"Yu, nand'yan na naman ang mga fan girls mo. Iba talaga ang gwapo, eh, nagkakaroon ng fans club," my teammate, Simon Costales, teased.
We were in one of the stadium's locker rooms prepping for the game.
"Hindi ko naman sila fan girls, fans sila ng team."
"Asus, pa-humble pa itong si Greg, eh. Kaya pala may malaking banner silang dala-dala. Ano nga bang nakasulat d'un Forever Yu & I yata," Raymond Alcala seconded.
"Nakita ko rin 'yun. Parang title lang ng kanta, eh. Tunog love song."
They all laughed and I laughed along. I wouldn't normally tolerate teasings but I could sense how everyone was nervous so I willingly allowed myself to be the subject of their forced merriment.
Kabadong-kabado itong mga 'to...
"Ang balita ko dapat si Simon ang hahangaan ng mga 'yan, eh, kaso last season nagka-girlfriend naman. Napunta tuloy sa akin," I jokily said.
"Last season may girlfriend, this season single ulit."
"Tarantado 'tong si Valencia. At ikaw, Yu, alam naman nating lahat na simula't sapul ay ikaw naman talaga ang tinitilian ng mga 'yun. H'wag mo na akong idamay d'yan," Simon replied good-naturedly.
"Oo nga naman, Yu, kunyari pa 'to na hindi n'ya alam, eh."
"Pa-humble rin itong si Wilbert Enriquez, eh. Para bang wala s'yang pa-banner ng Wil You Marry Me? n'ung nakaraan," I countered.
"Prank 'yung sa akin, Yu, itong sa'yo totohanan."
I couldn't remember when those girls started coming to our games. Aminado naman akong na-flatter ako n'ung una na may mga babaeng nakakapansin sa akin dahil sinong lalaki ba naman ang hindi? Pero, n'ung lumaon ay medyo naramdaman ko ang pressure ng pagkakaroon ng mga admirers. Mahirap pala kasi kapag natalo ang team n'yo, ang dami mong ma-di-disappoint. Hindi na lang 'yung team mo ang kargo de konsensya mo ngayon, kundi 'yung mga fans mo pa.
Ang isa pang problema, they expected me to win the game, look good while doing it, and at the same time accommodate their admiration, which, would have been easy if I had the time.
"Pumili ka na ng isa d'un, Yu, para tumahimik na sila. Panigurado kapag meron ka nang girlfriend ay hindi na sila buntot nang buntot sa'yo."
"Bakit naman pipili ng isa si Yu, Santos, eh, pwede naman n'yang piliin lahat? Kahit ako man ang nasa sitwasyon ni Yu, wala akong pipiliin dahil mas gugustuhin ko nang maging boyfriend nang marami kaysa pag-aari ng isa."
"Manyakis ka kasi Guzman," Simon kidded. "Mukha bang kapareho mo ng karakas itong si Greg?"
My teammates boisterously laughed at his quip.
"Pero, seryosong tanong, Yu, kahit isa pa wala kang gusto sa mga 'yun? Marami namang may hitsura d'un, ah," another teammate, Mark Guzman, asked.
"Guzman, mukha ba akong may oras mag-nobya?" I asked back. "Sa dami kong ginagawa, sa tingin n'yo talaga ay magkaka-oras pa akong manligaw?"
"Bakit naman kasi masyado kang masipag Yu? Hindi na tama, ah, na sa sobrang busy mo ay hindi ka na pwedeng magkaroon ng girlfriend. 'Ika nga, all work and no play makes Greg a dull boy."
"Oo nga, Yu, hindi lang naman ikaw ang working student dito, kaming dalawa ni Maravilla ay working students din pero may oras pa rin naman kaming gumala. Ikaw, parang buong linggo yata ay may ginagawa ka. Student assistant ka, nag-tu-tutor ka pa ng mga Koreano, at su-ma-sideline ka pa sa isa sa mga restaurants malapit sa Uste. May binubuhay ka bang mga anak at asawa na hindi namin alam?"