Chapter 3

2.2K 128 28
                                    

Sheena's POV:

Dalawang linggo na ang lumipas simula ng pumasok ako dito at nangyari sa pagitan namin ni clarisse. Ayos naman na ang sugat ko, medyo nawawala na. Buti nalang di nalaman nila mommy na may sugat ako kasi pag nagkataon lagot ako, hays.

Sa nagdaang araw na yun ay lagi akong binubully nila clarisse, minsan ay inuutusan niya ang mga estudyante na bulihin ako pero yong iba ay napipilitan lang at ang iba ay gusto ang iniuutos ni clarisse.

Dahil na rin siguro ay kasama ako sa section yakuza at naiinggit sila dahil pinoprotektahan nila ako lalo na si Ivan.

Every time na may masama silang binabalak sakin ay pinagigitnaan nila ako lahat na para bang merong gustong pumatay sakin at pinoprotektahan nila ako sa taong yun.

Pero pag sinasabi kong hindi na nila kailangan pang gawin yun nagagalit sila dahil para na daw yun sa kaligtasan ko at may point naman sila dun kaya hinayaan ko nalang, hays.

At yong about sa nangyari kay james... humingi siya ng sorry kay miss at pinatawad naman siya basta daw wag ng ulitin.

Ngayon ay nasa classroom kami, at nag l-lecture ang mapeh teacher namin about music.

"Ok class, What is the full form of music?" tanong ni Mr. roger, yes mister 'dahil lalaki siya.

"Everyone? Yes, ms. Sanchez?" tawag niya sakin ng itaas ko ang kamay ko. "The full form of MUSIC is Mind Uninterrupted Soulful Intriguing Caravan, or MUSIC stands for Mind Uninterrupted Soulful Intriguing Caravan, or the full name of given abbreviation is Mind Uninterrupted Soulful Intriguing Caravan." sagot ko.

"Every good ms. Sanchez!" sabi niya at ngumiti lang ako, "It's about time, so bibigyan ko nalang kayo ng activity for monday. I will group you into 2 groups, so bali tig 8 members kayo pero dahil 17 kayong lahat 'si ms. sanchez na ang mag d-decide kung saan'g group siya, ok?" paliwanag nito.

"Ano ba yan activity na naman!"

"Sir naman!"

"Samin si Yuki!"

"Ang daya!"


Reklamo nila, "Shhh quiet class, tatawagin ko na ang pangalan nyo," sabi ni sir.

"Group 1,

Cloud Rainford

Ivan Cole Forteza

Xenon Bryan Santos

Kiyoshi Steven Nakahara

Kirito Steve Nakahara

Zero Cairo Lewis

Peyton Mark Scout

and last

Brylle Louie Montero the leader of your group."
sabi ni sir, kaya natuwa sila pero yong iba nagreklamo dahil daw halos matatalino ang nasa group 1 at talented.

"Wag na kayong magreklamo, final na yan kaya galingan niyo nalang sa monday." sabi niya kaya napakamot nalang sila sa ulo.

"At ito ang grou--,"

"Sir alam na namin yan dahil kami nalang ang hindi pa natawag." putol ni tyler kay sir, "Tumahimik ka, sasabihin ko pa rin ang pangalan niyo para masiguradong hindi niyo ako tatakasan sa lunes lalo na ikaw!" sermon niya kay tyler na napakamot sa ulo.

"Group 2,

Charles William Ford

Zack Leimberg

Wynn Ashton Frost

Frank Tyler Fuentes

Marshall James Corbin

Brent Kyle Clifford

Owen Carter

And last

Christopher Cullen at siya naman ang leader ng group 2, nagkakaintindihan ba tayo?"
tanong niya.

"Yes sir! / Roger sir!"

"Aba! pinagkakatuwaan niyo yata ang apelyido ko?!" sarkastikong ani ni sir, "A-ahh wala yun sir hihi." maang-maangan nila at nagsiiwas ng tingin. Napailing lang si sir at bumaling sakin.

"So which group do you want to be part ms. Sanchez?" tanong niya, napalingon naman silang lahat sa gawi ko kaya naiilang akong napakamot sa batok.

"H-hindi ko po alam sir eh."

"Dito ka nalang samin yuki parang may matino naman sa group namin." ani ni chrales na nakasimangot kaya natawa ako. "Hoy gago, matino kaya kami!"

"Wag ka jan yuki!" sabi ni bryan at hinila pa ako papalapit sa kanya. "Pag dito ka samin promise I s-share ko sayo ang mga lollipops ko at bibigyan rin kita ng strawberry cake." sabi ni bryan kaya biglang nagningning ang mga mata ko. "Talaga?!"

"Oo naman!" nakangiti niyang turan, kaya mas lumawak ang ngiti ko.

"Buti pangang dito ka nalang samin para mabantayan rin kita," ani ni Ivan kaya napatango ako at humarap kay sir.

"Sa group 1 nalang po ako prof, tsaka babantayan daw ako ni ivan eh hehehe." masayang saad ko.

"Yun na yun?! Sinabihan ka lang na bibigyan ka ng lollipop at cake pumayag ka na?" di makapaniwalang tanong ni zack.

"Oo, madali lang naman akong kausap eh hihi."

"Eh pano pag sinabi kong patayin mo si Ivan at ang kapalit nun ay bibigyan kita ng napakaraming chocolates... gagawin mo ba?" tanong niya, kaya napatingin ako kay ivan na naghihintay rin sa isasagot ko.

"Hindi." simpleng sagot ko, ngumiti naman si ivan.

"Dahil ba kasi bestfriend mo siya?" tanong niyang muli.

"Hindi din." nawala ang ngiti ni ivan at napalitan ng kunot noo, pati rin ang ibang kong mga kaklase.

"Eh.. ano?"

"Di ko naman kasi favorite ang chocolate eh." nakangusong sagot ko kaya bumagsak ang mga balikat nila.

"Owhhh!"

"Ayos lang yan tol! hahaha"

"Burn ka dude! hahaha"


"Tumahimik na kayo!" pigil ni sir samin kaya natahikmik kami. "Good... dahil alam niyo na kong saang group kayo, ang gagawin niyo by on monday is kakanta dito sa harap... pipili kayo ng kantang gusto niyo, kahit ano. At kada isa sa inyo ang bibigyan ko ng tig 100 points. Kuha niyo ba?"

"Yes sir!"

"Ok, that's all for today, class dismissed. Btw hindi makakapasok si ms. Garcia, so you can take your lunch." sabi ni prof at lumabas na.

"Yes!"

"Yun oh! makakapag lunch na rin!"

"Kailan ka ba magbabago pre, patay gutom ka pa rin hahaha."

"Gala tayo!"

"Game kami!"

"Sama din ako!"

"Saan ba tayo?"

"Tara na mga tol!"


"Wait saan kayo pupunta?" pigil ko ng akma silang lalabas ng room, "Gagala bakit?" kunot noo'ng sagot ani

"Ops, ops... hindi pwede!" humarang pa ako sa harap nila, "At bakit naman?!" maangas na tanong ni kyle.

"Hindi pwede, maaga pa naman eh, kaya pag-usapan muna natin kong ano ang gagawin sa monday."

"Eh ano naman ngayon, di naman kami ang ka group mo ah."

"Kahit na, kaya nga pag-uusapan di ba." nakangusong sabi ko. "Tsaka maaga pa para gumala kayo, I'm sure hindi kayo palalabasin ni kuya guard."

"Ika--"

"Bakit ka ba nangingialam sa mga gusto naming gawin hah?!" sabat ni cloud sa sasabihin sana ni kyle.

"Tama na mga pre babae lang yan," pigil sa kanila ni chris ng susugurin sana ako ni cloud.

"Kaya nga eh... babae lang siya pero kong umasta ay para bang alam niya lahat at matagal niya na tayong kakilala at ina-under tayo! baka nga di niya tayo kaya eh!" galit at may halong sarkastiko nitong sabi.

"Tama na sabi eh!" sigaw ni ivan, "Bilang kaibigan ko lang respetuhin niyo siya! Babae lang siya tol... wala siyang kaalam-alam at kalaban-laban sating mga lalaki!" dugtong niya.

"Pasalamat ka talaga dahil nandito si ivan at hindi ako pumapatol sa mga mahihinang babae, tsk." inis nitong sabi at bumalik sa upuan niya, ako naman ay napayuko.

"S-sorry." mahinang saad ko at nangingilid ang mga luha.

"Wag mo nalang silang pansinin yuk--" di natapos ni bryan ang sasabihin niya ng bigla akong tumakbo palabas ng room.

"Yuki!" rinig ko pang tinawag nila ako pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.

Hanggang sa huminto ako at hinihingal na tinukod ang mga kamay sa tuhod ko. Nang iangat ko ang paningin ko ay bigla akong kinabahan.

'Asan na ba ako? Parte pa ba to ng school? Kailan pa nagkaroon ng gubat sa school?'

Mga tanong na gumugulo sa utak ko dahil nakakatakot ang lugar na to, madaming puno sa paligid kaya madilim ito.

Babalik na sana ako sa dinaanan ko pero hindi ko alam kong na saan, nakatayo lang ako sa gitna at nagbabasakali na may makikitang estudyante pero wala.

'Sana pala hindi na ako tumakbo, ikaw kasi yuki napakaiyakin mo.'

Napaupo nalang ako sa ilalim ng puno, niyakap ang paa at yumuko. Dun ako tuluyang napaiyak.

Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng mga yabag papunta sa direksyon ko, kaya napaangat ako ng tingin at biglang nanigas ang katawan.

"Naliligaw ka yata miss beautiful," nakangising sabi ng isang lalaki, namumukhaan ko siya. Siya yong nagbato sakin ng dagger, isa sa kasamahan ni matthew.

"W-what do you need?" pilit pinapalakas ang sarili ko at pinahid ang luha.

"Umiiyak ka ba? hahaha," it says foolishly, "It's none of your business."

"Palaban ka talaga eh no? wala ka namang laban sakin kahit nag-iisa lang ako hahha,"

"You don't know me that much,"

"Siguro nga ngayon wala pa akong masyadong alam sayo pero malalaman ko naman yun, your personality seem interesting for me." sabi nito, "Oh, how rude I am, I forgot to introduce my self to you... I'm Leo Anderson." inilahad pa nito ang kamay niya pero hindi ko iyon tinanggap at umatras ng isang beses.

Napapahiyang ibinaba niya nalang ang kamay at ipinasuk sa bulsa niya.

"Scared huh?!"

"Don't worry wala akong gagawin sayo........ sa ngayon!" seryoso nitong sabi at unti-unting naglakad papalapit sakin. Ako naman ay atras lang ng atras hanggang sa mapasandal ako sa puno.

Dahan-dahan niya itinaas ang kamay niya at hinaplos ang mukha ko, bigla akong kinilabutan kaya mabilis kong iniwas ang mukha ko. Kita ko naman kong pano siya ngumisi.

"Poor you, You don't have any idea about your section... kong ano sila... at kong pano sila pumatay." nanginig naman ako,

Pumatay? hindi nila yun magagawa, lalong-lalo na si Ivan. I know him because his my bestfriend!

Pero kilala ko ba talaga siya... sila, kahit 2 weeks palang ang lumipas simula ng pumasok ako dito at nakilala sila alam ko namang mababait sila. They considered me an important thing to take care of, nagagalit lang naman sila pag masyado na kong makulit eh. Katulad kanina, nagalit na naman sila dahil sa kakulitan ko.

But that's not mean na kilala ko na talaga sila right? They don't know me also kaya patas lang kami.

Napabuntong hininga ako at walang takot na tiningnan siya diretso sa mata, "Ang bang sinasabi mo mababait sila at lalong hindi sila pumapatay." mahinahon kong sabi, hanggat maaari ayoko makasakit ng tao ngayon.

"If that's what you think, the---"

"Tsk."

Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun.

"Oh Montero, ikaw pala yan," sabi nong leo na umatras ng kunti at hinarap si brylle, kaya nakahinga ako ng maluwag.

"What did you do to her?" kalmang tanong ni brylle.

"Tinatakot siya? I guess?" naka smirk na sagot niya,

"Leave her alone."

"Aalis na nga dapat ako eh, kaso dumating ka."

"Anong sinabi mo sa kanya?"

"Wag kang mag-alala... wala akong sinabi sa kanya kaya relax!"

"Tsk, umalis ka na."

"Woah! baka nakakalimutan mo.. teritoryo nami---" di natapos nong leo ang sasabihin niya ng hilahin ako ni brylle sa braso tsaka tinalikuran namin siya at naglakad paalis.

"Ito ang tandaan mo miss beautiful, pag napadpad ka pa ulit dito hindi na kita hahayaang makaalis at papatayin kita!" biglang tumindig ang balahibo ko sa narinig, hindi ko nalang siya nilingon at nagpahila lang kay brylle.

Tsaka niya lang ako binitawan ng may nakasalubong kaming tatlong estudyante.

'Bakit sila magkasama?'

'Magkaklase sila malamang!'

'Pero bakit silang dalawa lang?'

'Tumahimik ka nga, baka marinig tayo ni king brylle.'


Rinig kong bulungan nila bago kami lagpasan, napatingin naman ako kay brylle na walang emosyon na naglalakad. Napalunok naman ako, gwapo pala siya pag malapitan. Mahabang pilik mata, makakamatay niyang kulay abong mata 'pero para sakin maganda itong tignan, pointed nose, napababa ang tingin ko sa labi niya, manipis ito at mapupula 'those kissable lips of his... I... I want to ki---

"Stop staring at me." malamig niyang sabi, kaya natauhan ako at umiwas ng tingin.

"H-hindi kaya ako nakatingin sayo." sabi ko na nauutal, "Tsk."

"Saan tayo pupunta?" tanong ko, "They looking for you." ani niya.

Eh! Hindi niya naman sinagot ang tanong ko eh! They looking for you daw?

Hindi nalang ako nagsalita ulit at sinundan lang siya, hanggang sa makarating kami sa field ay nakita namin sila ivan na tumatakbo kong saan saan at hindi mapakali ang mga mukha.

Napatingin ako kay brylle ng bigla siyang naglakad papunta sa punao, sumandal doon at pumikit. Nagkibit balikat nalang ako at tiningnan ko ulit sila ivan.

Nasa iisang lugar nalang sila at parang may seryosong pinag-uusapan, nakakunot kasi mga noo nila. Hala! nag-uusap na ba sila para sa activity sa monday ng wala ako? Hindi pwede yun! Agad ko naman silang nilapitan.

"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko, napatalon naman sila sa gulat.

"Yuki!"

"Saan ka ba ng galing? Kanina ka pa namin hinahanap alam mo ba yon?!"
sermon ni ivan ng makita ako, kaya nagtago ako sa likod ni charles.

Wala si peyton dito, si cloud naman ay prenteng naka upo lang sa bench at ng makita ako ay ang sama na ng tingin sakin kaya mas matago pa ko.

"Wag ka nga magtago dyan!"

"Yuki, yong uniform ko na gugusot na!"
sabi ni charles kaya nabitawan ko, hindi ko pala namalayan na napakapit ako sa uniform niya.

"Sorry," paumanhin ko tsaka bumaling kay ivan na seryosong nakatingin din pala sakin. Bigla akong nagpout at maiyak-iyak na lumapit sa kanya.

"Wahhhh Ivan, sorry na... hindi ko naman alam na maliligaw ako sa gubat na yun eh. Buti nalang nahanap ako ni brylle dahil kong hindi, baka nilapa nako ng leon na yun huhuhu." ani ko tsaka yumakap sa kanya.

"Sa gubat? Pano ka naman na punta sa gubat hah?! Alam mo bang dilikado dun!" sermon na naman niya, kaya humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Anong leon? Eh wala naman leon dito sa school?" tanong ni kiyoshi, kaya napakalas ako mula sa pagyakap ko kay ivan.

"Sinabi ko bang leon?" tumango sila, "Leo yun, yun bang lalaking nag bato sakin ng dagger nong mag-away kami ni clarisse....... ay wala pala kayo nun."

"Leo? You mean Leo Anderson? Yong alagad ni matthew?"
tanong ni zero, tumango naman ako.

Nagulat ako ng bigla akong hinarap ni ivan sa kanya at sinuri ang katawan ko.

"Sinaktan ka ba niya hah?!" tanong niya pero hindi ako nakasagot sa gulat, "Ano? mag salita ka yuki!" natauhan naman ako sa sigaw niya.

"H-huh? A-ahh h-hindi naman hehe."

"May sinabi ba siya sayo?"
tanong naman ni chris, umiling ako. Para naman silang nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag.

"Ay! meron pala!"

"ANO YUN?!"
sabay nilang tanong, "Hmm.... papatayin niya daw ako pag nakita niya pa ako sa gubat na yun." inosente kong sabi at nag pout, kumunot ang noo nila.

"B-bakit?"

"Hindi ka ba natakot yuki?" tanong ni ashton. "Oo nga, binantaan niya buhay mo eh." dagdag ni bryan.

"Syempre natakot!" sabi ko, "Pero hindi naman nila alam kong ano ang kaya kong gawin eh." bulong ko, "Ano?! hindi ka namin marinig!" ani ni steve, ngumiti naman ako.

"Sabi ko... sure naman ako na poprotektahan niyo ko diba?" ngumiti sila, "Oo naman, princesa ka ng section natin eh!" nakangiting sabi ni bryan.

Magsasalita pa sana ako ng may nagsalita sa likuran namin.

"Wala ba kayong balak kumain?!" si cloud pala, di na rin maipinta ang mukha niya. Napatingin naman ako sa likod niya, nakasunod sa kanya si peyton na nasa magkabilang bulsa ang kamay.

"Ang atat naman nito kumain, tara na nga." akmang maglalakad na kami ng magsalita si kyle.

"Wait lang! Nasan si leader?"
pigil niya, bigla ko siyang naalala, nandun siya sa puno eh. Kaya nilingon ko ang punong kinaruruonan niya, nandun pa rin siya sa kinatatayuan niya habang nakapikit pa rin.

"Ayun siya oh." turo ko sa kanya, "Oh?! Anong ginagawa niya dun?" nagkibit balikat lang ako.

"Hoy ash... puntahan mo nga siya dun!" utos ni kiyoshi, "Luh! ba't ako?"

"Bakit nga ba hindi ikaw?!" pilosopo nito, napakamot naman sa ulo si ash. "Puntahan mo nalang dun!" wala na siyang nagawa kaya pinuntahan nalang si brylle.

Pagkatapos nun ay sabay na kaming pumunta sa cafeteria.

"Kami na ang o-order," presenta ni tyler, owen at zack.

"Alam niyo na gusto naming pagkain kaya yun na order-in niyo." sabi ni ivan.

"Bilhan niyo rin ako ng strawberry cake hah?!" sabi ko, tumango lang sila tsaka umalis.

Ilang minuto lang ay bumalik na sila, pero nagtaka ako ng wala silang dala na pagkain.

"Nasan ang mga pagkain? Tsaka yong strawberry cake ko?"

"Ahh pene-prepare pa nila, I s-serve nalang daw pagtapos na kaya maghintay nalang tayo."
sabi ni owen.

Napasimangot naman ako, gutom nako eh. Parang napansin naman nila ang pagsimangot ko kaya nataranta sila.



Kiyoshi's POV:

Bigla kaming nataranta ng sumimangot si yuki, ayan na naman siya.

"Hoy mga gago gumawa kayo ng paraan!"

"Patay na naman tayo nito!"

"Takpan niyo nalang ang mga tenga niyo!"


Nong nakaraang linggo kasi ay nag pa order din siya kay chris ng strawberry cake pero hindi agad dumating dahil bini-bake pa daw pero gusto ng kumain ni yuki, kaya ayon nagwala. Tapos nong isang araw naubusan daw sila ng strawberry cake dahil may sakit daw ang taga bake sa cafeteria kaya nagwala na naman siya, hayss.

"A-ahh yuki, wag ngayon!" tarantang ani ni ivan.

"G-ganito nalang... Habang hinihintay natin ang mga orders pag-uusapan nalang natin ang gagawin sa monday, ok ba yun?"
kumbinsi namin, napatingin siya samin. Nagningning ang mata niya at kumalma.

"Ano nangyari sa kanya?" bulong kong tanong kay ivan na katabi ko lang.

"Mahilig kasi siya sa music, yun ang nakakapagpakalma sa kanya." sagot niya na narinig din ng iba namin kaibigan.

"Sige! Madali lang akong kausap eh hehe." nakahinga kami ng maluwag dahil dun.

"So anong gagawin?" tanong ni bryan, tiningnan namin si yuki. "Bakit kayo nakatingin sakin?" inosente nitong tanong.

"Gusto mong pag-usapan natin to diba... kaya ikaw mag-isip!" inis na sabi ni cloud, bakit ba ang highblood ng isang to pagdating kay yuki eh mabait naman siya at walang masamang ginagawa. Ang gaan nga ng pakiramdam ko sa kanya eh, alam kong ganon rin ang nararamdaman ni kambal sa kanya.

"Ok, sisimulan natin sa lugar kong saan tayo magpapractice, any suggestion? Ano kaya kong sa bahay niyo?" ani niya, nagkatinginan kaming mga lalaki.

"Hindi pwede samin, kakadating lang ng grandparents ko galing U.S."

"Ipinaayos ni dad yong music room namin eh."

"Hindi din pwede samin ni kambal eh, sorry."
sabi ni steve.

"Sa condo ako nakatira ngayon kaya hindi tayo kasya." hanggang sa sunod-sunod na ang pagtanggi nila. Palusot lang namin to dahil hindi siya pwedeng pumunta sa mga baha- I mean mansion namin. We're mafia's baka masundan kami at manganib ang buhay niya.

"Ano bang meron sa mga bahay niyo at bakit hindi pwede?" tanong niya, sabay kaming napalunok. Yong tatlo naman ay parang may sariling mundo, diba nila kami tutulungan magpalusot.

"Ahh wala!" sabi ni zack, but yuki's eye narrowed. "W-wag mo nga ako tignan ng ganyan, sinabi na namin ang dahilan diba, tsk!"

"Sa inyo nalang kaya yuki,"
suggest ni zero, oo nga no. Minsan may utak din pala to haha.

"Sige! Sure akong ipag-be-bake kayo ni mommy ng cake pag nandun kayo hehe." masaya niya sabi, "Tsaka meron naman akong dalawang music room dun eh." dagdag niya tsaka ngumiti ng matamis.

Only Girl in Section Yakuza (ONGOING)Where stories live. Discover now