"Kung mahal mo'ko bakit hindi mo'ko piiliin?"
Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin, nanatili lang ako nakatayo habang kaharap siya.
"jed, alam mong mahal kita diba? Bakit- hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong mamili?"
"Hindi tayo tanggap ng pamilya mo, bakit hindi nalang tayo umalis dito?!"
Oo. Hindi sila sangaayon samin at sa mga oras na ito ay nag sisimula na siyang mag taas ng boses sa'kin.
"Gu-gusto mong talikuran ko ang pamilya ko ganon?.."
"Oo, ano paba sa tingin mo ang magagawa natin? Eh hindi nga nila tayo tanggap."
"Jed naman.. 'wag naman sana umabot sa ganito alam mong pamilya ko sila.." pag mamakaawa ko sakanya.
"bakit ano bako sayo? Boyfriend mo naman ako pamilya mo rin naman ako bakit di mo magawang piliin ako!?"
Muli niyang itinaas ang boses niya na kinagulat ko.
"Ngayon vee, maging matapang ka."
"Piliin mo yung taong sa huli ikaw parin ang pipiliin."
"at ako 'yon."
Hinaltak niya ang pisnge ko at tinitigan ako nito ng mga agresibo niyang mga titig.
Tumaas ang balahibo ko at nakaramdam ng takot, halos pumatak na ang luha ko pero pinipigilan ko ang maiyak dahil sa ginawa nito.
Malakas niyang binitawan na kinahulog ko sa sahig.
"Mamili ka." Huling sabi niya pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.
Nangangatog ang buong katawan ko, dahan dahan akong tumayo at umupo sa upuan na malapit sa'kin at doon bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Maya't maya lang ay nagising ako, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa coach, nakapatay ang ilaw kaya tumayo ako para buksan ito pero napahinto ako nang marinig ko ang dalawang nag uusap.
Tila tumayo ang balahibo ko nang sundan ko ang boses na narinig ko at napagtanto ko na nanggagaling ang boses na iyon sa kwarto namin.
Nakabukas ang pinto habang may bahagyang ilaw.
Napatakip nalang ako sa bibig ko at napahigpit ang hawak sa braso ko.
"Sigurado kabang hindi magigising yung si vee? Hm?"
Tanong ng babaeng nakaupo sa ibabaw ni jed, habang si jed naman ay nakahawak sa bewang nito.
YOU ARE READING
One night mistake
FanfictionOMEGAVERSE Johnmar Villaluna (Veenus) is the type of person who will do everything just for his parents. his only plan was to return to japan to be with his parents but on an unexpected night everything changed. This is veewise fanfiction #02.