"Ang 'Ya' sa Yago ay para ata gawin tayong yaya," saad ng reklamador na si Aiden.
Nakatingin sila ngayon sa dalawang taong bata na busy ubusin ang tinta ng Micron Ink Pens ng mga tito nya.
Nagluluto ang mga ito ng almusal. Naiwan si Santi sa itaas, tulog pa.
"So para saan ang 'go'?" tanong ni Daniel na hanggang ngayon ay nakadikit parin ang mata sa bata dahil mukhang ang Micron nya ang sobrang natipuhan nito gamitin.
"'Go' as in gago. Yago as in mga yayang gago," sabat naman ni Miles.
"Hoy, tangina bawal nga daw magmura sa harap nung bata sabi ni Santi," paalala ni Ryan.
Binatukan naman sya ni Daniel sabay sabing, "Isa ka pa. Nagmura ka rin 'eh. Pero teka nga, diba kaya tayo nag-dorm at hindi nag-apartment kasi gipit tayo sa pera tapos ba't natin hinahayaan si Yago'ng ubusin ang mga tinta natin?"
"Napakasama talaga ng ugali mo, DJ. Kita mo naman kung gaano kadesidido 'yung bata magsulat ng letter para sa papa nya ta's 'yung tinta pa iniisip mo? Pwede naman nakawin mo na lang 'yung Micron Pens ng papa mo sa office nya," hindi alam ng mga kaibigan kung mag-aagree ba sila o hindi sa sinabi ni Ryan pero sigurado silang gusto nila asarin na naman si Daniel.
"Hindi naman marunong magsulat pa ng letter 'yang si Yago," pagdadahilan pa nito.
"Wala, DJ. Masama talaga ugali mo. Pati bata hindi mo sinanto. Sumbong ka namin kay Kuya James."
"Daniel John naman. Napakayaman mo naman ta's ipagdadamot mo pa sa bata 'yung ballpen?"
"Hindi naman namin kasalanan 'yung sa'yo ang nagustuhan ni Yago. Sasabihin namin to sa kanya 'pag lumaki na sya. Hindi sya love ng Tito Daniel dahil lang sa ballpen."
"Mga punyeta kayo. Mahal ko naman si Yago pero hindi ako yayaman kung hindi ako makapagtatapos ngayon. Balak ko 'yan sya i-spoil 'pag may pera na akong akin talaga kaya tumahimik kayo d'yan. Palibhasa kasi mga cheap kayo 'eh."
"Napakapakshet mo naman Daniel. Kami pa 'yung cheap 'eh ikaw nga dito may brip na Ben Ten galing Divisoria!" dinuro sya ni Aiden ng spatula, namumulaklak pa ng kanin.
Sumabat naman si Miles, "Sorry ha, hindi kami anak ng may-ari ng engineering firm. Eto lang kasi kami ng pinsan kong si Aiden, galing sa pamilya ng mga haciendero."
"Nahiya 'yung Jo Malone ko sa Louis Vuitton kong pouch," dagdag pa ni Ryan.
"Gago sige, iwaragwag nyo pa d'yan ng manakawan tayo. Putragis, Aiden 'yung sinangag nasusunog na sa kakadaldal mo!"
YOU ARE READING
grasya
Fanfica #jangkku au wherein single parent santi (psh) experiences the struggles of raising yago ( not really alone ) . . . . and crossing paths with a lady from his past .