This chapter and the next ones are all raw and unedited!
***
KABANATA 11
Para akong papanawan ng ulirat habang nagmamartysa palayo. Dinig ko ang singhapan ng mga nakasaksi pero namamanhid lang ang utak ko sa pag iisip kaya minabuti kong wag na lang pansinin.
Dire-diretso akong naglakad palabas at nang marating ang pinakamalapit na convenience store ay saka lamang natanggal ang tila mabigat na patong sa aking dibdib.
Malalim ang ginawa kong paghugot ng hininga habang marahas ang bawat hakbang patungo sa malaking freezer na tiyak kong pinaglalagyan ng mga ice cream. It's my first time here but the place is familiar.
Hindi nga ako nagkamali. Bumalandra sa aking paningin ang iba't-ibang size at flavors ng mga ice cream na para bang pinag effortan pang ihanay ng maayos. My eyes immediately drifted on the pink container.
There you are honey! Bibilhin ko muna bago umuwi.
Bago ko pa mabuksan ang freezer ay may isang kamay nang biglang humawak sa kamay ko. Hinaklit ko pabalik ang aking kamay na para bang may napadikit na nakakadiring bagay.
"Hanggang dito ba naman Cullen?"
Pinaningkitan ko sya ng mata habang pilit na itinatago ang pagkamangha sa kanya itsurang kahit panay ang tulo ng butil ng pawis sa leeg at noo ay mukha pa ring sasambahin nino man.
Nag iwas sya ng mata at tinitigan ang kamay kong kanina ay nahawakan nya.
"I'm sorry."
I let out a sarcastic laugh.
"Really? Yun na yun? Kakanta ka tas tingin mo papatawarin kita?"
Nang lumipat ang mga mata nya sa akin ay ako naman ang nag iwas ng tingin at mula sa kinatatayuan ko ay hindi nakaligtas sa aking mga mata ang paninitig ng babaeng nasa counter pati na rin ang kislap ng mata ng isang dalagita tuwing mapapasulyap sa gawi namin.
"Ano bang gusto mong gawin ko?"
"Wala. Wala kang gagawin dahil hindi kita papatawarin!"
"Pero hindi pa rin ako titigil na—"
"Shut up, Grange! Ayoko na! Ayoko na sayo! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo!"
I even looked at him with an stoic face just to prove my point.
Nagtama ang mga mata namin at ang malamig kong mga mata ay kabaliktaran ng kanya.
"You really hate me don't you?"
Gusto kong irapan ang pagbulong-bulong nya kanina pa pero kapag ginawa ko yun ay malalaman nya kung gaano ko kagustong sampalin kaya minabuti kong itikom nang mabuti ang bibig ko.
"Hate me all you want. But you see, there's only a thread-like boundary between love and war. You can hate me and the next days..."
And the next thing I knew, I was standing there like an idiot that was anticipating for his next words but there comes none because he left after that.
Mahigpit kong naikuyom ang mga kamay ko sa ibabaw ng freezer habang mariin ang pagkakatingin sa babaeng nasa counter na kasalukuyang abala sa pag aasikaso ng mga nagbabayad.
"Thead-like boundary pala ah... Tingnan natin hinayupak ka."
Nagdala ko ang ngitngit hanggang sa makauwi ng bahay pero bumangon kinabukasan na para bang wala lang.
Dire-diretso lang ang hakbang ko papasok sa loob ng classroom. At mula sa aking peripheral vision ay kita ko ang pagkalaglag ng panga ni Aevy nang hindi ako umupo sa silyang bakante sa kanyang tabi, bagkus ay taas noong naglakad patungo sa dati kong upuan malapit sa bintana.
BINABASA MO ANG
Unloving Cullen
RomanceREDFLAG TRILOGY (VOLUME II) "If love is pain then why do we keep on loving?" *** 05202022 Language: Filipino Genre: Romance