Chapter 5

2.4K 162 20
                                    

Hera

"Pwede po ba tayong kumain ng gulay?"

Nilingon ko ang batang may pangit na pangalan. Nakatingala ito sakin at tila nakikiusap ang mga mata. Magkatabi kasi kami ngayon habang nanonood ito ng cartoons. Wala naman akong ginagawa kaya nakinood na rin ako. Meron pa kasi akong one week bago bumalik sa trabaho at siguradong magiging busy ako. Malapit na kasing magretire si Tita Winter at siguradong ako ang papalit sa pwesto nito.

Kaya naman mas magandang dito ako mag stay kasi mas malapit ito sa company. Kahit papano ay makakapahinga ako ng mas maaga. Mas okay ako sa magiging trabaho ko ngayon kesa sa company ni Mommy sa Japan. Nakaka stress kasi ang mga celebrity at media dun. Di katulad dito kahit na mas maraming trabaho, may makakausap naman ako. Ang SGC ay kompanyang itinatag ng lolo ko. Si Tita Winter at Tita Sky ang magkatulong na nagpalago nito dahil ang Mommy ko ay nagfocus noon sa company ni Mami Helene.

Kung dati ay nagmamay ari kami ng mga restaurants, nagdecide si Tita Winter na ibenta lahat yun sa Ohara Empire. Mas gusto kasi ni Tita na magfocus sa automobile manufacturing business namin. Pabor sakin dahil nagkakaron ako ng mga collection ng mga sports car.

Ako rin ang nagpalago ng finance company under SGC kaya naman di na ako magtataka kung isang araw ay mas mayaman na ako sa mga Ohara. Joke lang! Halos lahat na yata ng negosyo ay meron si Tita Dana.

"Nagsasawa ka na ba sa meat?" Tanong ko sa kanya. Oo nga pala. Puro karne nga pala ang binili ko. Puro chocolate and chips. Napaka unhealthy naman ng mga yun. Nagmamadali kasi ako kaya hindi na ako nakabili ng fruits and vegetables.

"Hindi naman po. Favorite ko po ang karne, Tita Hera.." Magalang na sagot nito. Mabuti naman at mabait siya.

"Eh bakit gusto mo ng gulay? Gusto mo bang maging kambing?"

Umiling naman siya na parang natatawa. Maganda ang batang to. Kamukha ng nanay niyang manloloko. Kaya lang pangit ang name niya. "Si Mama po kasi hindi mahilig sa meat." Sagot nito. "Mas gusto po niya ang gulay.."

"Ah kambing siya?" Baka may dahon dito sa labas. Joke. Hindi kasi ako mahilig sa gulay. Mga piling gulay lang ang kinakain ko eh.

"Hindi ako kambing."

Bigla itong sumulpot mula sa kwarto nila. Bagong ligo at hinayaan lang na tumulo ang basang buhok. Uso kaya ang blower. Natatawa ako sa mga damit na binili ko para sa kanya. Parang may rampa lagi. Hindi pala ako nakabili ng mga pangbahay lang. Naupo siya sa tabi ng anak nito. Hmp. Akala siguro niya ay nakakalimutan ko ang kagaguhan niya sakin kahapon ah.

Pasimple kong tinignan ang kamay nitong may suot na singsing. Talaga ba? Tinakasan niya ang asawa niya pero suot pa rin niya ang pangit na wedding ring nila? Nakakatawa. Isang taon palang sila nakakasal ng asawa niyang mukhang adik pero tinakasan na naman niya. Ano ba yan. Naalala ko pa noong isinumbong ko siya kay Ranier nung tinago siya ni Iris, sobrang nag enjoy talaga ako sa takot na rumehistro sa itsura niya. Alam ko kasi na hindi na niya magugulo pa ang pinsan ko at si Sydney. Hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit tumatakas siya kay Ranier pero ayokong ma-involve pa siya sa buhay ng pinsan ko. Isa lang ang sigurado, hindi siya masaya kay Ranier. At nang maikasal ang dalawa ay gusto kong magbunyi. Bakit? Dahil alam kong hindi na makakawala si Jennifer kay Ranier. Nakatali na siya habangbuhay sa taong gusto niyang takasan. Yan ang karma niya sa pananakit niya kay Iris. Ang bait ko noh? Ako ang gumanti para sa pinsan ko. Hays.

Pero ngayon, tutulungan ko siya. Pero lahat may kapalit. Wala naman siyang maibibigay sakin. Kaya naman lalaitin ko nalang siya lagi at gagawing tagapagsilbi. Tutal sabi naman niya ay gagawin niya lahat ng gusto ko. Tiisin nalang din niya ang masasakit na salitang sasabihin ko sa kanya. Deserve naman niya eh.

Bachelorette Series #6 : Helena Rae Saavedra (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon