Minsan sa buhay natin ang tao dumadating lesson ba sya o blessing??
Yan ang katanungan na mahirap sagutan? Ikaw kaya? Para san yung taong nakilala mo?
Ako? Sya siguro ung lesson na naging blessing..
Si AR yung nagturo sakin how to value myself again yung tipong pinaramdam nya sakin kahit sa konting panahon na naging worth it ako. Pinaramdam nya sakin na sa kabila ng mga nangyari sakin karapat dapat parin akong mahalin. Hindi man ako yun tinadhana sakanya pero okay lang naging masaya naman kami sa mundong binuo namin ngayon.
Tataya na sana ako kaso sa pagtayo ko natalo na agad ako. Akala ko kasi mananalo ako ngunit habang nakikipaglaro may iba na pala syang nilalaro. Yung akala mong IKAW PALA yun pala IBA PALA. Ang sakit nu?? Umaasa ka sa WALA. kasi naman eh. Di ka sakanya nagtanong dinama mo lang yung pinapakita nya sayo yun pala tamang hinala ka lang. Nabiktima ka tuloy nabiktima ka ng sarili mong laro.
Hindi ko akalain na ung taong minahal ko ay sya din pala ang wawasak sa puso kong wasak. Kahit kailan di ko pinagsisihan nakilala kita. Na minahal kita. Na lahat ng mga nangyayari sakin ngayon isa ka sa mga dahilan. Sa mga ngiti sa mga luha sa lahat2x. Pero alam mo may isang bagay lang akong natutunan na hindi lahat ng taong ginusto mo ay gugustuhan ka rin. Pero thankfull parin ako sa maikli natin pag-uusap binago mo buhay ko binigyan mo ng kulay na ngayon unti unti ng nawawalan ng kulay.
Kung saan ka man ngayon sana maging masaya ka. Maging masaya ka sa mundong tatahakin mo. Andito parin ako nakatingin sa mga tala at hihilingin kay bathala na sana mahanap mo ang tamang tao para sayo.
Minamahal kong AR lagi mong tatandaan NANDITO LANG PANGAKO 😊
BINABASA MO ANG
LARO NG PAG-IBIG (tataya ka pa ba?)
Short StoryTataya ka pa ba kung alam mong TALO ka na agad? 😢