APRIL 2016
Dali-dali akong tumakbo dahil tinext ako ni Elias na bilisan umuwi. Bibigwasan na daw ako ni Mama. Ang hindi ko ma gets 'eh bakit nasa bahay sila namin.
Nakakapit pa ako sa uniform ko na sinampay ko sa kanang balikat ko upang hindi ito mahulog. Nagsumbong na naman siguro ang teacher ko sa mga kabulastugan ko sa school.
Puno na ng putik ang school shoes ko dahil umulan kanina at bulok pa ang mga daan dito sa subdivision namin.
"MAY MAS IBABAGAL KA PA BA DYAN SANTIAGO?!" eto talaga si Aiden napakaeskandaloso.
"Eto na nga!" at kumaripas ako ng takbo papuntang gate namin.
Naabutan ko ang mga tropa ko sa sala, nakatumpok sa coffee table. Ano na naman pinagkakaabalahan nila na isisisi na naman sakin?
Bago ko pa man makita kung ano iyon ay bigla akong hinambalos ni Mama ng feather duster. Paulit ulit.
"LINTEK KA TALAGA, SANTIAGO! IKAW TALAGANG BATA KA KAILAN KA BA TITINO?! ANO PA BA KAILANGAN NAMIN GAWIN NG DADDY MO PARA LANG AYUSIN MO 'YANG BUHAY MO HA?! MAAYOS MO PA BA 'YAN NGAYON?!"
Sa sobrang lakas ng sigaw ni Mama ay alam na ata ng buong barangay na nagbulakbol na naman ako ngunit kung may mas sasakit pa sa sigaw ni Mama, 'yun ang alingawngaw ng iyak ng bata.
Tinignan ko kung saan 'yon galing, "Pucha, sino nanganak sa kapitbahay?!"
"Ampota, Santiago. Anak mo yung umiiyak!" binatukan ako ni Ryan at halos isubsob ako sa coffee table namin.
Nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng sanggol na nasa loob ng box. Anong trip nila? Pano ko naging anak 'yan?
"Hindi 'to magandang biro. Gumamit pa kayo ng bata para sa props," tinuro ko ang baby habang nakatingin sa mga katropa ko.
Tinignan nila ako lahat ng masama.
Nagulat na lang ako ng bigla akong sampalin ng mariin ni Dan.
"Sana nga nagbibiro kami pero putangina, Santi. Anak mo na 'yan oh."
Napahawak ako sa nasampal kong pisngi ngunit hindi pa man napapawi ang hapdi ay bigla naman akong hinambalos ng papel ni Miles.
"Oh ayan. Yung tanginang birth certificate! May note 'din dyan galing sa nabuntis mo."
Hindi na ako nag-abalang tignan pa ang mga iyon dahil kasinungalingan lang naman 'yon.
"Ba't naman kayo maniniwala 'dyan?!"
"Gago ka ba? Tignan mo kaya 'yung bata. Mata mo 'yan oh!" pati ba naman ang pinsan kong si Elias naniwala?
Nakakabingi ang loob ng bahay — 'yung bibig nila Ryan, 'yung iyak ni Mama, ta's sumabay pa 'tong bubwit na 'to.
"Tumahimik ka na kasi!" biglang sigaw ko sa nasa loob ng karton.
Sinuntok ako ni Kuya Mace na hindi ko alam kung saan galing kasabay ng mas malakas pang iyak ng bata. Nalasahan ko kaagad ang dugo sa bibig.
"Tinignan ko na sa sentro. Nakarehistro 'yang birth certificate ng anak mo, Santi. Magkapareho pa kayo ng pangalan. Kahit isuka mo pa 'yang batang 'yan, anak mo 'yan. Ngayon, mag-isip ka kung anong gagawin mo pero 'wag na 'wag mong sasaktan o pagtaasan ng boses 'yung bata, naiintindihan mo?" galit na nga ata si Kuya dahil dinuro na nya ako.
YOU ARE READING
grasya
Fanfictiona #jangkku au wherein single parent santi (psh) experiences the struggles of raising yago ( not really alone ) . . . . and crossing paths with a lady from his past .