T H I R T E E N

2.6K 86 15
                                    

Wise: "Teka.. napano yung kamay mo?"

Para akong sinalubong ng malakas na hangin sa tanong niya pakiramdam ko walang lakas ang bibig ko para sagutin ang tanong na binitawan niya.

Gusto kong magalit at itaas ang boses ko habang tinatanong sakanya bakit siya may gamot na ganon. Sadya bang iniwan niya 'yon para makita ko at ma realize ko na hindi mahalaga sakanya ang buhay naming dalawa ng magiging anak niya?

Pero mas pinili ko na umiwas nalang sa mga tingin nito sa'kin.

Vee: "Aksidente kasing nahulog yung baso at akala ko pwede kong damputin yung mga malalaking peraso pero.. nauwi sa duguan. *Peke akong tumawa* nakakatuwa no?"

Wise: "Hindi. Una, bakit mo iisipin na pwedeng damputin yung bubog? Parang gumawa ka lang ng sarili mong ikakasugat."

Vee: "Yun nga ang nakakatuwa, diba?"

Wise: "Anong rason bakit mo 'yon ginawa?"

Vee: "..gusto mong malaman?"

Kinuha ko ang gamot sa drawer ko, idinabi ko doon ang gamot na nakita ko sa lamesa kagabi.

Vee: "Ito." *Ipinakita ko sakanya ang gamot na nakita ko sa lamesa kagabi.*

Wise: "ah.."

Vee: "dapat ba ininom ko 'to?"

Wise: "No."

Vee: "No? Bakit no? C'mon itigil muna yung ka plastikan mo wise."

Wise: "Ano? Kaplastikan?"

Vee: "Hindi ba? alam mo kasi kung paano ako gaguhin diba?"

Wise: "Ano? Pwede bang kumalma ka muna? Gusto ko lang naman maging mabuti sa'yo. kaplastikan na ba tawag don ngayon?"

Vee: "alam mo kung pano ako lokohin kasi ginagawa mo 'yon."

Wise: "Ano-"

Kumunot ang noo niya na parang hindi ito sangaayon sa mga pinag sasabi ko.

Vee: "alam mong maselan yung pag bubuntis ko diba? nag sabi yung doctor ko na kung pwede wag muna ako mag pa stress pero ako yung lagi mong dala?"

Wise: "Sino ba nag sabi sayo ma stress ka sakin?"

Vee: "Kailangan ba may mag sasabi ng mga gagawin ko? Hindi ko naman talaga gustong tumira kasama ka e.. pero ikaw yung nag sabi may contract pa."

Wise: "Pumayag ka naman."

Vee: "Bakit? May choice paba ako?"

Wise: "So anong gusto mong palabasin."

Vee: "Na nag titiis ako sa mga ginagawa mo! pero sa pag tanggap ng offer ni doc. tangna sobra kana."

Wise: "Ah."

Vee: "Ah?"

Wise: "Misunderstanding lang pala 'to."

Vee: "Ano?"

Napilitan akong tumingin sakanya habang malapit nang mag salubong ang dalawang kilay.

Wise: "Alam mo naman aabot ka sa puntong kailangan mong mamili."

Vee: "Oo-"

Wise: "So why can't you just choose yourself then?"

Vee: "Ano?.. gusto mong piliin ko yung sarili ko? Wais ang selfish mo."

Nangangatog ang boses ko habang sinasabi ko ang linyang iyon. Ayokong makita niya akong umiyak ulit sa harap niya, kaya patuloy kong nilalabanan ang emosyong nararamdaman ko.

One night mistakeWhere stories live. Discover now