CHAPTER 25

39 3 2
                                    

YSHANA'S P.O.V

Tuluyan na ngang nakalapit sa'min si na Samara at nakita ko namang dumudugo yung sugat n'ya.

Tiningnan ko naman si Seven at nakatingin s'ya sa kamay ko na nakahawak sa braso ni Shan, kaya naman agad ko yung inalis at lumapit ako kay Samara.

"Okay ka lang ba?" Pagtatanong ko kay Samara at tiningnan yung sugat sa balikat n'ya.

"Oo okay lang ako, nag ka problema lang kanina kaya tumunog yung alarm... nadali ko dahil sa zombie, kasalanan ko 'to." Sabi ni Samara.

"Hindi, hayaan mo na 'yon... kailangan na nating makaalis dito." Sabi ko sa kan'ya.

"The fuck, nand'yan na sila." Sabi ni Shan kaya napatingin sila kay Shan at lumingon sa likuran nila.

"Rawrr!"

"Grawwrr!"

"Rawrr!"

"Kraaghh!"

"Grawr!"

"Raahh!"

Yung mga zombie at tumatakbo na papunta sa direksyon namin.

"Sumunod kayo sa'kin." Sabi ni Shan at tumakbo papunta sa isang room kaya sumunod kami sa kan'ya. Nung makapasok na kaming lahat ay agad iniharang ni na Seven at Akiro yung table na nandito sa pinto at nag simula nang kalampagin nung mga zombie yung pintuan.

Ibinaba naman ni Shan si Mina sa may higaan.

"Shan? Ano pala yung sinasabi mong isang way para makalabas tayo dito?" Pagtatanong ko sa kan'ya.

"Uh, tatalon tayo d'yan sa bintana." Sabi ni Shan.

"Ha? Tatalon sa bintana?" Pagtatanong ni Samara.

"Oo, ayan na lang yung way para makalabas tayo dito... babagsak naman tayo sa likod ng truck at yung babagsakan natin ay mga basurang galing din dito sa hospital, more on mga pinaggamitang bed sheets at mga iba pang basura na hindi matitigas, don't worry na try ko na yan ng ilang beses... malambot yung babagsakan n'yo trust me." Sabi ni Shan, kaya nag tinginan kami.

"Hindi ba tayo mamatay? Third floor 'to, natatakot ako." Si Samara.

"Hindi, malambot yung babagsakan natin doon, sabi ko nga ilang beses ko ng na try kaya mag tiwala kayo sa'kin." Sabi naman ni Shan.

"Kung ganon, ikaw ang mauna." Si Akiro.

"Okay okay, I'll go first then bahala na kayo kung sino yung susunod." Sabi ni Shan at inihagis na n'ya yung shit gun n'ya tapos hindi na s'ya nag dalawang isip pa at tumalon na agad s'ya.

Napasilip naman kami doon at safe naman s'yang bumagsak. Nag sign na s'ya na sumunod na kami.

Nagulat naman kami ng biglang kumalampag ng malakas yung pinto.

"Bilisan na natin, sinong susunod? Ayokong mauna." Sabi ni Samara.

Nag katinginan pa kaming lahat.

"A-ako na ang sunod." Sabi ni Mina kaya napatingin kami sa kan'ya.

"Hindi, ako muna tapos saka ka na lang sumunod." Sabi ni Ara.

Lumapit na nga si Ara sa may binata at agad naman s'yang tumalon.

Naka land din s'ya ng safe.

"A-ako na." Si Mina at sinubukan na n'yang maglakad.

"Kaya mo na ba?" Pagtatanong ko sa kan'ya at nilapitan ko s'ya.

"Oo kaya ko 'to." Sabi ni Mina.

"Ako na lang uuna." Sabi ni Akiro kaya napatingin kami sa kan'ya.

"Ako na lang uuna para maayos ko yung babagsakan ni Mina." Sabi ni Akiro at tumango naman kami.

Zombie Apocalypse - Bad Blood (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon