S'ya ang Ceo natin. Huwag na huwag kayong papalpak dahil isang pagkakamali n'yo lang baka 'di lang pahiya abutin n'yo. Understand?"

"Yes sir."

"Good, now hahatiin ko na kayo sa sa lima para mai-assign ko na ang gagawin n'yo."

"Nakakatakot naman pala 'yung mga guest natin, teh. Kala ko pa naman may panama pa 'tong kaseksihan ko wala na pala."
Malungkot na saad ni irene.

"Loko ka talaga irene. Ako nga kinakabahan 'eh. Unang beses ko palang sa ganitong gawain at nerbyosa pa naman ako kaya baka magkamali ako."

"Kaya mo 'yan mars ikaw pa. Andito naman ako 'eh tutulungan kita."

"Aww, salamat talaga at nakilala kita."

"Sus nukaba 'lika na 'nga."








Nagsimula na ang event at 'eto ako sa gilid nagtitingin tingin sa mga taong mayayaman. Na sa tanan nang buhay ko hindi ko pa naranasan.

"Hey, can you get me some water?"

Tanong sa'kin nung poging guest.

"Sige po hintayin n'yo lang po."

Dali namang akong kumuha ng tubig sa takot na baka mainip at magalit 'yung lalaki.

"Heto na po sir."
Sabay abot ng tubig.

"Thanks. Hmm btw, you look like someone. May i know your name?"

"Ahm, Hera po sir."

"Hmm, Hera. Nice name for a beautiful girl like you. Btw I'm timothy. You can call me tim if you want."
Sabay abot n'ya sa kamay n'ya na parang nakikipag handshake.

"Sal...."

'Di ko na natapos ang sasabihin ko nang tawagin na naman ako nung isang guest.

Sa pagkakatanda ko, sya 'yung Ceo. Anoooo!!! C.E.O!!!!!!!

Dali dali naman akong lumapit sa kanya at dahil sa pagmamadali ko, natapilok tuloy ako.

Kung minamalas ka 'nga naman.
Nahablot ko pa yung pinangsapin sa lamesa kung 'san nakapatong ang ilang pagkain at inumin ng mga ceo at ibang guest kaya 'eto ako ngayon, pahiya.

"What the hell!! anong ginawa mo?"

Reklamo ni Sir Alvin at halata mo 'rin sa mukha n'ya ang kaba at galit dahil sa ginawa ko.

"Tayo daliii!!!"

"S-Sir Sorry P-po."
Paghingi ko nang paumanhin sa Ceo.

Nahinto ang event dahil sa eksenang nagawa ko kaya mas lalo kong ginusto magpakain sa lupa.

Kahit si Irene, nag aalala na at parang naiiyak pa habang nakatingin sa'kin

Halata mo pa sa mukha ng Ceo ang inis dahil sa pamumula ng mukha n'ya.

"You, what's your name?"
Kalmado pero may awtoridad na tanong ng Ceo.

"H-Hera p-po S-Sir."

"FOLLOW ME."

"Sir ako nalang po ang bahala sa..."
Agad namang pinutol ng Ceo ang sinasabi ni Sir Alvin.

"I DONT REPEAT WHAT I SAY. FOLLOW ME HERA. YOU NEED TO PAY FOR WHAT YOU'VE DONE."



Under The Fangs Of TimeWhere stories live. Discover now