"Miss Ashbridge go back to your proper sit." Agad naman akong umangal.
"But Ma'am. Dito nalang po ako uupo. May allergy po kasi ako sa chalk dust eh. And tamang tama naman po kasi malabo yung mata ni Gab. So nagpalit kami." Puro kasinungalingan lahat yan. Dahil di ko hahayaan na tumabi pa yung mokong na to sa kaibigan ko. At buti nalang talaga pumayag tong teacher namin.
"Sa pagkakaalam ko. Di malabo mata niya. At mas lalong wala kang allergy. Right?" Bulong ni mokong na katabi ko. Pero di ako nagaksaya ng panahon na pansinin pa siya.
Kailangan kong mag aral ng mabuti.
For my parents. Ayokong ma disappoint sila sakin. Lalo na kung ako ang pangalan niya."So kaya ka ba nakipagpalit dahil gusto mo siyang protektahan o may gusto ka na sakin?" Wow ha. Ang kapal niya. Pati na rin labi niya. Dahil dyosa ako, di ko siya pinansin.
"Class. We will have a partner reporting. Yes partner lang kasi dalawa kayo. So yung seatmate niyo yung makakapartner niyo. Ipapaliwanag niyo lamang sa amin ang mga tula na nasa libro na yan. So kung sino ang nasa una. Sila yung mauunang magreport" Buti naman. Di ko keri pag kami ang nauna nitong katabi ko. Lalo na at tatamad tamad siya magaral. -.-
"Haaaaaay. Bakit ka pa kasi nakipagpalit edi sana panghuli pa kong magrereport." Pagmamaktol nitong kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa Cafeteria. Its our break time.
"Anong gusto mo? Magdusa habang katabi siya o magaral ng tahimik?" I said while sipping my pineapple juice. Juice lang ako ngayon. Im on my diet. Hehe~
"Tch. Oo na. Thank you na. Pero naman kasi. Nakakairita yung katabi ko. Crush mo pa naman yun. Sayang talaga" Ye. Tama kayo pinagpalit ko ang masaya kong buhay kasama ang future husband ko.
"Kaysa naman makita kitang umiiyak habang nagaaral o nagrerecite. Pagtatawanan talaga kita. Hahahahha" Sabi ko sabay tumawa ng walang tunog. Thats what you called "ulolism" Tumatawa ng walang tunog habang nag head bang. Taray diba?
"Wag kang gumanyan. Para kang di babae" Sabi niya na natatawa na rin. Wow ha. Tingnan mo nga. Nag ulolism na siya ngayon.
"Ganyan ba talaga pag brokenhearted matakaw babe?" Narinig kong landi ng aking kapatid na si Violet kay Mokong na Clark. So sila na? Tuhray.
Napatingin naman ako kay Gab na nasa harap ko lang. Na parang maiiyak na sa nakikita niya.
Nasa likod lang pala namin yung table nila Violet. Nanadya tong kapatid ko sa labas ah. Kunin ko baga niya eh."Wag kang umiyak sa kinukwento ko sayo Kate. Mas masakit yung storya ng buhay ko kesa sa storya na binabasa ko sa wattpad. Masakit kayang magkaroon ng kapatid na slut. Napakasakit nun." Mas gugustuhin ko pang magkasakitan kami ni Violet dito kesa makita kong kawawa yung kaibigan ko.
Narinig ko namang biglang nasamid tong kapatid ko.
"Okay ka lang babe?" Narinig kong tanong ni Clark. Sarap sampalin nitong lalaki na to."Tara na Kate. 10:55 na oh. Ayokong malate sa Music Class natin. Alalahanin mo gagagraduate na tayo ng high school so dapat tayong magaral ng mabuti. Saka 3rd day of class palang ngayon late na agad? Nah." Sabi niya sabay hila sakin. Di naman siya nagmamadali?
"Kate. Natutulog ka nanaman. Tara dito at sagutan mo tong problem dito sa blackboard. Simula nung ihandle ko kayo nung First year kayo. Tanging si Kate lang natutulog sa klase ko. Ganyan ka rin ba sa ibang klase?" Tanong niya sakin. Throwbak Thursday pa Sir. Tch
Pero naka poker face lang ako habang nakatunganga sa black board na dating green board."Di mo nanaman alam ang sagot?" He mumbled. Kung di ko lang to teacher baka napagkamalan ko na tong may gusto sakin.
Ang hilig niya kong pasagutin sa blackboard ng math question. Duh. Music class kami ngayon no. Simula nung 2nd year ako trip niyan.
"Sir naman kasi. Lagi mo nalang tinatanong yang x na yan. Nawawala po ba siya? Sino ba kasi yang x niyo po na yan para matahimik na ako at pati ako pinaghahanap ninyo at Hello sir? Are you with us? Kita niyo pong time po ito ng Music tas tatanungin niyo ko ng x na yan?" Nakakainis naman kasi talaga eh. Kung di ko lang talaga siya. Argggg
"Ikaw" Ha? Sinasabi nito? Anong ako?
Tumingin naman ako sa mga kaklase ko na akala mo'y nanunuod ng isang magandang movie. May ilan pang kumakain popcorn.
Teka saan nila yun nakuha?"Ikaw yung x na hinahanap ko." Sa sinabi niya na yan. All my classmates gasp. Pati ako. Shuta-eners naman oh.
Dahil sa speechless ako. Umupo nalang ako. Syempre sa upuan. Kung saan may katabi nanaman akong epal.
At dahil sa sinabi ng walang hiyang teacher ko. Pinagchismisan nanaman ako ng kaklase ko.
Bat ba kasi siya nag teacher? Bat ba ang pogi niya? Bat ang bata pa niya para maging teacher?
Ayan tuloy lahat ng babae na nandito masama tingin sakin. Aish.Bakit ba kasi ako nagka ex na mas matanda sakin at gwapo?!
Yes tama kayo at tama rin siya. Isa ko po siyang dakilang x.Pero matagal ko na siyang kinalimutan. At bata palang ako. Kilala ko na siya. Anak siya ng ex ng Mommy ko na kaibigan na nila ngayon. At lagi nilang sinasabi na kami ang magpapatuloy ng lovestory nila. Duh. Pero yung tatay ko naman di umaangal. Mas mabuti na raw yun kaysa naman iwan siya ng Mommy ko at bumalik dun sa ex niya. Tch :v
Tas hanggang ngayon kahit na di na ako baliw na baliw diyan. May natitira pa ring pag asa sa kanila na kami talaga ang nakatadhana. Nakakainis diba?
"Uyyy~ May nakaraan pala kayo ni Sir? Kakaibia ka pala Kate." Sabi nitong Harbor na katabi ko habang sinusundot yung bewang ko. Epal talaga to.
"So class. Tama na yan. I'm just kidding. Ang totoo niyan. She's the daughter of my dad's ex lover. And magkaibigan nalang ang mommy niya at daddy ko. And she's my childhood friend slash childhood crush." At talagang kinuwento pa niya? Kung kailan gagraduate na ko saka pa siya di nakatiis maging chismosa. Aish. Kainis to.
"Eh ngayon ba Sir, crush niyo pa?" Tanong nitong mokong na katabi ko. At habang kunware wala akong pake pero nakikinig talaga ako. Hehe~
"No comment. Hehe" Tch. Walang kwenta to.
"Naks. Pa showbiz si Sir."
"Sir bagay naman kayo eh. Maganda siya gwapo ka. Hehe"
"Sir okay lang yan. 8years lang naman agwat niyo eh. Yaka yan."
"Sir ligawan niyo na."Ang OA ng mga kaklase ko ah. Sarap hambalusin pero mas nakakainis yung 4 na maarteng babaeng nakahilera sa harap ko.
"Di kaya sila bagay"
"Ang landi forever ni kate"
"Akin lang si Sir."
"Sarap sampalin ni Kate. Mas maganda kaya ako sa kanya"DIBA NAKAKAASAR? KASALANAN TO LAHAT NG BWISIT KONG TEACHER EH.
"Time na pala. Magdala kayo bukas ng guitar niyo. Yun yung pagaaralan natin bukas. Class dismissed" Tingnan mo to. Inubos yung oras niya kakadaldal. Sumbong ko kaya siya sa principal.
"Uyyy. Di mo nakwento sakin na ex mo si Sir. Hanzel Happiness." Habol nitong si Gab. Half day lang kami ngayon kasi may nangyare ata sa kuryente. Ayaw ng office na mainitan kami eh. Hehe.
"Wag mo ngang banggitin yang Happiness. Nakakairita eh. Ang panget ng surname niya. And yes ex ko siya. Saka na ikwento ko kaya sayo yun. Saka bago ako mag 1st year nung maging kami no. So alam mo yun kasi naka one year kami and kaibigan na kita nung 1st year ako. You're so ulyanin" Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga nakasakay dito sa jeep. Tinakasan nanaman namin yung service namin. Saka mas masaya magjeep no!
"Ay oo nga pala. Hehe. Ako pa nga pala yung daan niyong dalawa." Ye. Patago kami noon. Kasi masyado pa kong bata. Magulang lang namin ang nakakaalam tungkol sa past namin.
"Bat nga pala kayo nag break?" Sasagutin ko na sana yung tanong niya ng makita ko yung dami lang ex niya.
"Clark alert. Act normal okay? Wag paapekto" Bulong ko sa kanya. Sakto naman kasing sa harap namin pumwesto tong Clark na to.
"So who's your next target?" I asked her.
Talagang diniin kong yung next target para naman marinig nitong epal na to.
At sana naman makisakay tong si Gab."Carl Mumford" I gasp. What the fuck? Napatingin nman ako kay Clark. At halata din sa muka niyang nagulat siya pero agad niya ring binawi.
----
A/N: hi guys. Sorry pows at ngayon lang ako nakapag update. Masyado po akong busy. Hehe. Hope you like it. ;)
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's X
Teen FictionKaya ko bang magmahal ng taong hindi sa akin? Kaya ko bang isakripisyo ang lahat para lang sa aking iniibig? -Kate Ashbridge