Si Imee ay bumisita sa Dorm ni Bongbong para naman kamustahin ang kapatid.
"Tell me, hindi ka naman siguro aalis na lang sa London na walang nangyayari." Pagkukumbinsi ni Imee sa kapatid. Hindi pa rin ito naniniwala na umuwi si Bongbong para mag-aral.
Napabuntong hininga namam si Bong. "Okay, alam ko namang wala akong matatago sayo." Sabi niya sabay kamot sa batok. " I want to see kung tama ba yung mga naririnig ko kay Papa." Banggit nito sakanya. Kita sa mukha niya na para bang mission ang ginagawa niya.
"Bongets, ano bang gusto mong malaman?" Tanong ni Imee na tila ba hindi mapakali dahil sa sinabi ng kapatid niya.
"Na kung totoo bang ganito ang nangyayari sa bansa. Gusto ko makita ng sarili kong mata." Banggit nito na dinidiin ang gusto niyang mangyari.
Napabuntong hininga na lang si Imee dahil wala naman siyang magagawa dahil andoon na ang kapatid niya.
" Kung ano man ang malaman at makita mo, I hope it will never change the way you see Papa." Kalmado nitong sabi kahit na alam niya sa sarili niyang hindi mangyayari ito.
" I hope so." Yan na lang ang nasabi ni Bongbong dahil halos lahat ng narinig niya ay nakikita na ng sarili niyang mata.
Pumasok na si Bongbong sa university. Napansin niya naman na wala ang dalawa niyang kaibigan. Naalala niyang meron pala silang mga training ngayon kaya naglalakad siya ng mag-isa sa hallway.
Pumasok siya sa Room at nakita si Kit at Leni.
"Leni Gerona." Tawag niya kay Leni pagkapasok niya pa lang.
"What?" Masungit na tanong naman ni Leni.
Si Kit naman ay nakatingin lang sakanilang dalawa na tila ba ready na maging referee.
"I need to talk to you." Sagot naman ni Bongbong.
Leni rolled her eyes and stood up.
"Mamaya na kayo mag-usap, malapit na ang class." Utos naman ni Kit sa dalawa na nagsanhi ng pag upo nila sa mga upuan nila.
Nagsimula na nga ang class.
After ng class, lumabas na ang mga student, hinila naman ni Bongbong si Leni pero pinigilan siya ni Kit.
"You should have asked if okay lang sakanya. Be a gentleman, bro." Banggit ni Kit na nagsanhi naman ng pagsakit ng pride ni Bongbong.
"I don't care, Mr. Belmonte. Let go of her." Mayabang na utos naman niya.
Mas hinigpitan naman ni Kit ang hawak.
Di nila alam na marami na palang nakatingin sakanila.
"I'll go with you, Mr. Marcos." Sabi naman ni Leni na ikinagulat ni Kit. " Can you please just let go of my hand?" Utos naman niya. Sabay namang binitawan ng dalawa ang kamay niya pero hindi pa rin mawawala ang masasamang tingin nila sa isat isa.
"Kit, kita na lang tayo sa class mamaya. " Pagpapakalma ni Leni kay Kit na alam niyang malapit na sumabog sa inis. Tumango na lang si Kit at nagsimula ng maglakad.
"Let's go." Banggit ni Leni kay Bongbong habang naglalakad.
Sinundan niya na lang si Leni.
Nasa isang corridor na lang silang dalawa. Tinitigigan lang siya ni Bongbong.
"Akala ko ba gusto mo-"
"You owe me an apology." Banggit ni Bongbong na nagpatigil naman sa gustong sabihin ni Leni. Kita sakanya ang pagiging seryoso.
"Joke ba to?" Sarkastiko siyang tumawa.
YOU ARE READING
Fall for you (COMPLETED)
FanficThe son of the Philippines' most influential person returned to the Philippines to pursue his studies, where he met the daughter of assigned judge. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the...