Kabanata 4

119 5 0
                                    

KABANATA 4

Ang kagustuhan kong matulog sana ay parang lumipad palayo kasama ng iritasyon ko. Wala akong nararamdaman kundi galit, kay Cullen, kay Gen, sa mundo at sa sitwasyon. Alam kong wala akong karapatang manisi dahil ako ang pumili nito pero pagod na akong maawa sa sarili ko. Pagod na akong umiyak sa mga bagay na hindi magiging sa akin.

Hindi ako kasing ganda ng babaeng mahal nya, mas lalong hindi kasing bait but who cares? I don't have time to be insecure. I may not be perfect but I'm doing my best and I don't need anyone to prove that.

Wala na akong pakelam kay Cullen kahit mamatay sya kakaisip kung anong problema kong tangina nya. Hindi nya deserve na makatulog! Hindi nya deserve ang pagmamahal ko pero buwisit na puso to.

Kung pwede lang alisin, matagal na siguro akong nagpa opera. Kahit maubos ang lahat ng pera ko basta ayoko ng ganito. Ayoko na!

Wala na akong naiiyak. Hindi taliwas kanina na kulang na lang ay maglupasay ako. Light talk with Aevy made my mood better, though I don't know about her dahil nga umiiyak sya bago mag pass out.

In the middle of my thoughts, nakarinig ako ng pagkatok sa glass door na nakakonekta sa terrace. Dahil may kumot ang leeg ko pababa at nakatalikod ako sa parteng iyon, hindi ko pinansin. Malay ko ba kung guni-guni ko lang.

Nang hindi iyon tumigil ay dahan-dahan ang ginawa kong pagtayo para hindi makalikha ng ingay. Dahil lampshade lang ang ilaw na bukas, napilitan akong hagilapin ang cellphone ko.

I impatiently waited for it to power on dahil ganoon na lang ang kaba ko. I'm not afraid of rapists or thieves in here, sa dami ng security dito, siguradong isang sigaw lang ay mabubulabog ang bahay.

Kaya lang, noon ko pa talaga kinakatakutan sa mansyon na ito ang multo. I didn't grow up in here at malay ko ba kung may namatay dito or what. Mukha pa namang luma ang bahay, alaga lang sa renovate.

Nakapaa lang ako habang naglalakad ng marahan. Hindi ko naman ramdam ang lamig ng sahig dahil sa malambot na carpet. Hinawi ko ng bahagya ang kurtina, nag iingat sa pag galaw noon habang sinisilip ko kung anong mayroon.

Muntik na akong mahimatay on the spot sa biglaang pag ilaw ng cellphone ko. Wala iyong sound pero may mahinang vibration dahil sa nakasilent mode.

Cullen:

Nasa terrace ako. Are you still awake? Mag usap tayo.

Gustong-gusto kong ibato ang cellphone na hawak ko peto pinanatili ko ang sarili kong kalmado.

Kawawa na nga ako sa sitwasyon pero mamatay muna ako bago nya yun makita. This is Veronica at gagawin ko lahat para managot sya sa papananakit nya sa akin peste sya.

I checked the time.

2:50 am. Akala ko matagal na akong nakahiga pero mali pala ako. Mukhang nag byahe sya agad pagkatapos ng tawag.

Atat na atat makipag isap Cullen ah, hindi maipagpabukas?

I breath in and out harshly bago hinawi ang kurtinang nakatabing sa glass sliding door. Bago ko pa lang binubuksan ang pinto pero nagtitindigan na ang nga balahibo ko. I'm sure it's not only because of the cold wind outside but also his fresh morning look.

Still regal on his messy hair, white shirt and gray sweatpants, Cullen is standing there holding nothing but his phone and looks pretty upset of something.

"What?" bungad ko sa kanya.

Agad na nagliwanag ang mukha nya ng makita ako at akmang lalapit ng umatras ako agad ng ilang hakbang palayo. Mukhang nakuha nya na ayokong makalapit sya kaya wala syang nagawa kundi bumuntong hininga. Bagaman at walang sinasabi, nanatili sa akin ang mga mata nya.

Those gray eyes where light and weak than usual. Or maybe it's just the time. Disoras na ng madaling araw. Right. I prefer my latter self explanation.

I wanna give my a round of applause. Maybe I should consider show business to put this goddamn acting talent of mine in proper use.

I can clearly see that he was taken abacked by my initial reaction.

And does he expect? Tatakbo ako sa kanya at bibigyan sya ng yakap? Tatakbo, oo. Pero baka sakal ang ibibigay ako at hindi yakap. God only knows how much I wanna push him off in the terrace's edge right now.

Kung hindi kasalanan ang pumatay, baka kanina pa sya nababalot ng saksak.

"It's almost three in the morning, may pasok pa bukas kaya kung wala kang sasabihin umalis ka na," muli ay kalmado kong sambit.

Naalerto sya sa paghawak ko sa handle ng sliding door kaya parang napapaso kong ng binawi ang kamay na nahawakan nya dahil sa pagkataranta.

"W-We need to talk," agap niyang nauutal.

Nag iwas ako ng mata sa malamlam nyang titig. God! Bakit kailangang ganito pa? Pwede na naman syang tumigil total ako, siguradong titigilan na sya.

"About what?"

"About us."

Bumalik sa kanya ang mga mata ko at hindi ko maiwasan ang sarkastikong ngiti.

"Us? You mean the fake us?"

Fuck this bitterness! I can't hide it.

Umawang ang labi nya pero hindi nagsalita kaya sinamantala ko iyon para magpatuloy.

"Our fake relationship is over. Now, you can stop your fake concern on me because I still have so many errands in my life. I don't need you anymore as much as you don't need me in your life. We are now okay so you better go."

You're doing great Veronica! I'm so proud of you.

And I can literally feel the sudden boost in my mood as I saw how his face fell.

Masakit ba Cullen? Damahin mo letche ka! Hindi ko hahayaan na ikaw ang tumapos nito. Ako pa rin ang huling hahalakhak!

"Okay na? Pwede ka ng umalis," I said non chantly.

"No... You can't leave me... Not again Veronica."

Halos bulong na lamang iyon pero hindi ko alam kung bakit kailangan pang makarating sa tenga ko. Tuloy nanlambot ang mga tuhod ko.

Umihip ng malakas ang pang madaling araw na hangin at akong nasa loob ay napaatras ng bahagya dahil nanginig ako agad habang sya ay tila walang pakealam doon.

His eyes just remained on my face.

And when it all dawned on me, parang gusto ko syang hatakin papunta sa loob kahit anong inis ko hindi ko matiis na nilalamig sya sa labas pero pinigilan ko ang sarili ko.

Papanindigan ko ang galit ko sa kanya.

"Umuwi ka na. Walang kasama si tita Constancia," that was my last resort.

Kung hindi pa sya aalis ay baka lumambot ako sa nakikitang pagkatuliro nya. He was just so vulnerable right now and I don't know if it is a punishment or an honor that he let me see this side of him.

"Ano bang nagawa ko? Galit ka ba? May nasabi ba akong mali? Is it because I text you often? Naiirita ka ba sa kakulitan ko? Dahil ba gusto kong kumain ka ng marami pag magkasama tayo? Ano? Potangina sagutin mo kase hirap na hirap na ako kakaisip kung anong nangyayari sayo. K-Kung okay ba tayo..." aniyang pahina ng pahina ang bawat salita hanggang sa ang mga huling salita ay naging sapat lang para makarating sa pandinig ko.

And just like that, the walls I built fell.

"Wala. Wala kang ginawa," pilit kong pinatatag ang boses kahit nanginginig na iyon.

"Baby, please don't leave me. I'll do everything you say just please don't do this."

"Everything? Then stay away from me!"

"No! No! Please no! I can't do that!"

"You can! Anong sinasabi mong hindi? Of course you do! Mabuhay ka na parang hindi mo na lang ako nakilala! Kase ayoko na! Pagod na ako sayo! Ayoko na!"

"I know I'm a jerk, but please don't give up on me. Don't give up on us."

"Bullshit! Just leave me the fuck alone Cullen! I hate you!"

"I-I will let you think about this first."

That's what he said before leaving me dumbfounded.

Unloving Cullen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon