GabRian Car Scene (kissing)

426 3 1
                                    

"Gabriel patawarin mo ko" agad naman siyang hinarap siya ni Gabriel na kanina pa pinipigilang tumulo ang luha niya.

"Boss patawarin mo ko" at hindi na kayang pigilan pa ni Gabriel ang kanyang mga luha kaya tuluyan na silang nagtuluan  kasabay ng pag hawak ni Gabriel sa magkabilaang pisngi ni Marian at dahan dahan inilapat nila ang kanilang mga labi.

Tumagal ang halikan na iyon na 2 minuto . Oo 2 minuto sa maikling oras lang nayon ay naramdaman nila na mahal na mahal parin nila ang isat isa , sa kabila ng lahat ng pagsubok na tinahak nila ngayon nalang uli sila naglakas loob na ilabas ang kanilang mga damdamin.

Sandaling tumigil naman si Marian at tinignan si Gabriel.
"Gabri..." Hindi niya naituloy ang sasabihin bagamat sumagot agad si Gab.

"Shhhh nandito nako sa tabi mo boss hindi ko na hahayaan pang umalis ka sa tabi ko , Aayusin ko to . Aayusin ko ang pamilya natin. Mahal na mahal kita" Pagkatapos nayon ay muli niyang hinagkan si marian.

......

Nang marating nila ang bahay nila ay pareho silang tahimik na bumaba at parang walang nangyare sa kanilang dalawa kanina.

"Marian nandito na daw ang bunso natin naghihintay sa loob. Halika na" hahawakan sana ni Gabriel ang kamay ni Marian pero agad iniwas ito ng asawa.  "Hindi ka pwedeng umiwas sakin Marian , may mga anak tayo" dagdag ni Gabriel

"Tara na sa loob ,naghihintay na mga anak mo" walang ekspresyon na saad ni Marian

Habang papasok sila sa kanilang bahay ay agad naman silang sinalobong ng yakap ng mga anak .

"Nay, Tay" sabay sabay nilang sabi .

Natutuon nila ng tingin si Vince na nasa gilid.

"Bunso , nakabalik kana" mangiyak ngiyak na lumapit si Marian sakanya at agad na niyakap ang anak.

"Sorry po, ng dahil sakin nadisgrasya po kayo . Sorry po Nay Tay" hindi naman makapaniwala ang mag asawa sa tinawag nito sa kanila dahil ngayon lang niya binanggit ito kaya dali daki silang nagyakapang tatlo , at sumonod naman ang dalwang magkapatid.

Pagkatapos nilang kumain ay lumabas muna si Gabriel upang magpahangin at para makapag isip isip kung paano niya sisimulan ang lahat. Nakita naman ni Marian mula sa loob na malalim ang iniisip neyo kaya agad niyang nilapitan ang asawa.

"Gabriel gabi na hindi kapa ba uuwe? Baka hanapin ka ni Roni?" Hindi malaman ni Gabriel kung concern ba ito o nagagalit.

Tinignan lang siya ni Gabriel at ibinalik ang tingin sa kung saan sya nakatingin kanina.

"Maniniwala kaba kung sasabihin ko sayong matagal na kaming hiwalay ni Roni?" Saad ni Gabriel

"Hindi! Bakit ako maniniwala eh nong huli naming pagkikita kung ano ano ang binato niya  saking masasakit na salita , sinabihan niya akong malandi sa harap ni mike" medyo pagalit na sagot ni Marian

"Hiwalay na kami" iyon lang ang isinagot ni Gabriel

Hindi makapaniwala si Marian sa sinabi nito. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maaawa sa lalaki.

"Pumasok kana sa loob at matulog kana Marian alam kong pagod ka, sige na" utos niya kay Marian

"Sige" sumunod naman si Marian dahil totoong gusto na niyang mahiga at matulog.

.....

Maghahating gabi na kaya mahimbing na ang tulog ni Marian ng biglang may kumatok sa kwarto niya. Hindi naman sya bumangon agad at tinignan ang oras . Sino naman kaya itong kumakatok.

Chardawn OneShot CollectionWhere stories live. Discover now