Prolouge

25 3 0
                                    

Napabuga na lamang ako ng hangin habang pinapanood siya na umiyak at lumuhod sa harapan ko. Kitang kita ko kung gaano ka-wasted ang lagay nya ngayon. Mapungay ang mga mata nyang nakikiusap sa akin na patawarin sya, habang pinipigilan nyang matumba ang sarili sa harapan ko. "I'm s-sorry. I'm r-really sorry, K-Kia. I'm r-really sorry for e-everything I've e-ever done to you."

"Please, get up. I've forgiven you a long time ago. So, please, just get up."

Tumingin sya sakin ng may kinang sa kanyang mga mata, wari ba'y nakakita siya ng pag-asa sa mga sinabi ko. Tumayo siya at akmang yayakapin ako subalit agad akong umiwas mula sa yakap nya. Basag ang boses nyang nagsalita ng, "My love, w-why are you avoiding m-me? A-akala ko ba ay p-pinatawad mo na ko?"

My love, huh? Kay tagal kong hinintay na tawagin nya ako ng ganyan, yung mismong may lambing sa boses nya sa tuwing tinatawag nya ako, subalit sa halip na makaramdam ako ng mga paru-paro sa tiyan ko tulad ng dati, ay wala na akong maramdaman sa tawag nya, sa boses nya, sa presensya nya.

"Maybe, if you called me like that and asked for my forgiveness before ay siguradong bibigay kaagad ako sayo." Umiling ako sa kanya at nakipagtitigan ako sa lalaking nag-ma-may-ari na ng puso ko ngayon, naka-upo sya sa isang bench ng park habang nasa tabi nya ang itinake-out naming pagkain, nag-aantay na matapos na ang usapin namin ng dati kong kasintahan. Nakangiti syang kumaway sa akin at sinuklian ko siya ng matamis na ngiti. Tumingin muli ako sa lalaking litong lito na nakatingin sa akin "As I said, I already forgave you. Matagal na kitang pinatawad ngunit hindi ibig sabihin non ay babalik na ko sayo. Masaya na ko sa buhay ko. So, please, don't destroy my happiness again."

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kasintahan kong nag-aantay sa akin ngunit napahinto ako ng hawakan nya ang braso ko.

"B-But I love you, Kia!"

Agad kong inalis ang pagkakahawak nya sa akin. This man is surely giving me a headaches now after giving me some heartbreaks years ago. Malamig kong tinitigan ang mga mata nya, "And I don't love you anymore. Please, have some self respect for yourself and save your last remaining pride. I'm leaving. Goodbye."

I'm sorry I got tired of understanding you. I swear I tried my best to stay in love with you but you just keep destroying my hope that you will love me, you keep hurting me until the day I decided to stop being your rebound anymore. I wished that you can find your own happiness too.

Pagkatapos kong sabihin yon ay mabilis akong naglakad papunta sa lalaking minamahal ko.

"Want some popcorn, Sun?"

Natampal ko na lang ang noo ko sa bungad nyang iyon sa akin at hindi ko na napigilang matawa sa tanong nya.

"Seriously, Moon? I'm having a drama there and you're just here enjoying the drama with some popcorn?" Biro ko sa kaniya at sumubo ng popcorn.

Tumayo na siya sa inuupuan nya at inakbayan ako, sa kabilang kamay naman niya ay ang pagkaing binili namin. "So, you wanna go to the karaoke? Let's relieve your stress there by singing your hearts out."

"Sure, moon." Nakangiti kong wika sa kaniya.

We gave him a last glance before leaving him there til the rain starts to drop. "We should give him an umbrella, Sun. He'll get sick. He can easily get cold, right?"

"I think we don't need to do that, Moon." Wika ko sa kaniya habang pinapanood ang isang babae na bigyan siya ng payong.

He just gave me a pat on my head at binuksan ang pintuan ng sasakyan nya upang makapasok ako at tsaka naman siya pumunta sa driver's seat.

I started to close my eyes as my sleepiness started to consume me.

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon