Hera
Annoying people.
Bakit kaya ang daming tao sa mall kahit na hindi naman sila namimili o kumakain? Yung iba ay nagpapalamig lang. Hello? Wala ba kayong aircon o electric fan sa inyo at talagang dumayo pa kayo dito para sa libreng lamig? Sana ay magkaron ng entrance fee lahat ng mall dito sa Pilipinas. Nakakasikip lang sila sa mga katulad ko.
Yups. Katulad ko na nakapamili na ng maraming chocolates. Kanina pa ako naglilibot dito pero tanging mga tsokolate lang ang nabili ko. Lagot na naman siguro ako ni Mama. Maghahanap nalang ako ng masarap na restaurant para kumain. Grabe. Ang tagal kong napirmi sa Japan kaya naman lulubusin ko na ang pagbabalik ko rito. At uunahin ko ay ang pagkain ng mga pagkaing pinoy. Buti nalang at si Haru na ulit ang magma-manage ng negosyo ni Mommy dun. Less stress na ako. Yatta!
Magbabakasyon nalang ako sa hacienda ni Ate Hea o kaya kay Sydney. Pwede rin siguro sa Villa Santillan, namimiss ko na kasing guluhin ang mga buhay nila.
Ang saya maging single, bukod sa wala kang isipin, nakatipid ka pa. Siguro try ko rin sumama kina Tita Dana at Tita Charlotte kapag naisipan nilang libutin ang buong mundo. Yay! Magbabawas lang muna ako ng pera bago sumabak ulit sa trabaho.
Tumigil ako sa tapat ng isang pamilyar na kainan. Naalala ko lang yung ganap kay Sydney and Iris noon. Parang kelan lang. Masaya na sila ngayon kahit na may sakit si Sydney. True love ba ang tawag sa ganon? Siguro.. Hindi na ako interesado.
Pahakbang na sana ako nang may bumunggo sa aking maliit na bata. Hindi pa nakuntento at humawak pa sa laylayan ng suot ko. Tumingala ito at halata ang takot sa cute na mukha. Familiar to. San ko nga ba nakita tong batang to? Pareho kaya kami ng naiisip ngayon? Titig na titig rin kasi siya.
"Hoy." Tinampal ko ng hintuturo ang pisngi nito. "Bitaw." Nasan ba ang magulang nito? Tsk.
"H-Help!" Hindi mo malaman kung bulong o pasigaw ito. "Please help me and my Mama!"
"Nah." Umiling ako dito. Mukha ba akong superhero? Mas mukha nga yata akong kontrabida. Tsk. Baka miyembro ng sindikato ang batang to at balak akong nakawan. Ibinaba ko muna ang pinamili ko at hinawakan ito sa dalawang braso. Ako lang ang pwedeng manlinlang sa kwentong ito.
"Miss.. P-Please-"
"Fall!"
Isa pang pamilyar na boses ang nakatawag ng pansin ko. Mula sa pagtingin ko sa bata ay umangat ang ulo ko para salubungin ang babaeng tumawag yata dito sa batang linta na ayaw ng umalis sa tabi ko. Oh wait..
Hindi ko pinahalata ang pagkagulat nang makalapit siya sakin. Sino ba ang makakalimot sa magandang babaeng ito? Kagandahang pwede kang malinlang. Manloloko pala.
Sa ganda nito ay hindi mo maiisip na may anak na ito. Sinulyapan ko ang batang nakahawak pa rin sa damit ko. Ah. Ang batang bunga ng kasalanan. Kawawang nilalang. Muling bumalik ang tingin ko sa babaeng nakalapit na pala sakin. Sobrang lapit na naamoy ko na ang pabango nito. Wait, bakit mabango pa rin siya kahit na napawisan siya? Life is unfair.
Sa dami ng tao at sa ingay nila ay nakakapagtaka na naririnig ko ang mahinang paghingal nito. Nag marathon ba siya? At hindi maganda sa pandinig ko ang mahinang paghingal nito. "Hera.."
Isang ngisi ang isinukli ko dito. "It's been a long time.."
Hindi ako pinansin nito. Naalarma ako nang hawakan ako nito sa braso. Bakit malambot kamay niya? Life is unfair.
Inalis lang naman niya ang pagkakahawak ko sa anak niya. Tsk.
"Fall, let's go!"
"But Mama.." Nahila pa ng batang linta ang damit ko. Argh. "Maybe she can help us-"
Namataan ko ang ilang kalalakihan na tila may hinahanap. Nang sulyapan ko ang babaeng cheater ay sunod sunod ang paglunok nito at namumutla na rin. Interesting. Mukhang trip na naman niyang makipag taguan sa kanyang asawang mukhang adik.
"Hide and seek again, Jen?"
Sinamaan lang ako nito ng tingin at pagkatapos ay akmang bubuhatin na sana ang anak pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko ito ng mahigpit sa pulso.
"Hera ano ba?!" Bulyaw nito. Naghahalo ang inis at takot sa mukha niya. "T-This is my only chance.." Humina ang boses nito na kinakabahang tumingin sa gawi ng mga kalalakihang napansin na yata kami. "L-Let me go, please!" Gusto kong makaramdam ng kasoyahan ng makitang halos maiyak na ito. Hmm. Makaganti man lang sa kagaguhan niya sa pinsan ko.
"Mama!" Pati ang batang linta ay panay hila na sa damit ko. "Miss! Help us!" Umiiyak na tumingala ito sakin. Nakaramdam ako ng awa para dito. Pero hindi dapat. Ang batang ito ay bunga ng kasalanan ng mga magulang nila. Pero naisip ko bigla ang mga anak ni Iris at ni Ate Hea. Paano kung mangyari rin sa kanila ang ganito? Shit.
Walang emosyong bumalik ang tingin ko sa babaeng cheater, at nakatingin rin pala siya sakin. "Y-You're hurting me.." Gumaralgal na rin ang boses niya.
"Do you need MY HELP?" Tanong ko rito.
"W-What?"
Tumaas lang ang kilay ko rito. Dapat ay hindi ko ito tulungan kasi wala naman akong makukuhang kapalit sa kanya. Tsk. Pero nakaka irita na kasi ang batang linta na to at gusto na yatang sirain ang mamahalin kong damit.
"Oh please Jen, I know you-"
"YES!" Mabilis na sagot nito. Nakakatuwang pagmasdan na puno ng takot ang magandang mukha nito. "P-Please.."
Isang tusong ngiti ang ibinigay ko rito bago binitawan ang namumula ng pulso nito. "Okay."
"H-Hera.."
Kasasabi ko lang kanina na magbabawas ako ng pera para sa bakasyon around the world. Hmm. Pwede ko na sigurong simulan ngayon?
Kinuha ko ang wallet ko. Balewalang kinuha ko lahat ng perang papel na kaka withdraw ko lang kahapon.
"Hey!" Sigaw ko. Ilang metro nalang ang layo ng mga lalaking humahabol sa babaeng manloloko na to.
"Hera ano ba?!"
Walang sabi-sabing inihagis ko lahat ng perang hawak ko. Nakarinig pa ako ng mga singhap na nagmula sa mga taong naglalakad sa paligid. Hindi pa ako nakuntento at kumuha pa ako sa bag ko at inihagis muli. Nakakatuwang pagmasdan ang mga taong nagkakagulo para makiagaw sa nagliliparang mga pera. Hindi na ako magtataka kung kahit ang mga taong humahabol sa babaeng ito ay makipag agawan na rin.
Nang lingunin ko ang baabeng manloloko ay napatulala ako rito. Tila namamangha ito sa nakikita. Ngayon lang ba siya nakakita ng umuulan na pera?
"Let's go."
Hmm. Mukhang may pagkaka abalahan na naman ako..
-----
Hera, pautang? HAHAHA 😂
BINABASA MO ANG
Bachelorette Series #6 : Helena Rae Saavedra (GirlxGirl)
RomancePaano magmahal ang dyablo at tusong si Hera?