02

289 9 0
                                    

Unang araw sa college ng mga students ngayon. May mga freshman, mga bagong students katulad ni Leni. May mga bagong mukha pero hindi iba sa tao, katulad ni Bongbong. Meron namang mga students na hindi na talaga bago dahil doon na sila nag aral simula pa noon.

Pumasok si Bongbong sakay ng kanyang Ford Granada. Sa edad niyang 19 ay dapat patapos na ito ng college sa Pinas ngunit iba ang curriculum sa ibang bansa kaya nag aaral pa rin siya hanggang ngayon.

Si Leni naman ay hinihintay ang mga bagong kaibigan sa isang learning hall. Nagbabasa basa na lang siya habang hinihintay sila.

Hindi naman katagalan ay dumating naman na sila.

"Ang aga mo naman mag-aral. Pa-start pa lang ang classes. Don't tell me, gusto mong maging 1st." Asar ni Risa sakanya habang ito ay kumukuha ng ipuan sa tabing mesa.

"Hayaan mo lang siya. Alam mo naman si Ms. Abalos. Brutal sa mga transferee. " Pagtututol naman ni Grace sa sinabi ni Risa kay Leni.

"So totoo nga?" Pagtataka naman ni Leni kasi akala niya talagang joke lsng ang sinasabi ni Grace sakanya about sa Teacher nila na si Ms. Abalos.

"Mukha ba kaming nagbibiro, Leni? Get your tissues ready." Pagbabala naman ni Risa sakanya habang inaayos niya ang kanyang eyeliner.

"Tignan mo to, di daw nag bibiro pero mas inuna ang eyeliner." Hindi makapaniwalang sabi ni Grace. Inirapan lang siya ni Risa na naging sanhi ng pagtawa ni Leni.





Naghihintay naman si Bongbong sa kanyang mga kaibigan sa may parking lot. Kitang kita naman na lahat ng dumadaan ay tinitignan siya. Pinakita niya na lang na wala siyang pake kahit insecure na siya sa sarili niya.

Nakita niya ang mga kaibigan niya at itinaas ang kamay para maging senyas kung nasaan siya.

"Ang aga mo naman. Excited?" Banggit ni Migz kay Bongbong.

"Sadyang di lang talaga sanay sa Pinoy time yan." Pang aasar naman ni Win sa sinabi ni Migz.

Si Win at Migz ay patapos ng ng college.

"Balita ko, madaming magaganda sa 2nd year." Medyo pilyong banggit ni Migz. Di naman mapigilan ni Bongbong ang ngumiti na ikinatawa ng dalawa.

"Nakangiti ang gago." Banggit ni Win habang patuloy pa rin sa pagtatawa.

"Mga gago ! Mag aaral ako dito. Tangina niyo." Natatawang sabi naman ni Bongbong para naman daw mag mukha siyang seryoso sa pag-aaral.

"Sige, sabi mo eh." Sarkstikong sabi naman ni Migz na mas lumakas ang tawa.

Sabay sabay na silang nag lakad sa hallway para pumunta sa mga class nila.

Sa bawat lakad nila ay naririnig nila ang pangalan na binabanggit, hindi si Migz kundi si Bongbong.

Nagpatuloy sa paglalakad si Bongbong na kunyaring walang naririnig.




Pumasok na si Bongbong sa class niya. Lahat ng mga mata ay nasa kanya. Hindi naman niya na ito pinansin at umupo sa pinaka likod ng class.

Pumasok naman na din si Leni. Bilang bagong student, hindi niya alam kung saan siya lulugar. Wala sa tabi niya ang mga kaibigan dahil sa magkaiba sila ng oras. Nakatayo lang siya sa pinto habang iniikot ang mata kung saan uupo.

"Excuse me." Banggit naman ni Kit na kakarating lang. Binati naman siya ng mga student doon.

Kilala si Kit bilang isang freshman representative ng AB Economics club. Sigurado naman ang mga students na nasa pwesto pa rin siya dahil isa siya sa kilalang magaling sa paghahawak ng pwesto sa club.

Fall for you (COMPLETED)Where stories live. Discover now