Chapter 2

25 16 2
                                    


Pagkapasok namin sa restaurant agad kaming inassist ng waiter papunta sa table namin na nakareserve pala. Binigay sakin ni Jaze yung menu "Order whatever you want my treat"
nakakahiya naman magsabi kaya sinabi ko nalang kahit ano, he ordered pork ribs with mash potatoes as the side dish, ang ganda ng restaurant na to may mini bar at stage pa, 'Ashiendra's family owns this place palagi kami dito nakatambay nina Gavin' oh kaya pala mukhang mamahalin si Ashiendra. After about 20 minutes our order was there we just ate, the pork ribs was so yummy, ayain ko kaya dito minsan si Yesha at Clea. We were about to leave but Jaze pulled my hand back to my chair.

'Teka lang tutugtog sila, makinig tayo bili magaling yang banda na yan' proud na proud na pagkasabi ni Jaze, tumango nalang ako, bago sila magstart ay lumapit si Jaze sakanila mukhang magkakilala na sila ah, ay syempre sino banaman hindi kung palagi ditong nakatambay "Gooafternoon everyone we are Ctrl S, I hope you'll all enjoy our performance have a nice meal! lezzgo" they played the first song 'Bawat Piyesa' by muni-muni.

'Anong gagawin kung wala ka? Dito ka nalang habang buhay" this hits different sayang di ako makarelate chz, they finish the first song and everybody was clapping for the next song they played 'Ikaw Lamang' by silent sanctuary, they were very talented indeed "Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta" hopeall relate, tumingin ako kay Jaze who was so focused ang ganda pala ng side visuals niya, for the next few songs they played "Hanggang kailan" by Orange and Lemons "KLWKN" by music hero "Tagpuan" by Moira Dela Torre,

for the last song I was shocked they called Jaze up to the stage to perform, "Uh hi i'm Jaze im going to be playing Maybe The Night by Ben&Ben, this song reminds me of the person I like who idolizes this group and it's her favorite song among all, I hope you like it" gosh pano niya alam na fav song ko to? sinastalk niya ba socmed ko? ew stalker!

As he plucked and strummed the guitar his voice was so soothing and mesmerizing, ang sarap pakinggan ng bosses niya I didn't know na magaling pala siya kumanta at mag gitara. I videotaped his performance para mapakinggan ko ng paulit ulit, ang ganda kasi ng bosses niya 'Maybe the night, holds a little hope for us dear maybe we might, wanna settle down just be near stay together" as he ended he got a standing ovation, everybody was clapping and cheering he smiled and thank them "Was it good?' he asked natulala ako sakaniya, I didn't know what to say 'Ah okay naman' he just chuckled, he payed for the food and we went out na.

I thanked him for treating me a meal, habang naglalakad kami parang hindi siya mapakali kanina pa siya sa restaurant may hinahanap ba siya? "Whats wrong?" I asked 'Uhm, kanina ko pa kasi hinahanap id mo hindi ko makita sa bag at pocket ko bibigay ko sana sayo after ko magperform kaso nawawala" huh? akala koba pinapabigay niya sakin ung id kanina kay Ashiendra? I grabbed my id in my bag and showed it to him, he looked quite shocked "Saan mo yan nakuha? kinuha moba yan sakin kanina?" 'Hmmm? Si Ashiendra nagbigay sakin nito kanina sa canteen sabi niya pinapabigay mo daw" he was quite confused but he didn't say anything.

Awkward silence as we were walking I couldn't budge to say a word to him, I was quite uncomfortable kasi nga kakameet palang namin but he's fine naman "San bahay niyo? hatid na kita" I hesitated nakakahiya naman sakaniya, 'Wag na kaya ko naman mag isa' he just nodded, it was getting so awkward so I took my phone and called Yesha pretending that she called me for an emergency "Omg hala ano nangyari??!?! sige pupunta nako jan"
I ran as fast as I can without even looking back "Mikayela" he shouted "Mikayela" he shouted again until I didn't hear his voice na, I was panting I went to seven eleven to hide, phew that was over.

I got home around 6 pm I showered and just watched netflix wala pa sina mommy at daddy tinamad nadin ako magprepare ng food kaya I skipped dinner nalang and besides busog pako sa kinain kong pork ribs kanina. I just layed on my bed wala na akong ginawang assignments dahil tinapos ko ito kaninang break, I took my phone and I was shocked, 10 messages from Jaze.

"Anong nangyari?"
"Are you ok?"
"Chat me if you got home"
"I'm worried"
"Mikayela did you get home na?"
"Mikayela"
"Hello?"
"are you home yet?"
"it's getting dark na"
"were are you?"

I didn't know what to do kaya hindi ko nalang nireplayan and I got back to watching netflix.

Kinabukasan was just an ordinary day for me, hindi kami nagkita nina Clea because of schedule. Nagmeeting kami for journalism kasali ako sa photojournalist, ako ang naka assign magpicture para sa sportsfest namin na gaganapin next week, kasama ko kaibigan kong si Kyline para magpicture at mag document sa event na yon.

Afterclass nag aya sina Yesha kumain ng street foods sa harap lang ng school namin. Ang daming estudyante ang nakatambay dito pag uwian kaya siksikan kami. Habang bumibili sina Yesha nakita ko nakatambay sina Jaze sa gilid kumakain ng fishball at kwek-kwek, nakita naman ako kaagad ni Gavin kaya kinawayan niyako, ang talas naman ng mata niya nginitian ko nalang siya at tumingin sa ibang direksyon para hindi na niyako mapansin, maglalakad na sana kami ng biglang
may tumawag sakin "Miss Independent!" kakairita naman si Gavin lumingon ako sa kinaroroonan nila andon silang tatlo si Jaze, Ashiendra at Gavin. Agad naman pumunta si Yesha sakanila, sumunod naman si Clea kaya napilitan akong sumama sa kanilang dalawa. habang nagdadaldalan sila bigla nalang tumingin sakin si Gavin at nguminiti, hawak hawak niya ang stick niya at sinubo ang natirang kwek-kwek sa baso na hawak ko "Thank you" tinignan ko siya ng masama kaya nagtago siya sa likod ni Jaze "Pre yung crush mo oh nakakatakot" binatukan ni Jaze si Gavin "aray ko ah, paguidance kita jan eh"

Nanahimik nalang ako at nagselpon habang sila ay kumakain at nag uusap, maya maya may biglang pumunta sakin "Kwek-kwek mo, pagpasensyahan mona kaibigan ko ah tumakas kasi yan sa mental eh" nasa harapan ko si Jaze na may hawak hawak ng baso ng kwek-kwek, "Yie sweet niyo naman, ako din gusto ko din ng kwek-kwek kinuha kasi ni Ash yung sakin eh" pang aasar ni Gavin, kinuha ko nalang yung binigay niya sa akin na kwek kwek sayang kasi eh. Pagtapos non nagsi uwian na din kami, dumaan muna ako sa school supplies para bumili ng materials sa project namin.

For the past few days naging buisy kami for the event, nagpeprepare sila sa stage for the pageant na gaganapin sa monday, pagtapos non ay ang opening ng sportsfest namin ako ang team captain sa section namin kasi ako lang ang marunong sakanilang lahat.

Friday, most of the students ay nag papractice na para sa sportsfest, yung iba naman ay abala para sa pageant representative pala namin si Clea, maganda naman siya at artistahin saka bukod don matalino din. Breaktime namin ngayong hapon kaya nag aya sina Clea magvolleyball sa field. Papunta na kami don nakita ko na nagpapractice na ang kabilang section. Nakita ko din doon si Ashiendra at Averi kasama ang isa pa nilang kaklase, inaya ni Averi kami maglaban at pumayag naman sina Yesha.

Nagstart na ang laro at lamang na kaagad sina Averi, hindi namin mahabol ang bola sa sobrang lakas ng pagtira nila "Okay kalang Kaley?" nag aalalang tanong ni Clea nasubsob kasi ako ng hinabol ko ang bola okay lang naman atleast naka puntos kami. 10-18 lamang sila ng eight points first set palang umaayaw na yung dalawa nagsisi daw sila na sumali ng sportsfest, may plus points kasi kami sa MAPEH pagsumali kami ng sportsfest, eh uhaw na uhaw sila sa plus points kaya naisipan nilang sumali. 15-25 ang naging score sa first set hanggang 3 sets lang kami kaya panalo na sila kung nakuha nila ang second set. pumunta muna si Yesha sa canteen para bumili ng tubig kaya kami ay nagpahinga muna sa kubo malapit sa field. Second set na at nakakalamang na kami, habang patagal ng patagal ay gumagaling na sina Yesha at Clea mag set, serve at receive habang ako naman ay nakakapuntos sa pag spike ko, 25-21 four points ang lamang namin sakanila sa second set kaya mas naging intense ang last set. Dikit ang laban  at marami na ang nanonood sa amin. 16-18 ang puntos lamang sila ng dalawang points sa amin, pagka spike ni Ashiendra ay tumama sa mukha ko ang bola kaya napadapa ako, agad naman pumunta sina Yesha at Clea sa akin pero sinabi ko naman na okay lang ako.

Si Ashiendra ang magseserve kaya naka position na kami, pagkapalo niya sa bola ay tumama nanaman sa mukha ko, napahiga ako sa sobrang lakas ng impact ng bola sa akin, naging blurry na rin ang vision ko pero conscious pako at naririnig ko sila. May narinig akong lalake na pumunta sa akin at binuhat ako.

Hindi ko siya namukaan at nakapikit na ang mata ko sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Mikayela okay kalang?"

____________________________________

Sunset With YouWhere stories live. Discover now