4

15 0 0
                                    

Siya pala si AR itago nalang natin sya sa pangalan AR.

Unang pag-uusap palang namin tila bang parang nahiwagaan na ko sakanya yung ugaling meron sya yung talinong meron sya.

Kakaiba as.in kakaiba parang di ko pa natagpuan yung ganitong klase ng tao sa buhay ko.

Kasi yung standard na hinahanap ko parang nasa kanya. Yung talino at pagiging seryoso sa buhay na hindi puro joke lang. Yan ang pagkakilala ko sakanya.

Magugulat ka nalang na bubuksan nya pala buhay nya sayo. Yung ipapakilala ka nya sa mundo nya. Pero tila meron din kakaiba kasi habang nilalakbay nyo ang daan patungo man sa kung saan destinasyon unti unti itong magbabago.

Yung mundong nyang ginagalawan unti unting nasisira. Nasisira kasi ikaw lang ang gumagalaw sa mundo nya. Nahulog ka sa isang bitag,bitag ng isang laro, laro ng pag-ibig.

Nahulog ka sa di inaasahang pangyayari, yung habang sumasayaw kayo sa ilalim ng maraming ilaw na umiikot ikot pati ikaw umikot yung mundo mo sakanya ngunit dito ka masaya maramdaman mo ang tamang indak sa sayaw ng pag-ibig

Pero hindi mo namamalayan habang kayo'y sumasayaw, unti unti na syang titigil pero ikaw pinapatuloy mo parin hangga't maramdaman mong tama na pagod kana sa kakasayaw habang sya tapos na.

LARO NG PAG-IBIG (tataya ka pa ba?) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon