Si Zion Nikolai Chavez, ay isang sikat na business man. Kilala ito sa pagiging strikto sa kanyang mga empleyado. May bughaw na mga mata na namana niya sa kanyang ina.
-
Nang makita ni Hadiya ang tattoo sa kanyang tagiliran ay agad siyang napasinghap. Gusto niyang malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga letrang nakamarka dito.
Labis ang kanyang pagkamuhi sa taong nagmarka sa kanya. Hindi niya ito pag-aari na basta na lamang lalagyan ng kung ano-ano sa katawan niya. Kung sino-sinong experto sa pagta-tattoo ang nilapitan niya upang mabasa ang nakalagay sa tagiliran niya, ngunit ni-isa sa kanila ay walang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin nito.
Ilang beses na rin niyang pinabura ang tattoo pero parang nakatahi na ito sa balat niya dahil hindi ito nabubura kahit anong subok niyang ipabura ito.
Ngunit mapaglaro talaga ang tadhana, sa pangalawang pagkakataon ay nagkita silang muli pero walang kaalam-alam si Hadiya na nasa harapan na niya pala ang taong hinahanap-hanap niya.
----
This is a work of fiction. Names, businesses, places and events are either the product of the author's imagination.
This story is not suitable for young reader, it contains mature contents and explicit scenes.
This story is unedited so expect typographical errors, grammatically errors, and whatsoever errors.
-Aes
BINABASA MO ANG
Unkept Secrets (Chavez Series 1)
RomanceSi Zion Nikolai Chavez, ay isang sikat na business man. Kilala ito sa pagiging strikto sa kanyang mga empleyado. May bughaw na mga mata na namana niya sa kanyang ina. - Nang makita ni Hadiya ang tattoo sa kanyang tagiliran ay agad siyang napasingha...