~touch me like you do. Tatatouch me like you do~
"Aish! Sino naman ba yang tumatawag!" Sabi ko habang kinakamot yung ulo ko. Aga aga pa kaya. Bahala siya diyan. Mas mahalaga ang tulog ko kaysa sa kanya.
~finally~ Ariel happened to me~
Napabangon naman ako agad ng marinig ko yang ringtone na yan. Pesteng ringtone yan. Gusto kasi ni Gabriella na iba yung ringtone niya. Tas di ko naman akalain na ganyan ka unique -.-
"What the f*ck Gab? It's only 3:00 in the morning!" Sino ba namn kasing di maiinis sa ganon? Kakatulog ko lang tas may manggigising naman sayo.
[Kate *sniff* I need you] Kung di ko lang kaibigan to baka tinapon ko na to sa pluto.
"Where are you?" Sabi ko habang nagsusuot ng makapal na jacket.
[S-sa lalabas ng b-bahay niyo] Juice colored naman oh. Kanina pa siya diyan? Agad agad naman akong lumabas ng bahay para tingnan siya.
--
"So what happened? Bakit ka umiiyak diyan? Talagang nag effort kapang puntahan ako dito ng ganto kaaga. Alam mo ba na kakatulog ko lang nung tumawag ka?" Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nung sunduin ko siya sa labas para siyang babaeng namamalimos sa itsura niya. She's wearing white shirt na putik putik and her eyes is so puffy. Seeing her like that really breaks my heart.
"Kate. I broke up with him. Kahit na di ko kaya. Kahit na ayaw ko." She said with crack voice.
"Tanga ka ba? Bakit ka nakipag break kung masasaktan ka naman pala?" Nakakairita naman kasi. Ganyan talaga ako magsalita sa kanya kapag may katangahan siyang ginagawa. Ayoko kasing nakikitang umiiyak yan. I'm not comfortable.
"Kate~ He's not in love with me anymore. Paano naman gagawin ko? Act like a numb? No Kate. Ayokong magpakatanga sa lalaking walang ginawa kundi saktan ako." At this time di ko alam sasabihin ko lalo na kung wala akong alam kung paano mag comfort but ito lang ang nasa is it ko ngayon humanda sakin yang Mumford na yan. Papaduguin ko ang labi niyang malaki. Tch
"Whaaaat? Walang hiya talaga yang Mumford na yan. Binalaan ko na siya ah. So bat ganyan itsura mo ngayon? Para kang beggar." Anong connect ng di na siya mahal ng ex niya sa suot niya ngayon?
"Wala lang. Kanina kasi umulan diba? Kaya feel na feel kong umiyak habang umuulan. Gusto ko lang mabawasan yung sakit eh. May iba siyang gusto habang kasama niya ako. May iba siyang kachat kapag kasama ko siya. Pero walang alam yung babae na may gusto sa kanya ito." Oooh~ Gago talaga yang Mumford na yan. Aish. Naiiyak ako. Bat niya ginanito kaibigan ko? Ako nga di ko kayang paiyakin yan eh. Siya pa kaya na mukang kulangot?!
"Ano ba yan. Wala ka sa teleserye. Talagang nagbabad ka pa sa ulan ah? Kahit kailan talaga. Kahit nasasaktan ka na. Gagawa at gagawa ka pa rin ng kalokohan mo." Sino na naman kasing babae ang magpapaulan dahil trip niya lang? Para ramdam niya yung page-emote.
"Magbihis ka na. Kuha ka nalang ng damit diyan sa closet ko. Mag shower ka na rin" Sabi ko habang hinahanda yung kama. Buti nalang marami akong unan dito at kumot dahil madalas din siyang matulog dito sa bahay namin.
Bigla akong napaisip. Bat kaya nagawa ni Mumford yun? As far as I know mahal na mahal niya si Gab. He even sacrificed a lot for his lover. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala kaya tinawagan ko siya.
*Dialing Clark Labi*
[Why?]
Why why pa siya diyan ha?! Putukin ko talaga yang labi niyan pag nakita ko siya. Aish."Kamusta kayo ni Gab? Natatandaan mo pa naman siguro yung sinabi ko sayo bago ka niya sagutin diba? Madalas kong ipinapaalala sayo na wag mo siyang sasaktan diba? Nagawa mo ba?" Hanggat maari pinipigilan ko na sigawan siya.
[Okay naman kami. Nagawa ko naman na wag siyang saktan. So pwede ko ba siyang iwan?] Tanginang Mumford to.
"Gago ka ba? Iniwan ka na niya. Kasi ano? Sabi mo di mo na mahal. Juice colored. Bat ka ba ganyan kasama? Unang una palang pinili mong ligawan yan. Tas sasaktan mo lang sa huli?! GAGO KA. PAKYU!" Sabi ko saba end ng call. My gosh. Pinapainit niya ulo ko ah. Sabi nila pag daw umiinit ang ulo lalaki. My gosh kapag lumaki ulo ko talagang mapapatay ko na yang Mumford na yan. Clark Mumford wait for my biggest pasabog.
"Paano ka nakipagbreak sa kanya?" Sabi ko habang inaayos yung pagkakahiga ko.
Dito ko na siya pinatulog. Kahit na pag gising ko sa umaga nasa lapag nanaman ako."Through text. Di ko siya kayang harapin eh. Basta one time sinabi niya sakin na may iba na siyang gusto at ayaw na niya sakin. Nung una nagbulagbulagan ako. Pero habang tumatagal nakakalimutan ko na maging ako. Ayokong sabihin to sayo kasi alam kong magbi-beast mode ka. Ayokong prolemahin mo yung mga problema ko-" maiiyak na siya kaya umextra na ko. "Sinong nagsabi sayo na poproblemahin ko yun? Duh. You're so feelingera."
Gabriella Adison Stone's POV,
"Sinong nagsabi sayo na poproblemahin ko yun? Duh. You're so feelingera." Grabe talaga to. Alam kong pinapagaan niya lang yung loob ko. And Im so thankful kasi she is always there for me.
"Manahimik ka muna. Magsasalita muna ako. Yun nga ayaw kong problemahin mo yung mga problema ko. Ayoko namang magpakaselfish. Araw araw akong nakangiti sa harap niyo pero ang totoo niyan nasasaktan na ako." I said while wiping my tears. Ramdam ko pa kasi yung sakit. Mahal na mahal ko kasi talaga Clark pero katulad ng iba marunong din naman akong mapagod.
"Kailan pa to?" Sabi niya. Di ko alam kung ano yung itsura niya. Nakatalikod kasi siya sakin. Ganyan talaga yan pag nakikita nya kong umiiyak. Ang arte.
"Anong kailan pa?" Medyo naslow ako dun.
"Tanga. Slow. Kailan mo pa nalaman na di ka na niya mahal?" Sa tanong niyang yan napahinto ako sa paghagulgol pero patuloy paring bumubuhos yung tubig sa mata ko.
"After our 4th monthsary" I mumbled. Ang tagal na pala. Ang tagal ko ng nagpaloko.
"What the fuck Gabriella Adison! So 6 months kang nagpakatanga sa kanya? Sobra sobra na yun. Paano mo nakayang magpanggap ng ganyang katagal? How? Bat di mo man lang sinabi sakin ng nasapak ko yang Clark na yan." Sabi niya na nakatayo na ngayon sa harapan ko. So umupo ako then yumuko.
"I know na tanga ako. Napakatanga ko para magpaloko sa laro niya. Napakatanga ko." I'm crying like a baby right now. Gusto kong ipagsigawan sa lahat kung gano ako nasasaktan dahil sa kanya.
"Shhhh" Kate just hugged me. A simple hug but I know naman na ayaw niya akong nasasaktan. Because I'm her best friend.
"Di ko alam kung pano mapapawi yang sakit sa puso mo. Di ako sanay magcomfort alam mo yan. Ang tangi ko lang magagawa is to hug you tight right now. Wag kang mahulog sakin par ah. Di tayo talo." She chuckled. Kahit kailan talaga to. Ayaw magseryoso kapag kausap mo. Pero okay lang yung ganto. Parang wala lang nagbibiruan lang kami. Masaya kami. Masaya ako. At sana pag gising ko di matanggal yung saya na nararamdam ko.
"Hay nako. Matulog na nga tayo. Kasalanan mo yan eh! 4:00 na pero di pa tayo natutulog. Juice colored. Masisira beauty ko niyan." I just smile.
Habang nakahiga kami. Di ko maiwasang mapaisip kung bakit ako niligawan ni Clark, kung sasaktan niya rin naman pala ako sa huli? Para lang siyang nagtapon ng efforts niya nuon.
Bat agad agad siyang nakalimot sa pangako niya sakin? Bakit siya nahulog sa ibang babae kahit na kami pa? Ang gago talaga ng mga galawan niya. Aish.
Kung titingnan niyo parang di ako ganong nasaktan pero basag na basag talaga puso ko. Di ko nga alam kung anong dapat kong isipin ngayon eh. Kung anong gagawin ko kapag nakasalubong ko siya sa school. At di ko alam kung paano ko siya haharapin lalo na at seatmate kami.Natatakot kasi ako na bigla nanamang maging tanga sa harap niya.
I sigh
"Gabriella. May nagustuhan na bang iba talaga si Clark? Sino?"
Kailangan ko pa bang sagutin yan. Sigh
"Violet Kendall Ashbridge.
Your sister"
---
An: MitsukiSayuri HAHAHA. That sariling sikap tho. Salamat salamat salamat.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's X
Novela JuvenilKaya ko bang magmahal ng taong hindi sa akin? Kaya ko bang isakripisyo ang lahat para lang sa aking iniibig? -Kate Ashbridge