The Wedding

3 0 0
                                    

Monique POV :

Isa yata sa pangarap ng isang babae ang magkaroon ng isang magarbong kasal. Bukod kasi sa isang beses lang ito mangyayari sa buhay mo, ito din ang araw kung saan legal na kayong magsasama ng lalaking mahal mo.

Nag-umpisa na kaming maglakad ni Papa at Mama papunta sa altar, nakatayo doon ang lalaking aking mapapangasawa. Titig na titig sya sa akin pero hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nya.

Parang gusto ko ng umurong...

Bumalik sa alaala ko, kung paano at bakit ako napunta sa sitwasyon ko ngayon.

Ang magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal.


************************************

Flashback..

Nasa bar ako, umiinom mag-isa! Sa dami naman kasi ng babaeng pwedeng maloko. Bakit ako pa?

Oo, niloko ako! Niloko lang naman ako ng boyfriend ko. 5 years na kami. Tapos anniversary namin at naisipan ko syang isurprise sa condo nya pero ako pala ang nasurprise! Dahil nahuli ko sila ng bestfriend kong magkapatong sa kama. Ang sakit!Wala ng mas sasakit pa, sa lokohin ka ng mahal mo. At higit sa lahat pinagpalit kapa sa bestfriend mo!

At ayun nga ang dahilan kung bakit ako nagpapakalango sa alak.

May isang lalaking lumapit saken.

"Hi."

Nilingon ko sya, pero feeling ko lahat ng lalaking makita ko manloloko na sa paningin ko.

Inirapan ko lang sya.

"Ang sunget mo naman." Pacool na sabi nya.

"Anong paki mo?" Galit na sagot ko sa kanya bago ako dumukdok.

"Tss. Broken hearted ka no?"

Nag-angat ako ng ulo at tinignan sya ng masama.

"Ano ba kasing pakialam mo! Dun kana nga! Hindi ko kailangan ng kausap at lalong hindi ko kailangan ng lalaki!" Bulol-bulol na ang sagot ko.

Hinagip ko ang baso ng alak at akmang kong iinumin pero biglang may isa pa uling lalaking umagaw sa kamay ko.

"Hey!bakit nakikialam ka pre?" Galit na bulyaw nung unang lalaking lumapit sa akin.

"She is my girlfriend. Let's go!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko, at nagulat ako noong hagipin nya ang kamay ko at hinatak palabas ng bar.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya kahit pasuray-suray na ang lakad ko dahil sa kalasingan.

Noong makarating kami sa parking lot.

Hinatak ko ang kamay ko.

"At saan mo ako dadalhin?"

"Hindi mo ba alam ang ginagawa mo? May nilagay na powder yung lalaki sa inumin mo. Then what? Pagsasamantalahan ka nya kapag nawala kana sa ulirat! Anong klaseng babae ka!"

Nagulat ako sa sinabi nya. Mabuti na lang pala at nakita nya.

"And ikaw? Anong binabalak mo saken? Malamang kagaya din ng binabalak nung lalaking yun."

"Tss. Whatever! Bahala ka sa buhay mo." Tumalikod na sya, at akmang sasakay sa kotse nya.

Nung magdilim ang paningin ko.


****************************************

Narrator's POV :

Dahan-dahang inilapag ni Justine si Monique sa kama. Dahil sa kalasingan ng babae, pinakialaman na lamang nito ang bag neto para maiuwe sa sariling apartment neto.

Nakita nya ang address pati na ang susi ng bahay ng dalaga.

Nagmulat si Monique noong maibaba sya ni Justine. At mabilis na hinagip ang kuwelyo ng damit neto.

Nawalan ng balanse ang binata at napadagan sa ibabaw ni Monique.

Ngumiti si Monique sa kanya ng mapang-akit.

"Salamat kanina ha"

Nag-iwas lang ng tingin si Justine, dahil sa awkwardness ng posisyon nilang dalawa. Pero mas hinatak sya ni Monique dahilan para magdikit ang labi nila.

Akmang tatayo na si Justine ng itulak sya ni Monique at ito naman ang pumatong sa ibabaw nya, bago siya hinalikan sa labi at leeg.

"Miss wait lang, lasing ka lang."

Tinitigan sya ni Monique at inilapat ang daliri sa labi neto.

"Psshh.. Kaya ko din to"

Napakunot ang noo ni Justine, at inumpisahan na ulit syang halikan ng dalaga.

Dahil sa kapusukan ng dalaga nadala si Justine at nangyari ang hindi dapat mangyari.

Pero laking gulat ni Justine dahil sya pala ang nakauna sa dalaga.

Ang isip nya kasi, dahil sa pinapakita neto ay hindi sya ang nakauna sa dalaga. Pero nagkamali sya.

After MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon