Kabanata 2

119 5 2
                                    

KABANATA 2

Natuod ako sa kinatatayuan dahil hindi ko nakuha ang ibig nyang iparating. May kung ano sa ngisi nya na hindi ko maipaliwanag.

I shrugged all my thoughts away and continue walking, instead of the lift, naghagdan ako dahil naasiwa ako kapag naaalala kong doon bumaba si Vena.

She's weird. Way weirder than I thought.

I recieved a text from Aevy na uuwi na sya. I didn't reply. Mamaya ko na lang kakausapin pagkauwi ko sa bahay.

Ang ngiti ko habang papasok sa book cafe ay unti-unting sumama sa hangin, palayo.

Naestatwa ako sa dahil pamilyar ang eksena sa harapan ko. It was Cullen and Gen facing each other. Cullen's back is the only thing that's visible dahil nakatalikod sya sa entrance pero alam kong sya yun at sa harap nya ay ang seryosong mukha ni Gen na bagaman at manipis na kolorete lang ang nasa mukha ay maganda at agaw pansin pa rin.

They seem to be in a very serious talk dahil paminsan-minsang kumikibot ang bibig ni Genesis para magsalita.

A quick, sharp pain attacked me as I saw Gen slowly lifted her left hand and then tenderly caressed Cullen's face.

Umaamin na ba si Genesis? Nahuli ba ang pagdating ko? Alam ko namang darating ito. I fucking saw it coming pero tangina umasa pa rin ako.

I've read that book countless times why am I even shocked?

Hindi gumalaw si Cullen. Inaasahan kong itutulak niya ang kamay ni Genesis pero ni tapikin iyon ay hindi niya ginawa. Hinayaan nya lamang na hinahaplos nito ang pisngi nya.

I'm not needed here, right?

Ganito na naman... Hindi man lang humanap ng ibang lugar, dito pa talaga kung saan kami madalas magkita.

Alam nyang paparating ako! Alam nyang makikita ko, pero ano? Kapag si Gen talaga, nakakalimutan si Veronica. Kelan ba ako masasanay? Kelan ba kase ako pinili?

Marahas kong pinunasan ang luhang hindi ko namalayang naglalandas na pala sa pisngi ko dahil ang ibang staff ay nagtitinginan na sa gawi ko.

Bukod sa nakatayo lang ako mula sa entrance ay nanunubig din ang mata ko.

Success pala ang plano eh. Eh di mabuti kung sila na.

Yun naman ang silbi ng tutorial lessons namin diba? Pagselosin si Genesis para umamin sa kaya. Ayan na, natupad na. Pero tangina ganito pala kasakit.

Suminghap ako para ayusin ang paghinga pero napahikbi lamang ako.

Kinagat ko ang pang ibabang labi upang pigilin ang paghagulgol. Sinulyapan ko pa muna sila bago tumalikod at lumabas.

Every step pained me because somehow, at the back of my mind I know he's happy. I know that no one will run after me because Cullen Grange will never chase.

He will never be there to cathc me.

Hindi ko na kailangang makita dahil alam kong hahalikan ni Gen si Cullen at maya-maya lang, sila na. Babalik na naman ako sa dati kong buhay at trabaho, ang manlimos ng atensyon galing sa taong hindi naman nakikita ang halaga ko.

Nang sinulat ko to, hindi ko naisip na ganito pala kasakit na hindi ikaw yung nandon sa mga bisig nya. Akala ko nakakakilig sina Gen at Cullen, kung alam ko lang sana nabigyan ko ng hustisya ang bawat character na binuo ko. Next time, kung meron pa mang next time I'll do better.

Habang lulan ng elevator ay umaalog ang balikat ko dahil sa pinipigil na hikbi, walang pakealam sa mga nakatingin.

Ganon ba ko kawalang kwenta para palaging hindi maalala? I smiled bitterly dahil hindi ko na kailangan ng sagot dahil yun na mismo ang isinampal sa mukha ko.

Unloving Cullen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon