"Emily? hindi mo ba kakaupin si Marco? kanina pa siya nasa baba naghihintay sayo . " nalungkot si manang henya sa sagutang naganap kanina.
"Manang henya nasabi ko na po ang dapat sabihin kanina sa kanya. " -Emily
"Hindi parin siya umaalis emliy, kilala ko si marco . kapag sinabi niyang hindi siya aalis,hindi talaga yun aalis" -Manang Henya
"Kilala ko rin siya Manang henya, hayaan niyo po sya aalis din yan mamaya" -Emily
..
"Marco , umuwi kana . hindi na bababa si Emily para kausapin ka " -Manang henya
"Tita hindi ako aalis dito , hinding hin...." natigilan si marco ng biglang sumingit si Emily.
"Manang henya iwan ninyo muna kami" deretsyong saad ni Emily agad naman siyang umalis
"Emily"
"sinabi kona sayo kanina na umalis kana! ano pang ginagawa mo dito ? hanggang ngayon matigas parin ang ulo mo marco" sarkastikong sagot ni Emily
"mag usap tayo ng maayos emily, "
"para saan? para saan pa marco"
"para sa ating dalawa , gaya nga ng sinabi ko sayo kanina dahil mahal kita" paliwanag naman niya
"sige, pero dapat pagkatapos na pagkatapos nating mag usap umalis kana . masyado ng malalim ang gabi marco . nakakaabala kana" sarkastikong sagot niya at naglakad sa likod ng bahay at agad naman siyang sinundan ni Marco
"Emily" mahinahon na sabi ni Marco
"ano pa bang pag uusapan natin marco"
"alam ko ,nagkaanak tayo"
para namang binuhusan ng malamig na tubig si emily sa sinabi ni marco
"Marco ano bang sinasabi mo?"
"Emily please gusto ko siyang makilala" makaawa naman niya
"hindi mo alam ang sinasabi mo marco"
"alam ko emily. alam ko at wala ka ng dapat itago saakin dahil alam ko. nasaan ang anak natin at bakit mo siya itinatago sakin? may karapatan akong makilala siya emily bakit hindi mo ako mapagbigyan? tatay ako nong bata"
parang pumintig naman sa tenga ni emily ang sinabi ni marco
"tatay ka niya? sino nag sabi? nong nabubuntis ako nasaan ka? nasaan ang tatay niya? WALA SIYANG TATAY MARCO WALA!! "
"dahil hindi mo sinabi sakin na nagdadalang tao ka"
"bakit hindi ko sinabi? alam mong may nangyayare sa atin nong mga panahon nayon . anong ineexpect mo? "
hinawakan agad ni marco ang mga kamay niya
"gusto ko siyang makilala gusto kong ayusin ang pamilya natin"
nakatingin lamang sila sa isat isa
"emily nagmamakaawa ako sayo" at hinalikan ang mga kamay neto
hindi naman mapigilan ni Emily na mapaluha . Naaawa siya kay marco na hindi.
"bumalik ka dito bukas ,ipapakilala kita"
agad niyang tinanggal ang mga kamay niya kay marco at tumayo
"pwede ka ng umalis marco. bukas nalang uli" at agad niya itong tinalikuran
hindi naman nakapag salita si marco at hinayaan niya na lamang si emily na umalis. Wala rin naman siyang balak umalis dahil siguro na eexcite siyang makilala ang anak niya sa kotse nalang siya matutulog. Nakaupo lang siya sa bench nakatingin sa mga bituin ng biglang may nagsalita sa likod niya