Chapter 3

53 4 16
                                    


"Sa lahat lahat naman ng lalaki bakit si Carl pa?!" sabi ko sa kanya. Dito muna ako tumambay sa bahay nila Gab. Tutal wala naman akong gagawin sa bahay namin. Laging ganto pag uwian. Dito ako dumidiretso kila Gab. Saka okay lang naman kila Mommy yun kasi close na rin sila nung Mommy ni Gab. Si Tita May.

"Wala akong maiisip eh! Lalo na at sa kanya ako nakatingin." paliwanag niya. Kahit kailan talaga napaka clumsy nitong babae na to.

"Nakalimutan mo na ba na kambal si Carl at Clark? Kambal pinatos mo. Sayang type ko pa naman si Carl. " Sabi ko sabay peace sign. Ang gwapo kasi ni Carl. Kakauwi niya lang galing Korea. Nakita ko lang sa twitter. Di kasi kami close ni Carl. Bale kilala lang namin siya.

"Wag ka nga. Paano kaya pag nalaman ni Carl yun? Waaaaah. Nakakahiya. Help me Kate." Sabi niya habang nagtatakip ng muka niya.
Tingnan mo tong babae na to. Di muna kasi nagiisip bago magsalita.

"Bahala ka. Wala namang masama kung maging gusto mo siya diba or next boyfriend? Saka sinaktan ka niya so ikaw naman ang dapat magpakasaya." Sabi ko habang naglalaro ng clumsy ninja.

Masyadong gugulo kapag naging sila ni Carl pero feeling ko okay lang naman. Parehas lang naman silang tao. Kaya lang yung sasabihin ng mga tao.

Kinakatakot ko na mahusgahan siya agad.

"Seriously Kate. Paano kung maging kayo ni Clark? Paano kung mafall ka sa kanya? Seatmate mo kasi siya. Hindi malabong magustuhan mo siya." What? Nakakashock naman yung pinagsasabe nitong babaeng to.

"Sinasapian ka na ba? Ako magkakagusto sa bakulaw na yun? No way" Sabi ko na naiiling-iling. Di ko kasi maimagine yung mga ganong bagay.

"Kunwari nga lang eh. Eto talaga. Pero kung magkagusto ka sa kanya. Okay lang sakin. Pero di ko hahayaan na masaktan ka niya. Di ko hahayaan na maramdaman mo yung naramdaman kong sakit" Sa sinabi niya na yan. Napaisip ako bigla. Paano kung magkagusto ako kay Clark.

Para kasi sakin di mo mapipigilan yung puso mo na tumibok para sa isang tao.

"Tama na nga. Aayusin ko pa yung sa amin ni Hanzel."

...
"Mommyyyyy I'm hereeee" sabi ko sabay pasok sa bahay namin. 8pm na ko umuuwi lagi kasi ganon din yung oras ng uwi nila Mommy at Daddy.

"Hey. Babyyy. How are you? Balita ko half day kayo today" Mommy said habang pinaglalagay ako ng juice sa baso. Masyado niya talaga akong binibaby. Pero gustong gusto ko naman.

"Yes Mom. At oo nga pala break na sila Gab at Clark." in fairness ang sarap ng juice niya ngayon. Pwede nang itinda. Dati kasi ang pait eh. Akala ko nga may ampalaya. Ahahaha

"Oh? Why? Sayang naman. Naka 1 year din sila diba? Bet ko pa naman si Clark for her. Tas Carl for you. Bongga diba? Ay si Hanzel nga pala yung destiny mo" My mom giggled. Ewan ko ba dito sa mommy ko. May pagkabaliw. Napailing nalang ako.
"Because Clark is so gago. Niloko niya si Gab for 6 months? At si Gab naman po sa sobrang pagmamahal nagbulagbulagan pa. Pero kaya niya naman daw din si sinabi sakin kasi ayaw niya na pati ako madamay pa. Saka alam mo ba Mom? Nung tinawagan ko si Clark sabi niya sakin pwede niya na raw bang hiwalayan si Gab kung tapos na raw yung pagsubaybay ko sa kanya na wag niya na saktan si Gab. Arrggggg. At ang mas matindi Mom may bago na si Clark. Ang lantod" Nakakapanggi-gigil kaya habang nag kwento ako kay Mom talaga namang nagngigigil na ko kaya lang may dumating na epal kaya naudlot yung kwentuhan namin ni Mommy.

Ang pagkakaalam ko minsan lang pumunta yan dito. At talagang kasama niya yang lalaki na yan? My gosh.

"Oh Violet. Napasyal ka yata" Sabi ni Mommy habang pinupunasan yung kamay niya. Magbe-bless kasi sa kanya si Violet. Uso pala sa kanya yun?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend's XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon