YSHANA'S P.O.V
"One week na tayong nandito sa loob ng convenience store, hindi ba tayo lalabas?" Sabi nung lalaking kasama namin dito.
"Kung gusto mong lumabas ikaw na lang, hindi mo ba nakikita 'yung mga zombie sa labas? Hindi ka ba natatakot?" Si Samara.
"Kaya nga magtutulungan tayo." Sabi nung lalaki.
"Hindi kami interesado." Si Samara.
"Hindi na tayo matutulungan dito, wala nang dadating na tulong dito. Kung hindi tayo kikilos dito mamatay tayong lahat." Sabi nung lalaki.
Bata, mag asawa, matatanda, yung lalaki at kami ni Samara ang nandito sa loob ng convenience store.
Nagpaplano na nga silang umalis at kinabukasan tuluyan na silang umalis.
Kami na lang ni Samara ang natira dito.
1 week later.
Nandito pa rin kami at nauubusan na kami ng pagkain at tubig.
"Hindi na ba talaga sila dadating? Wala nang tutulong satin?" Ako.
"Yshana, kailangan na nating umalis dito, nauubusan na tayo ng pagkain." Si Samara.
"Paano? Natatakot ako." Ako.
"Natatakot din ako, pero kailangan na nating umalis dito." Si Samara.
"May pupuntahan tayo, maliit na village 'yun, medyo malapit dito, baka may mga tao doon." Dugtong pa ni Samara.
"Pero paano tayo lalabas dito?" Ako.
"Mamayang gabi aalis tayo dito." Si Samara.
Agad naming inalis 'yung mga notebook namin sa bag at nilagyan namin ng mga pagkain at tubig 'yung bag. Ang problema ay wala kaming panlaban sa mga zombie.
Nung nagsimula ang kaguluhan ay galing kaming university at pauwi na, pero nagkalat 'yung mga zombie kaya dito kami napadpad.
"Ang gagawin lang natin ay tatakbo, parang hinahabol lang tayo ng aso okay?" Si Samara.
"What if mas mabilis 'yung mga zombie?" Ako at natawa naman si Samara.
"Wag ka ng mag what if dyan, hindi kita pababayaan, madami na kong alam sa mga zombie kakanood ko ng mga movies, hahaha, mag ready ka na." Si Samara at medyo nabawasan naman 'yung kaba ko.
Kinagabihan.
"Ready ka na ba?" Si Samara.
"Oo, ready na akong mamatay." Ako at natawa.
"Gaga." Si Samara at tumawa rin.
Hinawakan nya ako sa kamay at dahan dahan kaming lumabas ng convenience store.
"Raa..wwrr.. gra..wwrr.."
"Rawwrrr.. raw..wrr.."
Tanging mga zombie lang ang naririnig namin at sobrang tahimik ng buong paligid.
Nagtago muna kami sa likod ng van.
"Ang dami nila." Mahinang sabi ni Samara.
"Saan tayo dadaan?" Ako.
"Doon sa may bakod, aakyat tayo doon, kaya mo ba?" Si Samara.
"O-oo..." Ako.
"Na try mo na ba dati?" Pagtatanong ni Samara at nagulat na lang ako nang bigla nyang takpan 'yung bibig ko nung magsasalita na ako.
"Grawwrr.. rawrr.." Yung zombie at mabagal na dumadaan sa harap namin.
Sobra akong kinabahan nung makita ko 'yun. Tanggal 'yung dalawa nyang mata.
BINABASA MO ANG
Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)
HorrorHindi inaasahang pangyayari... Hindi ligtas ang lahat.... Manatili ka kayang ligtas at buhay sa ganitong sitwasyon?